NANG saluhin si Joanna ni Nash pababa sa kabayo nito ay sinalubong pa siya nito ng halik sa labi. Napangiti ang dalaga nang tuluyang maitapak ang mga paa sa semento habang hindi nilulubayan ng tingin si Nash na may pilyo ring ngiti sa mga labi. “What?” natatawa pa niyang tanong. Kakauwi lang nila galing sa niyogan. Sumaglit lang sila roon pagkagaling nila sa ilog kanina. Hinapit siya nito sa baywang palapit sa katawan nito. Idiniin pa ang matigas na umbok sa suot nitong pantalon sa may puson niya. “Nash, ang usapan kakain muna tayo,” paalala pa niya rito. Inilapit nito ang mukha sa kanya. “You can eat me, sweeney,” kumindat pa ito. Itinulak niya ito sa dibdib. “‘Wag kang maharot dito baka may makarinig sa iyo. Sige na, ipasok mo na ang kabayo mo sa kuwadra niya para makauwi na tayo sa