Chapter 05

1070 Words

PALABAS na sana ng resort si Joanna habang hila-hila ang traveling bag na may nakapatong pa na duffle bag nang may humintong itim na kotse sa gilid niya. Wala sana siyang balak na huminto sa paglalakad kung hindi pa niya mapapansin ang guwapong mukha ni Nash nang bumaba ang bintana ng kotse sa may driver side. Mukhang fresh na fresh ang mukha nito dahil sa nakikita niyang glow roon. Pero walang bakas ng kahit kaunting ngiti ang guwapo nitong mukha. “Sumabay ka na palabas. Mahaba-habang lakarin ‘yan,” sabi pa nito bago bumaba ng kotse nito. Itinaas niya sa ulo ang suot na shade. May kainitan sa balat ang sikat ng araw pero hindi niya ininda. Balak sana niya ay maghanap ng matitirhan pansamantala sa may bayan ng San Andres. Dahil matangkad ang lalaki kaya halos tingalain niya ito. Wala sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD