NAKATAPIS lang ng puting tuwalya si Joanna nang lumabas siya ng banyo. Hindi pa rin kasi siya binabalikan ni Nash kaya ipinasya na niyang lumabas mula roon. Wala ito sa ibaba ng bahay. Kipit ang towel sa parteng dibdib na umakyat siya sa hagdanan. Nang makarating sa itaas at makita ang pintong nakabukas ay doon siya dumeretso. Naabutan niya si Nash na naghahanap pa rin sa isang cabinet ng ipapasuot siguro sa kanya. “Hindi ka pa rin ba tapos diyan?” aniya nang makalapit dito. Nagulat pa ito nang makita siya. At hindi nakaligtas sa kanya ang paghagod nito ng tingin sa katawan niya. Nag-iwas ito ng tingin kapag kuwan. Hindi tuloy niya naiwasan ang taasan ito ng isang kilay. Tumikhim ito. “Puro maninipis ‘yong damit na narito. Wala akong makitang—” Kinuha niya iyong damit na puti na may