2 years later... NAPANGITI si Joanna habang nakatingin sa magandang view ng hotel na kinaroroonan. Pumikit siya at nakangiti pa ring pinuno ng sariwang hangin ang baga. Dalawang taon. Dalawang taon na ang matuling lumipas simula noong lisanin niya ang Pilipinas. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya pupwede pang ipagpaliban ang taon na iyon. Baka magtampo na ang kaibigan niya dahil hindi pa niya nadadalaw ang puntod ng kaibigang si Ivy sa San Antonio. Ngayon ang second death anniversary ng kaibigan pero ipinasya niyang bukas na lamang pumunta dahil tiyak na naroon ngayon ang pamilya ng kaibigan. Ipapaubaya muna niya ang araw na iyon para sa pamilya nito. Gusto rin niyang magkuwento sa kaibigan habang siya lang ang naroon. Marami siyang gustong ikuwento sa kaibigang si Ivy. Napamula