Kabanata 28: Preparasyon

1284 Words
NAKALUWAG ako nang kumawala ito sa pagkakayakap sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili lamang akong estatwa sa harapan niya. “A-Akala ko hindi na tayo magkikita...” aniya na ipinagtaka ko. Nag-taas ako ng kilay. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya iyon. “Ka-Kasi... kailangan ko nang umalis. At saka, bakit mo ba 'ko sinundan? Hahanapin ka nila ro'n...” Napahinto ito dahil sa sinabi ko. Marahil hindi niya nagustuhan ang isinagot ko sa kanya. “You don't want to see me? A-Ang akala ko kasi...” Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya. Nanlalambot ako. Tila may kurot sa aking dibdib. Nasaktan ko ba siya? Bakit agad itong nalungkot? “A-Axl kasi—” Umiling ito. “Hindi ko maintindihan...” Bakas sa mga mata nito ang pagkadismaya. Hindi ko naman kagustuhang maging ganito sa harap niya. Sadyang sumama lang ang pakiramdam ko't gusto nang maka-uwi ng maaga. “Ka-Kasi...” Bago pa man ako makapagsalita ay napansin ko ang isang babaeng tumatakbo palapit sa amin. Si Faye iyon. Nakita ko pa kung paano nito tanggalin ang mga heels niya at ipinagpatuloy ang pagtakbo. “Nicole... ano?” pagpapatuloy ni Axl. Ibinalik kong muli ang atensyon kay Axl. “Hindi mo na sana ako sinundan dito... ba-baka kasi...” “Nicole!” Napalingon kaming dalawa sa likod nang dumating si Faye sa harap namin. “Nicole, we have to go!” humahangos na aniya at hinawakan ako sa braso. “Te-Teka... Faye, naguguluhan ako. Puwede ko namang maka-usap sandali si Nicole, 'di ba?” naguguluhang tanong ni Axl na ikina-iling ni Faye. “No! Sorry, Axl, but we have to go!” ani Faye at inilipat sa akin ang tingin. “Nicole, tara na!” Hinatak niya ako at tumakbo kami palayo sa kinatatayuan ni Axl. Nang sandali kong balingan ng tingin si Axl ay nanatili siya sa kanyang puwesto. Naiwan itong naguguluhan dahil sa nangyayari. Kahit ako ay may pangamba pa rin sa nararamdaman ko. Naro'n si Nheia, ang pamilya niya. Hindi ko na alam ang nangyari kanina sa programa pero sa tingin ko huminto si Axl at hindi na ipinagpatuloy ang talumpati nito. Baka isipin nila na kasalanan ko ang nangyari dahil binanggit ba naman nito iyong pangalan ko. Hindi ako sigurado kung narinig ng marami iyon. Pero hindi ko rin kagustuhan ang nangyari. “Fa-Faye, ano bang nangyayari?” Nagmadali itong binuksan ang pinto ng passenger at pinasasakay ako. “Sakay!” seryosong aniya na animoy magagalit pa yata sa akin. What did I do wrong? Bumuntong-hininga na lamang ako at ginawa ang utos niya. “Can you explain to me what's happening?” Nang maisara nito ang pinto niya agad niya 'kong tiningnan. “I'm sorry.” “Sorry for what?” “I-I didn't tell you, Nics.” Kumunot ang noo ko. “Na? Ano?” Sandaling nag-iwas ng tingin si Faye. Napansin namin na nagkalat na ang mga guwardiya sa paligid kaya mas pinili ni Faye na paandarin na iyong sasakyan at lisanin ang unibersidad. “So... what's going on?” tanong ko. Kahit ako ay naguguluhan sa nangyayari. Isinandal ko na lang ang likod ko sa upuan at napanguso. “Alam mo, naiinis ako sa iyo! Ano ba talaga 'yong sasabihin mo, ha? Hindi iyong napang-iiwanan ako sa mga balita!” “I didn't tell you about Nheia's boyfriend...” Agad ko itong nilingon. Susubukan kong hulaan kung sino nga ba talaga ang boyfriend ni Nheia. “Boyfriend ni Nheia? Hhhmm...” Kunwari akong napa-isip. Mayamaya ay natawa na lang ako. “You're talking about Dhan Axl, right? Tama ba 'ko? Siya ang sinasabi ninyong boyfriend ni Nheia?” Wala sa sarili akong napahagikgik dahil sa hula kong iyon. “Hindi mangyayari 'yon—” “Yes, Nicole!” Unti-unting nawala ang masayang guhit sa mga labi ko dahil sa mga katagang iyon na sinambit ni Faye. “What?!” humina ang tono ng boses ko. “You must be kidding me, Faye. I don't believe you.” At saka ako nagpatuloy sa pagtawa. “Could you listen to me first, Nicole? I'm telling you the truth! Ano naman sa iyo kung in a relationship 'yong dalawang 'yon? Tell me, are you jealous?” Nag-iwas ako ng tingin at ngumisi. “I'm not. I'm not jealous or anything. Nagulat lang ako." Huminga ako ng malalim at saka ibinuga iyon sa kawalan. Hindi ko lang inaasahan na si Axl ang boyfriend ng kapatid kong si Nheia. I just can't believe. At kahit hindi ako maniwala sa kanila, wala pa rin ako sa posisyon para magselos. Bakit ko nga ba nabanggit ang salitang selos? “Iyon naman pala, eh.” Napansin ko ang pagngiti niya habang nagmamaneho ito. “Ngayong alam mo na, may nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?” Nginisian ko ito nang hindi binabalingan ng tingin. “Ano bang sinasabi mo? Hibang ka na ba? Ni minsan wala akong naramdaman sa Axl na 'yon.” “Mamatay?” “Kung 'yan ang pinag-uusapan, siguro ikaw ang mauuna sa ating dalawa.” Natawa ito ng pagak. “Grabe ka naman!” Hindi ko na lang ito pinansin at tumahimik na lang. Nakatingin ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga nadaraanan namin ni Faye. Napapaisip ako. 'Yong mga araw na sandali kong nakasama si Axl, aaminin kong naging panatag ang loob ko. Hindi ko maikakailang siya ang isa sa mga dahilan ng pagngiti ko nang mga oras na iyon. DINALA ko na lang si Faye sa bahay. Naka-isip ako kung anong puwede naming gawin dito. “Oh, siguro naman kasya sa iyo 'yang mga damit ko.” Inihagis ko kay Faye iyong pants at t-shirt ko sa kanya. Naiirita na raw kasi ito sa suot niyang gown. “Salamat, ang bait mo naman!” nanunuksong sagot nito sa akin na ikinangisi ko. Ano bang mayroon sa titig niya? Para siyang tanga! “Dalian mo nang magbihis, hihintayin kita sa ibaba...” Nginitian ko na lang ito at saka lumabas ng kuwarto. Habang pababa ng hagdan, naaninag ko agad si manang na nagpupunas ng mga gamit sa sala kasama iyong ibang mga katulong namin. “Manang...” sambit ko na ikinangiti niya nang makalapit ako sa kanya. “Hija, akala ko ba'y kasama mo ang mama mo sa foundation?” Umiling ako. “Ahh, kasi po nauna na po akong umalis sa kanila. Hindi pa po kasi tapos 'yong programa roon.” “Ganoon ba? Oh, anong maitutulong ko sa iyo?” Kinuha ko 'yong pamunas na hawak ni manang at inilapag iyon sa mesa na nasa harap namin. “Gusto ko po sanang magkaroon tayo ng kaunting salu-salo malapit sa pool area. Tutulong po ako sa paghahanda ng mga pagkain. Kahit papaano po ay marunong din po ako sa pagluluto," pag-aanunsyo ko sa kanilang lahat. Bakas sa mga mukha nila ang saya. Minsan lang naman mangyari ito. Gusto ko silang tratuhin ng maayos at pantay-pantay. Kung gaano kaganda ang trato ko kay manang na siyang pinakamatanda sa kanilang lahat, ganoon din dapat ang pagpapakita ko ng kabutihan sa iba nilang kasamahan. Hindi maipinta ang saya sa kanilang mga mukha. Pakiramdam ko tuloy nagtagumpay na naman ang plano kong magbigay saya sa kanila. “Ako rin po manang, tutulong!” Napalingon kami sa gawi ng hagdan nang makababa si Faye at sabihin iyon. “Manang, payag na po kayo, siguradong magiging masaya 'to!” sambit niyong isang katulong. “Kaya nga po manang, at saka... minsan lang po mangyari sa bahay 'to,” pagsang-ayon niyong isa pa. Nakakatuwa dahil alam kong gustong-gusto nilang mangyari iyon. “Saan ba tayo magsisimula?” tanong ni manang na ikinangiti ko. Alam kong pumayag na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD