“ANAK, I am sorry... Hi-Hindi ko sinasadya...”
Umiling-iling ako. Napansin ko rin ang paghawak ni Nheia sa braso ni mama. I felt like pinagkakaisihan lang nila ako.
“Hindi ko kailangan ng sorry mo. Salamat na lang.”
“Nicole!”
Hindi ko na pinansin si mama at nanatili ako sa pag-akyat ng hagdan.
“Ma, that's enough...” Nheia whispered to mom.
Sandali ko silang tiningnan. Kitang-kita ko kung paano yakapin ni mama si Nheia. Minsan din akong niyakap ni mama, pero hindi nagtagal nagbago ang lahat sa kanya. Kinalimutan niya ako. Pinabayaan. Lahat ng mayroon si Nheia ngayon, kinaiinggitan ko na. Lalo na kapag si mama ang pinag-uusapan.
NAG-AYOS ako ng sarili ko bago umalis ng bahay. Balak kong mag-ikot-ikot at gumala ng mag-isa ko lang. Para naman makahinga ako nang maluwag, hindi katulad dito, baka sumakit lang ang ulo ko ng wala sa oras.
Dinampot ko sa ibabaw ng kama iyong cell phone ko. Saktong may nag-message sa akin sa friendsbook. Hindi na ako nagdalawang isip na tawagin ang babaeng 'yon, kilala ko siya.
“Faye?” sambit ko sa kabilang linya upang makasigurong si Faye nga iyon, ang highschool best friend ko.
“Ayesha? Ayesha, ikaw nga! Kumusta ka na?! Long time no talk, hoy! Ano na ang balita sa iyo?”
Naka-isip ako ng paraan para makalabas ng bahay. Tutal balak ko rin namang mamasyal, makikipagkita na lang ako kay Faye.
“Okay lang ako. Puwede bang mamaya na lang tayong magkumustahan? May kotse ka, 'di ba? Sunduin mo 'ko sa bahay, as in ngayon na!”
Tumayo ako at inayos 'yong sling bag ko.
“Wait! Sunduin? Hindi ba nasa Canada ka? Pinaglololoko mo ba 'ko, babae?!”
Napakamot batok ako dahil sa sinabi niya. “Magpapasundo ba 'ko kung nasa Canada ako? Mag-isip ka nga!”
“So, nakauwi ka na? Kailan pa?”
“Puwede ba, sunduin mo na muna ako saka tayo magchikahan! Bye, ibababa ko na 'to!”
Ibinaba ko na 'yong cell phone ko at ipinasok sa bag ko. Bumaba na rin ako upang umalis. Ayokong magsayang ng oras. Gusto kong mag-enjoy. Kalimutan ang problema kahit panandalian lang.
Nang makababa ako ay nadatnan kong may mga bisita si Nheia. Sandali rin naman akong napahinto dahil narinig ko ang pagtawag ni mama sa akin. Alam ko rin na sa'min nakatingin si Nheia.
“May lakad ka ba?”
Hindi ko ito hinarap. Nanatili akong nasa posisyon ko. “Nakakapanibago. Hindi mo ako tinatanong ng ganyan dati, ah?”
“Anak, 'yong tungkol kanina—”
“Lalayas muna ako. H'wag niyo na 'kong hintayin para sa hapunan mamaya, male-late ako ng uwi.” Sandali ko itong binalingan ng tingin. “Sige ho, mauuna na 'ko.. ”
Hanggang sa paglabas ko ay hindi ako tinantanan ni Nheia. Nakasunod ito sa akin kaya nang mapansin ko ito ay hinarap ko siya.
“Huwag mo namang pinapahiya si mama. Ate, mahal ka niya. She cares for you. Nag-aalala lang siya para sa iyo...”
Lumapit ako sa kanya. “Masuwerte ka. Sobra. Dahil naranasan mo lahat ng pagmamahal, pag-aalaga, pag-iintindi ni mama sa iyo. Pero ako? Siguro itutulog ko na lang ulit para danasin 'yang dinaranas mo ngayon!”
Pagkatapos niyon ay lumabas na ako ng gate. Sakto namang nakita ko agad ang isang kotse sa gilid. Nakababa ang bintana ni Faye kaya agad ko itong namukhaan.
“Paandarin mo na...” sambit ko nang makasakay ako.
Kumunot ang noo niya. “May problema ba?”
Pinaningkitan ko ito ng tingin. “Hindi mo ba 'ko narinig?”
“Sabi ko nga, heto na...”
Nakatulala lang ako sa daan habang si Faye ay tahimik na nagmamaneho sa kaliwa ko.
“Kailan ka pa nakauwi?”
Ipinagkrus ko ang mga braso ko at isinandal ang ulo ko. “Kaninang madaling araw.”
“Oh, bakit bigla-bigla ka namang nag-ayang gumala kung kararating mo lang kanina? Wala ka bang jetlag? Seryoso, hindi ka pagod, girl?”
“Mas lalo akong mapapagod 'pag nasa bahay ako. Kaya maghanap ka ng pagkakaabalahan natin.”
Napansin ko ang pagngiti nito. “Marunong ka pa bang mag-drive? You know...” Sandali itong napahinto at nagkatinginan kami. “Sports car?”
Lumawak ang ngiti sa mga labi ko. Umayos ako ng upo. “Sounds... good!”
Nakarating kami ni Faye sa isang bakanteng lote. Hindi iyon basta lote lang, sa tingin ko ay dito nila ginagawa ang pustahan ng mga car racers. Napansin ko ring tago ang lugar na ito, ngunit maraming dumadalo.
“Hindi na masama para sa isang karera...” sambit ko nang makababa ako ng sasakyan ni Faye.
“Nakaka-miss bang mangarera?”
Sumandal ako sa kotse nito habang pinapanood ang mga nangangarera. “Ang nakaka-miss... 'yong habulin ng mga pulis at makulong dahil sa ilegal na pangangarera... even though, ilegal din namang gawain ito...”
Naglakad ako palapit sa kanila kasama si Faye. Nanonood ako habang nginunguya 'yong bubblegum sa bibig ko. Lahat ay nagsisigawan sa kani-kanilang mga pambato. Hindi ko alam ngunit tila nakangisi ang isang lalaki hindi kalayuan sa puwesto namin ni Faye. Nararamdaman kong para bang nag-aaya ito ng karera.
“Who's next? Anyone?” sigaw niyong lalaking nag-e-emcee ng karera.
Natahimik ang lahat nang magsalita iyong lalaki. “Ako!” Sabay taas ng kamay niya. Hindi nito maiwasan hindi tumingin sa akin. Naghahamok nga talaga ng karera. “And I want you... to be my opponent...” Itinuro ako nito sabay kindat sa akin.
Nagsigawan silang lahat dahil doon. Natawa na lang ako ng wala sa oras.
“I think he's challenging you, Aye!”
“f**k that, Aye! Call me Nics instead,” sagot ko kay Faye at agad kong kinuha 'yong susi ng kotse nito.
Sumakay ako sa kotse at ipinarada iyon sa starting line.
“Mananalo naman tayo, 'di ba?” tanong nito nang dumungaw sa bintana.
“Wala ka bang tiwala sa akin?” tinanong ko rin ito. “Of course mananalo tayo...” Sinamaan ko na lang ng tingin si Faye at saka pinansin ang isang lalaking papunta sa bintana ko.
Siya iyong lalaking nanghamok ng karera sa akin.
“Are you sure na maipapanalo mo ang karerang 'to?” sarkastikong aniya.
Nagtaas ako ng kilay. “Mali ka ng piniling kalaban...”
“What if I win?”
Bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Gano'n din ang ginawa niya. Kaunti na lang ay maaari ko na itong halikan sa sobrang lapit.
“And...” Nginitian ko ito ng nakakaloko. “Do whatever the f**k you want!” nakangising sagot ko sabay haplos ng pisngi niya. Umayos na 'kong muli sa pagkakaupo ko.
“I will assure you na ako ang mananalo...”
Ni-lock ko na iyong seatbelt ko. “Try me.” Kasabay niyon ang pagsara ko ng bintana mula sa kinauupuan ko.
“Start your engines!”
Sandali kaming nagkatinginan niyong lalaki. Nakatawa lang ito habang ako naman ay nakakunot ang noo. Hindi ko gusto ang ngisi niya. Asa siyang mananalo siya!
“On your marks!”
Itinaas na ng isang babae 'yong bandila. Iyon ang magiging signal ng 'Go' kapag ibinaba na niya iyon. Nakatingin lang ako ro'n hanggang sa matapos ang pagbibilang.
“Get set... Go!”
Saktong pagkababa ng bandila ay agad kong binarurot ang sasakyan. Rinig na rinig ang hiyawan mula sa mga taong nanonood ng karera. Medyo hindi mapakali ang pagmamaneho ko dahil sinusubukang banggain ng kalaban iyong gilid ng sasakyan ko.
“Bw*sit!” inis na sambit ko nang maunahan niya 'ko.
Isinagad ko ang turbo. Halos magkadikit na lang kami ngayon. Napansin ko ang pagngisi nito, balewala sa akin iyon kung sinusubukan niya 'kong i-pressure. Naka-focus lang ako sa daan hanggang sa sinubukan niyang mag-drift sa harapan.
Napaawang na ang bibig ko dahil nawala na kami sa daan ng karera.
“What the—”
Pilit kong iniiwasan ang pagbunggo nito sa akin ngunit tila walang nagbabago. “Stop the car!” sigaw ko ngunit hindi niya ako pinapakinggan. Binuksan ko na iyong bintana at sinigawan ito. “Hey! Stop the car!”
Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari.
Sandaling umayos ang sasakyan nito sa gilid ko ngunit mayamaya ay bigla nitong ibinangga ang kotse niya sa akin.
“Listen! I-I am no longer in control!”
Nanlaki ang mga mata ko nang isigaw niya ang mga salitang 'yon.
Wala akong nagawa kundi ihampas ang kamay ko sa manibela.
Iniikot kong muli iyong sasakyan. Sinubukan kong i-drift iyon, nagbabakasakaling matanggal ang pagkakadikit ng sasakyan niya sa akin.
“Hey! What are you doing?!”
“Let's split up! 'Yon ang makabubuti. I don't want to die virgin, you assh*le!” sigaw ko pabalik.
“Hindi mo 'ko naiintindihan! Wala na 'kong preno, kaya puwede bang isantabi mo muna 'yang tungkol sa virginity mo na 'yan?!”
Sandali akong napapikit dahil sa inis. Nakuha ko pang magbiro dahil sa mga sinabi kong iyon. But I made up my mind. Tutal, nakadikit na siya at wala siyang preno, posible kaming maaksidente ng wala sa oras. Kaya itutuloy ko ang balak kong i-drift iyon.
That's the only way!
“Hey! What are you doing?!”
I rolled my eyes on him. “Trust me! It's the only way!”
“Ang b*bo mo! Madidisgrasya tayo!”
Saktong pagka-drift ko ay natanggal ang pagkakadikit nito sa sasakyan ko. Ngunit nagkaro'n ako ng malaking problema, nawalan ako ng kontrol sa manibela.
“Haist!”
I saw a tree near us. Naka-isip ako ng paraan. Pero sa tingin ko ay maaari akong madisgrasya sa gagawin kong iyon.
Tinapakan ko ang gas at dire-diretsong ibinarurot iyon malapit sa puno hanggang sa bumangga ako. Naramdaman ko ang pagsubsob ng katawan ko sa harap pati ang pagbangga niyong isang kotse sa likod ko.
Hindi ko akalaing ibubunggo niya rin iyon kasunod ko. Sa kotse pa talaga! Ang b*bo!