Chapter 16

948 Words
“HINDI nila alam kung ano ang pakiramdam ng inaapi at kinukutya.” Malamig na wika ni Winrose kay Franco. Binisita siya nito ng Linggong iyon. Pagkatapos ng nangyari kahapon sa bahay ng mga ito ay hindi na sila masyadong nakapag-usap. “I know. And I want to apologize for what happened. Pasensiya ka na din kung ganoon ang naging reaksiyon ni mama.” Paghingi ng paumanhin ng binata. Nagpakawala siya ng buntong-hininga saka humarap dito. “Hindi ko naman intensiyon na manggulo sa birthday party ng mama mo. Hindi ko alam na aabot sa ganoon. Pakiramdam ko tuloy napakalaki ng nagawa kong kasalanan. Lahat sila kahapon, nang-aakusa ng tingin. Para akong bibitayin.” hindi niya naitago ang pait sa tono. Hindi niya ugali ang itago ang totoong nararamdaman kaya nasasabi niya ang lahat ng iyon sa binata. Kinabig siya nito at isinandal sa balikat nito. “Huwag na nating isipin ang nangyari kahapon. Masyado lang nagreact sila mama.” Hindi na siya sumagot. Baka kasi masabi lang niyang ayaw sa kanya ng mama nito. Baka isipin pa nitong nangangarap siyang nagtatampong girlfriend nito dahil inayawan ito ng ina nito. Kahit hindi naman sabihin iyon ng binata ay naramdaman niya iyon sa pakikitungo palang ni Yvonne sa kanya. Para bang allergic ito sa kanya. “Ex mo ba iyong si Marga?” hindi niya naiwasang itanong. Hindi kasi siya matahimik kaya nangahas na siyang magtanong. “No!” maigtng nitong sagot. Napangiti siya. “Pero may gusto siya sa iyo?” Hindi ito kaagad nakasagot. Kunway’ tinukso niya ito para pagaanin ang sitwasyon. Kahit pa nasasaktan siya. “May gusto siya sa iyo ano? Bakit ayaw mo ba sa kanya? Ang ganda-ganda niya kaya. Para kang may beauty queen na nobya kapag naging kayo.” Para siyang sinasaksak ng pako habang sinasabi ang mga salitang iyon. Umakbay ang isang braso nito sa kanya. “I admit may gusto siya sa akin. Pero wala kong gusto sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko siya nagustuhan. Ayaw kong maging kagaya ni daddy na hihiwalayan nalang siya dahil kagaya niya si mama. Masyadong spoiled at gusto ay nakukuha ang lahat. Masyadong lumaki sa layaw at puro luho ang gusto.” Natuwa siya sa sagot nito. “E anong gusto mo?” “Ang gusto ko?" Tumiim ang tingin nito sa kanya. "Iyong simple lang. Iyong kaunting bagay lang kaya ko na siyang pasayahin. Iyong malakas tumawa pero nakakagaan sa dibdib. Iyong babaeng kayang-kaya akong dalhin kahit na pagod na pagod na ako o siya.” “May nakilala ka na bang ganoon?” “Yes.” Sagot nito. Nang magtaas siya ng mukha ay nagtagpo ang kanilang paningin. Umawang ang bibig niya ng marealize na baka siya ang tinutukoy nito bago pa siya mapangiti ng todo ay muli siyang nagyuko. Kinagat niya ang labi upang pigilin ang pagtili. Kinikilig nanaman siya. Ang bilis talaga magbago ng kanyang nararamdaman. Kanina ay nasasaktan siya sa isiping ayaw sa kanya ng mama ni Franco. Pero ngayon ay kinikilig nanaman siya dahil pakiwari niya ay gusto na din siya nito. Ah yes! “WHAT is this all about, Mom?” napuno ng boses ni Franco ang buong silid ng opisina niya. Hawak niya sa kamay ilang litrato ng isang babaeng may bingot sa mukha. Pamilyar sa kanya ang itsura nito lalong-lalo na ang mga mata ng babae pero ayaw niyang isipin na tama ang iniisip niya. “Hindi mo ba siya namumukhaan, Franco?” sa halip ay tanong ng kanyang ina. Nagpunta ito sa opisina niya sa UA, Inc upang ipakita lamang sa kanya ang mga litratong iyon nang hindi niya nakikilalang babae. Lalo siyang nagtaka ng makita ang mga larawan dahil sa bingot nito. Hindi mag-aaksaya ng panahon ang kanyang ina sa mga ganoong bagay na idinagdag sa kanyang pagtataka. Umiling siya pero sa isang sulok ng kanyang isip ay parang kilala na niya ito. Pero parang mahirap paniwalaan. Maaring pinoto-shop lang iyon. “Kilalang-kilala mo siya. O kilala mo nga ba talaga siya?” naupo ito sa silyang nasa harap ng mesa niya. “Siya ang babaeng sinasabi mong especial sa iyo. Anak.” Iisa lang ang babaeng espesyal sa kanya ngayon. Si Winrose. "Winrose..." mahinang sambit niya. "Mabuti naman at nakilala mo na siya." anang ginang. Lumapit sa tabi niya at nakitingin sa mga tinitingnan niyang litrato. "S-saan niyo ito nakuha?" mahina niyang tanong. Parang nahihirapan siyang maniwala na ang babaeng may bingit sa litrato ay si Winrose ngayon. Naalala niya ang naghilom na sugat sa itaas ng bibig ng dalaga. "Nagpaimbestiga ako sa kanya. Hindi ako matahimik na nagmamahal ka ng isang kagaya niya. Nalaman kong dati siyang may bingot. Operada siya hijo." mapaklang turan nito. Napailing-iling siya. Pero wala siyang masabi. "Ngayong nakita mo na ang tunay niyang itsura noon, gugustuhin mo pa ba siya? Masasabi mo pa bang mahal mo siya gayong mukha siyang isinumpang nilalang noon." "Mama!" hindi niya napigilang taasan ito ng boses. Hindi niya matatanggap na pagsalitaan ng hindi maganda si Winrose. Kahit pa ina niya ito. Hindi niya hahayaan ang kahit na sinong kutyain si Winrose lalo na sa harap niya. "What? Franco, sasabihin mo pa rin sa aking especial ang babaeng iyan? Siguro nga especial siya. Na kinailangan pang magpaopera ng mukha para lang may maiharap sa mundo." "Enough, mama. Hindi ko gusto ang mga sinasabi mo sa kanya." tumayo siya at nagtagis ang bagang. Sa halip na maalarma ay dinampot ni Yvonne ang bag nito sa couch. "Think about it son. Ni hindi mo siya kilala. Isa pa, ayaw kong masaktan ka isang araw dahil lang nalaman mong pera mo lang ang gusto niya." iyon lang at umalis na ito. Naiwan siyang natutuliro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD