Chapter 02

879 Words
MULING sumimsim si Joanna sa hawak na wine glass habang nakatingin kay Nash Villa Franca na tila wala na namang pakialam sa paligid. Habang ang kapatid nito ay may ka-flirt na babae sa table ng mga ito. “Hindi ko ma-imagine kung paano niya sinaktan si Ivy noon,” aniya na hindi inaalis ang tingin dito. O baka naman front lang nito ang pagiging cold and stiff pero nasa loob ang kulo? Napatango-tango siya sa naisip. “Pa-misteryoso ang loko,” minabuti na niyang ubusin na ang sinisimsim na wine bago tumayo nang makitang tumayo na rin si Nash at tila nagpaalam na sa kapatid nito. Sinundan niya ito kung saan ito pupunta. Unti-unting bumagal ang paglalakad niya nang makitang sa tabing dagat ang hayon nito. Sa parteng walang tao kundi ito lang. Wala ng istorbo kaya maisasagawa na niya ang unang hakbang sa kanyang plano para malapitan ito. Sapat na siguro iyong nainom niya sa bar para magkaroon ng kapal ng mukha. Ito ang unang beses na aagawin niya ang atensiyon ng isang lalaki. Ni minsan kasi ay hindi pa niya iyon nasubukan. Pakiramdam niya ay nakakababa para sa isang babae na kunin ang atensiyon ng isang lalaki. Pero hindi naman niya masisisi ang iba na gumagawa niyon. Opinyon lang naman ang sa kanya. Hindi ganoon kaliwanag sa puwesto nito dahil halos tanglaw lang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag doon. Pero hindi na iyon mahalaga, sisiguraduhin niyang mapapansin siya nito. Huminga muna siya ng malalim bago naglakad palapit sa kinaroroonan nito. Malapit na siya rito ng mapasinghap siya. “Aaah, s**t!” hindi niya napigilang daing nang maramdaman ang masakit na bagay na tumusok sa suot niyang sapin sa paa na tumagos sa talampakan niya. Napaupo siya sa buhanginan. Mukhang masisira pa ang plano niyang paglapit kay Nash. Hinubad niya ang suot na tsinelas. Mariin siyang napapikit nang makitang dumudugo ang talampakan niya. Napamulat lang siya nang maramdaman ang isang presensiya. Hindi siya nakagalaw nang makita ang pag-squat ni Nash sa harapan niya. Sa paa niya nakatutok ang tingin nito bago umangat sa mukha niya. Halos mapigil din niya ang paghinga nang mas matitigang mabuti ang mukha nito. “Natinik ka,” anito na kinuha ang tsinelas niya bago tinanggal mula roon ang sanga ng aroma na may malalaking tinik. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Pati sugat niya ay hindi niya maramdaman dahil distracted siya sa kaguwapuhan nito. Mas guwapo ito sa mas malapitan at hindi niya kayang ikaila iyon. Saka lang siya tila nagising sa kabaliwan noong hawakan nito ang paa niyang may sugat. Muntik pa siyang mapaiktad dahil sa gulat. “M-Masakit,” aniya na hihilahin sana dito ang paa ng dumukot naman ito ng panyo sa suot na pantalon. Napalunok siya. Hindi niya inaasahan ang pagkakataon na iyon. Na ito pa ang tutulong sa kanya kahit hindi naman niya hinihingi ang tulong nito. Joanna Cross! Remember your mission! MAINGAT na ipinahid ni Nash ang hawak na puting panyo sa dumudugong paa ng babae. Wala sana siyang balak pansinin ang ingay na narinig kanina, pero noong lingunin niya ang pinanggalingan niyon ay daig pa ng paa niya ang may sariling isip na nilapitan ito, pamilyar ang pigura nito. Mas lalo siyang nasurpresa nang mapagtantong ito nga ang babae kanina sa beach. Para maibsan ang pagdugo sa paa ng babae ay itinali na rin muna niya ang panyo sa paa nito. Sa isip ay muli niyang pinagalitan ang sarili nang mapasulyap na naman sa hita nitong lantad na lantad dahil sa suot na see through na nakalilis na. Kung titingin pa siya sa bandang itaas ng hita nito ay tiyak na pati pang-ibaba nito ay makikita rin niya. “Can you walk?” tanong pa niya para lang matuon sa iba ang isip. Tiningnan niya ito sa mukha na sa huli ay gusto niyang pagsisihan dahil hayon na naman iyong point na ayaw niyang tanggalin ang tingin dito. Bakit ba kakaiba ang ganda nito? “H-Hindi ko alam.” Pati boses nito kay ganda sa pandinig niya. Nababaliw na nga yata siya. O baka naman tao na talaga siya dahil may pakialam na siya sa wakas sa nasa paligid niya? Lalo na pagdating sa isang babae. Babaeng hindi naman niya lubos na kilala pa. And worst, pinagpapantasyahan ng kanyang Kuya Nathan. Geez! Bukas na bukas din ay sisitahin niya ang manager ng beach, hindi maaaring may pakalat-kalat na aroma sa buhanginan. Delekado para sa mga guest ng resort nila. Heto nga at may napahamak pa. “Aalalayan na kita. Saan ba ang cottage mo?” “H-Hindi na. Baka nakakaabala na ako sa iyo,” tanggi pa nito. “I insist,” giit naman niya. Sa huli ay wala itong nagawa kundi tanggapin ang kanyang inilahad na kamay. Oh, s**t! aniya sa isip nang mahawakan ang malambot nitong kamay. May init na nanggagaling doon na nagpa-awkward sa pakiramdam niya. Nang alalayan pa niya ito sa pagtayo ay halos magkalapit pa ang mga katawan nila. Nanuot din sa ilong niya ang mabango nitong amoy. Sandali niyang pinagsawa ang sarili sa pagsamyo rito bago sinaway ang sarili. Kung ano-ano na ang nangyayari sa kanya. He was just helping her for Pete’s sake! At heto siya ngayon, tila may nabubuhay na namang parte sa katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD