Naghahanda si Vexx para sa isang pagbista sa isang lugar na espesyal para sa kanya. Hindi katulad ng ibang Kusai ng palasyo ay wala ng pamilyang babalikan si Vexx. Lumaking pinagpapasa pasahan ang musmos na si Vexx. Inaalila, hindi pinapakain, at kahit bata pa ay pinagtatrabaho siya ng mga pamilyang kumupkop sa kanya. Pagtingtong niya sa edad na katorse ay kumayas siya para mamuhay ng mag isa. Wala man tiyak na pupuntahan at plano ay umalis siya at naglakbay. Araw gabi siyang naglalakad sa malawak na bansa ng Daestre. Tinahak niya ang disyerto, inakyat ang matirik na bundok, at nilangoy ang dagat mahanap lamang ang lugar na kung saan tanggap siya. Hanggang sa mapunta siya sa mapadpad siya sa isla ng Au. Ang pagod at gutom na tiniis niya nagresulta ng pamamayat ng katawan niya. Isang malak