LIHIM na napangiti si Joanna noong tumugon sa halik niya si Nash. Hindi pa naman siya lasing katulad ng iniisip nito. Mataas ang tolerance niya sa alcohol kahit hindi naman siya literal na manginginom kaya kontrolado niya ang katawan. She wants to seduce him first. Pero mukhang hindi na siya mahihirapan sa bagay na iyon. Ngunit nang mga sandaling iyon ay parang biglang hindi na niya kontrolado ang sarili ng mas lumalim pa ang paghalik sa kanya ni Nash. Hindi siya inform na nakakawala sa katinuan ang klase ng paghalik nito. Humapit pang lalo ang kamay nito sa kanyang baywang. Sa sobrang nipis ng suot niya ay tiyak niyang ramdam nito ang katawan niya. Ang suot niya na floral dress ay umabot lang sa wala pang kalahati ng hita niya. Mas idiniin niya ang sarili sa katawan nito. Oh, s**t, ani