Sinisigurado ni Leo na bago siya sumuong patungong barko ay wala ng bantay na rumoronda sa lugar. Tinungo niya ang makapal na tali ng angkla. Maririnig sa itaas ng barko ang hiyawan ng mga babaeng bihag. Sinasalubong at kinakawayan nila ang paparating na barko. Nang makarating si Leo sa itaas ay sumilip muna ito. Mahahaba man sa likod ang bistida ng mga babae ay luwa naman ang kanilang mga dibdib at kita ang hita sa hati ng kanilang damit. Sumakit ang kanyang ulo sa naiisip na itsura ni Nia na ganoon din ang suot. Umiling iling ito para maalis ang naiisip. Hindi kalayuan sa mga babae ay nakatayo si Binibing Malina. Nakahalukipkip ang mga braso nito at pinagmamasdan ang mga kababaihan. Tuwang tuwa siya sa epekto ng gamot na nakahalo sa tubig na kanilang ipinainom sa kanila. Hindi lamang s