Umiling si Nia. "K-kailangan ni Leo ang tulong." Sinubukang humakbang ni Nia ngunit sinusundan ng tao sa paligid niya ang bawat galaw niya. Wala silang balak na paalisin si Nia roon hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila. "A-ayoko kong masaktan kayo." Batid ni Nia ang kakayahan ng kwintas na protektahan ang sarili nito. Napaso na ang dalawang lalaking sumubok na kunin iyon. "Ibigay mo nalang ang kapalit baka wala tayong problema rito." "Hindi ka magtatagal dito kung hindi ka makikisama." "May kapangyarihan ang kwintas niya. Makakatakas tayo rito." Umugong ang mga usapan usapan nila. Nanatiling nakatitig si Nia sa bawat isa sa kanila. Alam niya kung hindi siya magiging maingat ay aatakihin siya ng mga ito. Hindi nagtagal naglakas loob ang isa sa mga ito na sugurin siya. Umiwas l