“NAKIKIUSAP po ako, tuparin niyo po ‘yong wish ko,” basag ang boses na wika ni Joanna na hindi pa rin maampat-ampat ang luha sa mga mata. Umaasa na sana ay matupad ng wishing fountain na iyon ang kanyang kahilingan. Kahilingan na sana ay magbago ang isip ng kanyang ina na isama siya sa pagbabalik nito sa Norway kung saan ito nakabase ngayon. Nurse ito roon, doon din sa lugar na iyon ay nakilala ng kanyang ina ang bago nitong pag-ibig na isang Norwegian at nakatakda na ring magpakasal ang mga ito na may isang taon na ring halos na magkarelasyon. Mayaman ang naturang banyaga at tanggap siya bilang anak ng kanyang ina sa pagkadalaga. Handa rin nitong palitan ang apelyido niya para maging legal din siya nitong anak sa mata ng batas. Wala namang problema sa kanya ang pagpapakasal ng kanyang i