Kabanata 2: Maligayang Pagbabalik

1930 Words
12-HOURS ahead ang oras ng Pilipinas sa Toronto, Canada. Lumipad ang eroplano exactly 9:30 AM GMT-4 dito sa Toronto International Airport kaya expected na makakarating ako ng gabi o madaling araw na. Sabihin na nating 14 hours ang total flight duration ng Canada papuntang Pilipinas at hindi pa riyan kasama ang oras ng pag-landing ng eroplano at pag-alis sa airport. Medyo hussle, ngayon lang ulit ako nakasakay ng eroplano pagkatapos ng matagal na taon. “Good evening, ma'am.” Napalingon ako sa isang babaeng cabin crew sa kaliwa ko. Naibaba ko iyong magasin na binabasa ko at binalingan ito ng pansin. “Yup?” “Which do you prefer to have dinner: chicken, pork or fish?” tanong nito habang nakangiti sa akin. Ang ganda niya, tila bituin na kumikinang sa langit ang ngiti niya. Bagay niya rin ang pagkaka-bun ng kanyang buhok, mas malinis itong tingnan. “Is the chicken fried?” “Yes, it is fried, ma'am,” Ibinaling kong muli ang tingin sa magasin. “What about the pork?” “The pork is grilled, ma'am. It is marinated in tomato sauce and served with vegetables.” Tinanguan ko ito at bahagyang ngumiti. “I would like to have that dish...” “The fried chicken, ma'am or the grilled pork?” “Grilled pork.” Ito lang 'yong ayaw ko sa mga cabin crew, ang daming tanong. Pero puwede na, nakatutulong naman sila sa pagse-serve ng mga pagkain sa mga flight passengers at isa ring karangalan iyon sa mga cabin crew. “Which beverage would you like to drink—” Binalingan ko ito ng isang nakakalisik na tingin at ngiti. Medyo naiirita na 'ko sa babaeng 'to. But I can handle the s**t I have. I still can control myself though. Maganda naman siya and she don't deserve to be maltreated. Everyone doesn't deserve to be maltreated. Kahit sino pa 'yan. “I would love to drink cola for my dinner...” sagot ko. Ibinaba ko 'yong table sa harap nang i-serve ng cabin crew iyong pagkain ko. “Enjoy your meal, ma'am!” Tinanguan ko ito kasabay nang paghawak ko sa kutsara't tinidor. “I will. Thank you!” After how many minutes ay natapos na rin ako sa pagkain. Tinakpan ko ang aking bibig upang sa gayon ay hindi marinig ng lahat ang pagdighay ko. That was a delicious meal they have ever served. Nagpupunas pa lang ako ng bibig ay saka namang muling dumating 'yong cabin crew. “Would you mind giving you this dessert?” “Sorry, but I don't eat sweets...” Sabay turo doon sa cupcake. Wala na 'kong nagawa nang ilapag niya iyon sa mesa ko. “Someone wants to give you this but he's a little bit shy to face you, so I insist...” “Who?” Nagkibit-balikat na lamang ito at ngumiti ng nakakaloko. “Excuse me, ma'am.” Bahagya akong tumayo at tiningnan lahat ng passengers. Wala naman ni isang nahagilap na kakaiba iyong mga mata ko. Lahat sila ay abala sa pagkain ng hapunan. Nabigo ako sa paghanap ng kung sinong lalaking nagbigay ng cupcake sa akin kahit hindi naman talaga ako kumakain ng mga matatamis. Iginilid ko iyong cupcake sa corner ng table at binalewala iyon. Isinuot kong muli iyong headset sa ulo ko at inayos 'yong kumot sa lap ko. Hanggang sa lumipas ang mga oras ay hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako. “LADIES and gentlemen, this is your Captain Timothy Lim speaking. We are currently cruising at an altitude of 33, 000 feet an airspeed of 400 miles per hour. The time is 11:45pm. The weather looks good and we are expecting to land in Philippines approximately fifteen minutes of schedule. The cabin crew will be coming around to offer you a light snack and beverage. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight!" Nagising ako dahil sa narinig kong announcement na iyon ng kapitan. Inalis ko iyong kumot ko at nagpakawala ng buntong-hininga. Pakiramdam ko'y hindi pa rin sapat ang pahinga ko. I checked my phone. It's nearly midnight. At mukhang babagsak ang katawan ko nito pagkababa ng eroplano. Sobrang haba ng biyahe, nakakapagod. “Ladies and gentlemen, we have landed at Ninoy Aquino International Airport. Welcome to Manila. The local time is 12:00 AM in midnight. On behalf of Skyland Airlines and the entire crew, I would like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you onboard again in the near future. Have a good day!” Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas na ako ng gate. Hindi ko namamalayang nakangiti pala ako habang naglalakad. Parang ang sarap sa pakiramdam na makatapak muli sa sarili mong bansa. Pagkatapos ng ilang taon, sa wakas ay masisilayan ko na ang lupang sinilangan. That was a hussle flight. Pero naka-uwi naman ako ng may ngiti sa mga labi. Nagtungo ako sa baggage claim para kuhanin iyong maleta ko. Hindi naman ako nagtagal doon dahil agad ko namang nakuha iyon. Nang makalabas ako ay nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam ko na ang simoy ng pasko. Hindi rin ako nagkamaling magsuot ng light trench coat, hindi naman ganoon kalamig pero ramdam ko itong dumadapo sa balat ko. Kanina pa 'ko nakatayo rito sa labas ngunit wala akong napapansing magsusundo sa akin. Inaasahan ko pa namang si mama ang magsusundo sa akin kahit dis-oras pa iyan ng madaling araw. Kinuha ko iyong cellphone ko at pinalitan iyon ng sim. Sa sobrang buryo ko sa kahihintay ay naglakad na lang ako patungo sa kung saan. Umupo ako sa gilid at itinabi iyong maleta ko. Ipinagkiskis ko ang dalawang palad ko at hinihipan iyon para kahit papaano ay hindi ako ginawin. Napansin ko iyong lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin. Tila may hinihintay ito. Hindi nito ininda ang lamig kahit naka-white T-shirt lang siya. Paulit-ulit niyang tinitingnan iyong relo niya na animoy naiinis na sa kahihintay. Nilalamig na rin ito. Naalala kong may light trench coat pa ako sa maleta kaya inilabas ko iyon. Hindi naman iyon gano'n kakapal ngunit kahit papaano ay hindi siya ginawin. “Here...” walang emosyong sambit ko sabay bigay niyong coat. Sandali itong natigilan at tinitigan lamang ako. “Ano 'yan?” Sinamaan ko ito ng tingin at isinuot iyong coat sa likod niya. “Coat. Obvious na nga, 'di ba? Magtatanong ka pa!” “Pilosopo...” bulong nito sa kawalan habang inaayos iyon sa katawan niya. Narinig ko iyon kaya napangisi ako. Hinayaan ko na lang siya at bumalik sa puwesto ko kanina. “Anong ginagawa mo riyan?” Napairap ako sa kawalan. “Kita mo namang nakaupo ako, 'di ba? You're talking nonsense, aren't you?” “Tss! Fine, dahil pinahiram mo 'ko ng coat mo... how can I help you? Kanina ka pa nakaupo riyan na para bang naghihintay sa wala!” Natahimik ako. “Anong pinahiram?” natawa ako ng pagak. “Sa iyo na 'yan! Hindi ko binabawi ang mga bagay na ibinigay ko na!” “So, paano nga kita matutulungan?” Tumayo ako at hinawakan 'yong maleta ko. “You don't have to help me.” Tatalikod na sana ako nang hilain nito 'yong kamay ko. Agad ko namang binawi iyon. “What the— are you crazy?! Anong ginagawa mo? m******s ka 'no?!” “Ang kulit mo kasi! Gusto nga kitang tulungan!” Lumapit ako sa mukha niya at pinaningkitan ito ng tingin. “Gusto mo 'kong tulungan o gusto mo 'kong bosohan?! Over my dead and sexy body, hindi kita papatulan!” “C'mom, miss... I was just trying to give help... How dare you accusing me na bobosohan kita?! Asa ka! Wala ka sa kalingkingan ko!” Hindi ko inasahang marunong din pala itong mag-ingles. Sa pagkakasuri ko sa kanya, hindi naman ito gano'n kayaman, iyon bang simple lang ang porma niya. Pero... cute siya. “Bi-Bitiwan mo na lang 'yong kamay ko para makaalis na 'ko,” kalmadong sambit ko habang nakatitig pa rin sa kanya. “Sorry, hindi ko hawak ang kamay mo...” Kumunot ang noo ko. Nang balingan ko ng tingin iyong kamay ko ay nakahawak lang pala sa maleta ko. Napaawang ng bahagya iyong bibig ko. Napahiya ako ro'n, ah. I cleared my tone. “I-I'm leaving...” Nag-iwas agad ako ng tingin. Pagtalikod ko ay hindi ko namalayang natapilok na ko. Hindi ko nakontrol iyong katawan ko kaya ang ibig sabihin lang niyon ay matutumba ako ng walang sa oras. “Ahhhhh!” May kung sinong sumalo sa akin kaya hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig. Nakapikit pa rin ako habang nakakapit sa damit niya. “Are you okay?” Kumunot ang noo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko akalaing masasalo niya 'ko. Nang dahil sa gulat ko nang makita ang mukha niyang malapit sa akin ay bigla akong napabitiw. “Ahhhhh- aray!” Bumagsak ang likod ko sa sahig. Sobrang sakit niyon kaya halos hindi ako makatayo. “Ang tanga mo kasi!” “Bumagsak na nga ako tapos sasabihan mo pa ako ng tanga? Bobo ka ba?!” pagsusungit ko. “Sinalo ka na nga tapos bibitiw ka pa?! Alam mo, ang pangit ng ugali mo!” “Wala kang paki!” Sinamaan ko lang ito ng tingin at tinulungan ang sarili kong makatayo ng maayos. “Tulungan na kita!” aniya ngunit agad akong umiwas. “Kaya ko ang sarili ko! Naka-tsansing ka na nga, eh.” Pinagpagan ko ang damit ko at inayos iyon. Hindi ko akalaing mangyayari iyon. Napahiya na nga, mas lalo pa akong mapapahiya. Hindi ko na lang sana siya pinahiram ng coat ko. Nakakapangsisi. “Ma'am! Ma'am Ayesha! Ma'am, okay lang po ba kayo? Nakita ko po ang nangyari!” Isang lalaking driver iyong lumapit sa akin at tinulungan ako. Sa tingin ko ay siya iyong driver na susundo sa akin, pansin naman na alam niya ang mukha't pangalan ko. “Sinasaktan po ba kayo ng lalaking 'to?!” Dinuro ni manong driver iyong lalaking katabi ko. “Wait! What?!” hindi makapaniwalang aniya. Umiling ako bilang sagot doon sa driver. “Manong, wala hong nangyari, na-out of balance lang po ako kaya h'wag niyo na pong sisihin 'tong mokong na 'to!” “Anong mokong?!” inis na sambit niyong lalaki. Ang daldal! Juice ko! “Gano'n po ba, ma'am? Sige po, bitbitin ko na ho 'tong maleta niyo sa sasakyan...” Nginitian ko si manong bilang sagot. Bago makaalis ay hinarap ko muna iyong lalaki. “Alam mo ikaw...” Idinuro ko ito sabay siko ko sa tagiliran niya. Namilipit ito sa sobrang sakit. “Aawww!” “Good night!” natatawang paalam ko sa kanya at pumasok na sa loob ng sasakyan. Pinapanood ko pa ito sa bintana habang namimilipit sa sakit. Nagkatinginan kami sa huling sandali. Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang inis habang ako naman ay pinandilatan lang siya. Pinaandar na ni manong driver iyong sasakyan. Doon ko na-realize ang lahat. Bumagal ang oras habang nakatitig ako sa kanya, at gano'n din siya sa akin. Nakatingin kami sa isa't isa. Tila ibang kuryente ang naramdaman ko dahil sa titig na iyon. May kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan. That man... I think... He's a stupid asshole! Akala niyo siguro magugustuhan ko siya? Ano 'yon? Parang love story sa teleserye na love at first sight lang ang peg? Tss! Kalokohan! Itigil ang pantasiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD