"May mga matatanda!" Sumigaw ang isang batang nakatali ang buhok nang makita ang grupo na nakatanaw sa kanilang paglalaro. Dumungaw ang mga batang nasa loob ng mga kubo upang lingunin ang grupo kasabay sa paglingon ng mga batang tumigil sa paglalaro na tumakbo na patungo sa kanilang bisita. Lumundag ang ilan sa kanila upang makaakyat sa likod at balikat ng mga lalaking bisita habang ang iba naman ay yumakap sa paa ni Nia. "May kasama na tayo mga matatanda!" Tuwang tuwa ang mga bata sa pagyakap at paglalaro. Nag uunahan pa ang ilan na makayakap sa kanila. "Teka. Sandali lang. N-nasaan ba ang mga magulang ninyo?" tanong ni Leo na hindi man natitinag sa pagkakatayo at pag akyat ng mga bata sa kanya na tuwang tuwa dahil sa tangkad niya. Umiling sila nang sabay sabay. "Wala po sila." Walan