"Nia. Nia." Makailang beses narinig ni Nia ang pangalan niya na ginising ng pamilya na boses ng babae. Bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nasilaw siya nang makita ang maliwanag na kalupaan hitik sa mga berdeng puno't halaman. Nang nasanay ang kanyang mata sa liwanag ay bumungad sa kanya si Prinsesa Ifri. Magkaharap na nakaupo ang dalawa sa malawak at mahanging bukid. Bahagyang ngumiti ang prinsesa nang titigan siya ni Nia na gulat at nagtataka sa nakikita. "Ipagpa umanhin mo at kinailangan kitang gising sa pagpapahinga mo. Ito lang ang oras at paraan para makausap kita." "Katulad ng nakita mo sa hukom, hindi pa tuluyang namamatay ang katawan ko sa lupa. Nagawa kong ilaan ang natitirang lakas ko para pigilan ang tuluyan kong pagkamatay." "Kailangan ko ng tulong mo, Nia. Ikaw