NAPAKISLOT si Joanna mula sa pagkakaupo sa damuhan paharap sa ilog nang may mga bisig na yumakap sa kanya mula sa likuran niya. Santing ang init ng araw ngunit hindi iyon ramdam dahil sa malilong na parteng iyon ng tabing ilog. Malamig din ang hangin ng mga sandaling iyon. Nasurpresa siya kanina nang dalhin siya roon ni Nash sakay ng kabayo nito matapos nilang mananghalian sa may niyogan. Anito ay gusto nitong pumunta roon kasama siya. Kahit na may hindi magandang alaala noong huling pumunta siya roon ay natuwa naman siya dahil kasama niya ngayon si Nash. “Para saan ‘yan?” tukoy niya sa pagyakap nito sa kanya mula sa likuran. Ramdam niya ang init na nagmumula rito. Para itong naglalambing. Kinda sweet. Umangat pa ang kamay niya at humimas-himas sa braso nito. Isinandig din niya ang ulo s