Sa Palasyo ng Daes abala ang mga tagapangalaga sa pagbabantay sa kalagayan ni Prinsesa Ifri. Salamin na lamang ang kanilang paraan upang bantayan ang prinsesa. Ang tunay na lokasyon na prinsesa ay hindi pa rin nila matukoy. Limang babaeng tagapangalaga ang halinhilang nagbabantay sa prinsesa. Araw araw silang tumudulog sa mga pari ng palasyo upang magsabi ng mga pagbabago kung sakaling meron man. Ngunit simulan ng mangyari ang krimen ay wala pa ring pagbabago sa kalagayan ng prinsesa. Kung paano siya iniwan ng kriminal ay ganoon pa rin ang kanyang itsura. Malinaw ang hiwa sa kanyang katawan na kahit may dugo ay tumigil na ito sa pagbulwak. Sabay sabay na tumingin ang mga babaeng nagbabantay sa prinsesa nang bumukas ang pinti ng templo. Bumungad sa kanila ang limang tao na pawang nakata