Chapter 49

2040 Words

Hindi namalayan ni Nia na maging siya ay mahimbing ng nakatulog. Ang alam lang niya ay hawak niya si Ruel na kanyang pinapatahan mula sa pag iyak. Napabalikwas ni Nia nang animoy narinig niya ang boses ni Ruella. Pagtingin niya sa paligid ay wala na Ruel sa kanyang tabi. Mag isa lamang ito sa kusina kung saan sila nakatulog ng bata. Dali daling tumayo si Nia para mahanapin si Ruel at ang mga kasama niya. Bago pa man makalabas ay naririnig na niya ang tawanan ng mga kasamahan niya maging ang boses ni Ruel na humahalakhak. Masayang naglalaro ang lahat kasama si Ruel gamit ang isang maliit na bola na kanila sinisipa sa ere. Kasalukuyang na kay Leo ang maliit na bola na kanyang sinisipa at hindi hinahayaang mahulog sa lupa. Nakaabang naman si Zenon at Ruel na magkamali ang kanilang kalaro.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD