"Talaga bang aalis na kayo?" Nagtipon ang mga mamamayan ng bayan at maging mga pirata sa labasan kung saan nakahanda na sina Nia, Leo, at Zenon para muling maglakbay. "Kailangan na naming umalis. May mahalaga kaming dapat gawin." Paliwang ni Nia sa isang batang babaeng naninirahan sa bayan. "Maraming salamat sa pagbalik ninyo ng kapayapaan sa aming bayan," sabi ng kanyang ina na nasa likuran ng bata. "Alagaan n`yo ang isa't isa. Darating ang araw na magbabalik kami rito at magsasaya tayong muli." Lumuluha man ay tumango ang mag ina. Yumuko ang mga ito na hindi magtagal ay sinundan ng lahat bilang pasasalamat sa kanila. Nang tumalikod ang tatlo upang umpisahan ang kanilang paglalakbay ay sumigaw ang pamilyar na boses kay Zenon-- ang mga kasamahan niyang pirata. "Sandali!" Bitbit ng