Chapter 15

762 Words
PAGDATING ni Franco sa kanilang bahay ay agad siyang kinausap ng kanyang ina. Hindi na sila masyadong nakapag-usap ni Winrose pagkahatid niya dito kanina dahil gusto kaagad niyang makabalik sa kanila. Humingi lang siya dito ng paumanhin dahil sa nangyari. Alam na niyang mangyayari iyon kaya inihanda na niya ang sarili. “Franco, sabihin mo nga sa akin anak. Sino ang babaeng iyon sa buhay mo?” diretsong tanong nito sa kanya ng magkaharap na sila. “Si Winrose ba, mama? She’s my friend. A especial … friend…” usal niya. “Especial? Papaanong especial?” Hindi kaagad siya nakasagot. Hindi din kasi niya alam kung papaano sasagutin ang especial na tinutukoy niya. Basta kapag ipinapakilala niya ito ay espesyal ang pakilala niya dito. Espesyal na kaibigan. Basta alam niyang more than friends ang turing niya dito kaya especial. Higit sa trato sa isang kaibigan ang turing niya dito. Higit sa pag-aalaga sa isang kaibigan ang ginagawa niya dito. At higit sa lahat, higit sa isang kaibigan ang atensiyon na ibinibigay niya para dito. “Girlfriend mo na ba siya?” tanong ulit ni Yvonne ng hindi siya makasagot. “No.” hindi naman talaga. “How about Marga?” Nagsalubong ang kilay niya. “What about Marga?” “Kailan mo siya papansinin. Alam nating pareho na malaki ang pagkakagusto niya sa iyo. Kumpara sa babaeng dinala mo dito ay di hamak na maganda siya keysa doon.” “Stop calling Winrose na babaeng iyon.” Tumaas ang boses niya. “And Marga, is not my type. Matagal niyo na ding alam iyan.” Aniya. Matagal ng nagpapakita ng motibo sa kanya si Marga. Anak ito ng isang matalik na kaibigan ng kanyang mama. Malaki din ang shares of stocks ng mga magulang ng babae sa kumpanyang pinamamalahaan ngayon ng kanyang mama. At matagal na ding sinasabi ni Yvonne na ito ang gusto nitong mapangasawa niya. Na wala naman siyang balak sundin. Masyadong liberated si Marga. Masyadong sosyal. Spoiled brat kagaya ng ina niya. At hindi niya mati-take kung bibigyan niya pa ng isang Yvonne ang buhay niya. Kaya nga naghiwalay ito at ang daddy nila. Hindi nakayanan ng ama nila ang ugali ng mama nila. Kaya marahil humanap ito ng iba. Hindi naman nila masisi ang kanilang daddy kung naghanap ito ng iba. Bukod sa may pagkanagger ang mama nila ay selosa pa. Minsan kapag hindi nito nakuha ang gusto ay magdadrama ito o kundi naman ay buong buwang magagalit sa iyo. Isa din iyon sa dahilan kaya mas pinili nalang niyang magtrabaho sa ibang kumpanya keysa sa pamalahaan ang kanilang sariling negosyo. Siguradong wala ding mangyayari sa mga gagawin niyang desisyon dahil ang ina pa rin nila ang masusunod. Masasabi niyang pakialamera ito. Pero wala na silang magagawa doon dahil ina pa rin nila ito. Mahal na mahal pa rin nilang magkapatid ang kanilang ina. “Pero anak. Marga and you are perfect! Isa pa kung sakaling kayo ang ----.” “I don’t like her. I don’t love her.” Putol niya sa sasbaihin nito. Saglit na natigilian ang ginang. Nagkatinginan sila. “Don’t tell me you love that girl?” Natahimik din siya. Mahal nga ba niya si Winrose? Noon lang niya narealize ang salitang iyon. “Oh c’mon, son! Hindi si Winrose ang babaeng hinangad ko para sa iyo! Marga is the right girl for you. Kapag nagpakasal kayo ay lalong lalawak ang business natin!” Matalim niyang napukulan ng tingin ang ina. Alam na din niya ang agenda nito. Kapag nga naman nakasal siya kay Marga ay magsasanib ang kumpanyang pag-aari ng pamilya nito at ng pamilya niya. Bukod doon ay mag-iisa na ang shares ng pamilya nito sa pamilya nila. Nalaman na niya iyon dati ng madulas ito. Inamin nito iyon. Pero para din daw sa kanila iyon. Ang isa pa niyang natuklasan ay nakikipaglaban pala ito sa pagpaparami ng kayaman sa kanilang ama. Dahil hanggang ngayon ay hindi nito matanggap na humanap ng iba ang daddy nila para ipalit dito. “That’s it! Kaya gusto niyo akong makasal sa kanya. Paulit ulit tayo mama!” marahas siyang tumayo at parang mauubusan ng pasensiya. “Of course it not just that! I want the best for you son. Isa pa, alam kong mahal na mahal ka ni Marga. Gagawin niya ang lahat para sa iyo.” Umiling-iling na itinaas niya ang dalawang kamay. “Wala ng mababago sa desisyon ko. Hindi ko papatulan si Marga. With or without Winrose. Now, I wanna rest.” Humalik siya sa ina saka tumalikod. Naiwang napapatanga si Yvonne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD