Hawak ni Nia ang kamay ni Malina na kung saan nakasabunot ito sa kanyang buhok. Sindya ni Nia na sipain ang pinto upang hindi makita si Leo. "Bitawan mo `ko!" Lalong hinihigpitan ni Malina ang pagkakahawak niyon. Sinakmal pa niya amg mukha ni Nia upang itutok sa kanya. "Wala na akong pakialam kung masugatan ka. Sinasagad mo pasensya ko!" Nang akmang sasampal na sana si Malina ay dumating ang matandang heneral. Agad na binitawan ni Malina si Nia saka hinila ito papunta sa kanyang likod. "Heneral, hindi pa nakahanda ang regalo ko sa `yo." "Nakita ko na. Tumabi ka!" Pumapalakpak ang tainga ng matanda nang mamukhaan ang regalong inihanda para sa kanya. "Nia Olivia." Nakangisi niyang bungad kay Nia. Hinila niya ang kamay nito upang ilapit sa kanyang mukha. "Ang kriminal na pumatay sa prin