NAKARAMDAM na naman ng pagkaasiwa si Joanna dahil panay ang titig sa kanya ni Nash. Minabuti na lang niyang abalahin ang sarili sa pagbibilang ng mga niyog na dinadala sa tambakan niyon. Nakiusap kasi siya kay Nash na gusto niyang subukan iyon para may gawin din siya. “Nagugutom ka na ba?” Bahagyang napasinghap si Joanna nang biglang marinig ang boses ni Nash sa bandang likuran niya. Gusto pa niyang pagalitan ang sarili dahil sa naging reaksiyon. “Hindi pa,” aniya na hindi ito nililingon. Napalunok siya nang kunin nito sa kamay niya ang hawak na notebook at ball pen. Napilitan tuloy siyang tingalain ito nang pumwesto ito sa harapan niya. “Pansin ko lang na simula noong matulog ka sa guest room ay panay ang iwas mo sa akin?” Kunot ang noo na tanong nito sa kanya. “H-Ha? Hindi, ah. Ik