Sakay ng maliit na bangka sina Leo, Zenon, at Nia. Nananatiling tahimik si Nia na nakabalot ng kumot. Nakaakbay si Zenon sa kanya upang mabawasan man lang ang panlalamig ng dalaga. Sinasagwan ni Leo ang bangka patungo sa silangan kung saan nakahimlay ang kanyang tinubuang bayan--ang Cirse. Hindi magamit ni Leo ang kanyang Karisma na nagkaroon ng lamat dala ng matinding labanang naganap sa pagitan niya at ng heneral. Gayon din ang pana na hinawakan at ginamit ni Nia. Pinagmamasdan ni Leo ang dalaga. Batid niyang may posibilidad na may magbago sa kanya katulad ng sinabi ng kapitan. Agad na inihilis ni Leo ang tingin niya nang sumulyap ang dalaga na naramdaman ang pagtitig sa kanya ni Leo. Nakikita ni Zenon ang tila alangan sa dalawa. "S-saan ba tayo pupunta ngayon?" Inilihis niya ang ate