NAALIMPUNGATAN si Joanna sa mabangong amoy ng pagkain. Nag-inat siya ng mga kamay. Wala pa sana siyang balak na magmulat ng mga mata kung hindi pa niya mararamdaman ang mainit at malambot na labi na dumampi sa noo niya. Nang imulat niya ang mga mata ay ang guwapong mukha ni Nash ang nasilayan niya. Nahawakan niya ang noo. Hinalikan siya nito roon. Napangiti tuloy siya. “Breakfast in bed,” anito na tumayo na rin ng tuwid at nilapitan ang tray ng pagkain sa side table at inilagay sa bandang paanan ng kama. Kung nananaginip lang siya nang mga sandaling iyon, sana ay hindi na siya magising pa. Ayaw pa niyang magising. “Joanna,” untag sa kanya ni Nash. Nangingiting bumangon na siya at tinabihan ng upo si Nash. Breakfast in bed at may kasama pang halik sa noo. Masyado yatang sweet ngayong u