Nagising si Nia nang dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Mabigat man ang kanyang ulo mula sa alak na ininom nang gabi ay pilit na tumayo si Nia. Sa bintana pa lamang ay nakita na niya ang malaking ipuipong apoy na halos lamunin na ang gitna ng bayan. Isa lamang ang pumasok sa kanyang isip--- si Vexx. Kinuha ni Nia ang pana na sinukbit niya sa kanyang balikat saka mabilis na lumabas na kung saan dinatnan niya sina Leo at Zenon na kaharap si Vexx. Hawak nila ang kani kanilang mga Karisma, handa sa labanan. Sa gitna ng ipuipong apoy ay nakita ni Nia na nag iiyakan ang mga bihag na mamamayan ng bayan. Walang pinatawad si Vexx na maging mga bata at mga matatanda ay binihag niya. Malayo na ang itsura ni Vexx kumpara nang makita niya itong nakahiga at nagpapagaling. Galit ang nasa mga ma