PRENTENG nakaupo sa ibabaw ng kama si Joanna nang pumasok sa silid nito si Nash. Dumaan pa kasi ito sa study room kaya siya ang nauna roon. Hinawakan niya ang handle ng traveling bag at kunway malungkot na tiningnan ito. “Ayaw mo ba talaga na kasama ako rito? Hindi naman ako malikot matulog,” aniya na muling itinuon ang tingin sa hawak na handle. Nilaro-laro pa niya iyon ng kamay. Kakagat kaya ito sa arte niya? “Hindi ako sanay na may ibang tao dito sa kuwarto ko...” Napatango-tango siya. “Ayaw mo nga akong kasama.” Ipinasya na niyang tumayo. Mukhang hindi niya mapipilit ang lalaki na manatili siya sa silid nito. Kung ayaw naman talaga nito ay hindi as in big deal sa kanya. Sinusubukan lang niya kung bibigay ito sa pagdadrama niya. Marahas itong bumuntong-hininga. “Okay, fine. You can