Chapter 13

1254 Words
MALAKAS na malakas ang kabog ng dibdib ni Winrose habang pumapasok ang kotse ni Franco –sakay sila – sa malaking bahay ng pamilya ng binata. Nang nakaraang araw ay inimbitahan siya nito dahil kaarawan daw ng mama nito. Atubili pa siyang pumayag ng una pero sa huli ay nagpapilit din siya. Kaya ngayon ay kabadong-kabado siya habang papasok sa bahay ng mga ito. “Okay ka lang?” tanong nito ng mapansing natutuliro siya. Pinilit niyang ngumiti saka tumango-tango. “Relax.” Usal nito saka hinawakan ang kamay niya. Iginiya na siya nito papasok sa loob ng mansiyon. Napapatingin sa magkahugpong nilang kamay na umusal siya. “Oo nga naman. Bakit ba ako kinakabahan?” Feeling mo girlfriend ka na ipapakilala kaya kinakabahan ka? Ganon? Pagpasok nila sa bulwagan ng bahay ay may mga sumalubong na kaagad sa kanilang mga bisita. Lahat ay binati sila o mas tamang sabihing si Franco lang yata. Lalo siyang nakaramdam ng hiya dahil sigurado siyang pawang mayayaman ang mga naroon. Siya lang yata ang masasabing mahirap. “Franco!” Napukaw ang pagmamasid ni Winrose sa paligid at sabay silang napatingin sa babaeng tumawag dito. Nang tumingin siya sa unahan ay nakita niya ang isang babaeng nakakainsecure nanaman ang kagandahan. Matangkad ito at parang modelo kung maglakad at ang tindig nito – pang beauty queen! Nakangiti ito kaya kitang-kita ang glow sa mga mata nito. Kung lalaki siya ay siguradong magkakagusto siya dito. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Franco sa kamay niya. “Marga!” anito sa babaeng napakaganda. Sumalubong sa kanila ang babae. Napanganga siya ng humalik ito mismong sa labi ni Franco. Hindi na niya masyadong napansin ang pagkabigla sa mukha ni Franco dahil mas naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang dibdib. Mukhang may relasyon ang dalawa. Tuloy ay gusto niyang bawiin ang kamay mula sa binata. Pero lalong humigpit ang pagkakahawak nito kaya hindi siya makawala. “Mabuti naman at nahagilap kita dito ngayon.” Malambing at banayad na wika ng babae kay Franco. Hindi nito napapansin ang presensiya niya. Pumulupot pa ang isang kamay nito sa braso ng binata. Gusto niyang tumikhim pero nagbara din ang lalamunan niya. May pakiramdam siyang may gusto ito kay Franco. Hindi lang niya alam kung ano ang relasyon nito sa binata. “Birthday ni Mama. It’s her precious time.” Balewalang sabi ng binata. Sa pagkabigla niya ay kinabig siya nito sa beywang dahilan para magdikit ang katawan nila. “Before I forgot. I want you meet Winrose. This is Marga. Family friend.” Pakilala nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Marga. Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa. Gusto niyang magyuko ng ulo dahil sa kakaibang tingin nito. “Family friend huh?” nang-uuyam na tinapunan nito ng tingin ang binata. “Winrose? Who is she?” nahimigan niya ang pagkadisgusto sa boses nito. Ngayon palang. Sinasabi na niya sa sariling hindi niya ito gusto. Maganda lang ito. Pero hindi friend material. At mukhang bad image din ang ugali nito. “Winrose is my….” Sadyang ibinitin ng binata ang sasabihin saka tumingin sa kanya saka nagpatuloy. “Special friend…” ngumiti ito. Hindi naman niya alam kung ngingiti. Special friend daw siya. Meaning mas special sa kaibigan. Siguro kasi naghoholding-hands sila? “Gaano naman kaespesyal?” umasim ang mukha ni Marga. Napatingin ito sa magkahawak nilang kamay. Gusto niya itong taasan ng kilay dahil tinaasan siya nito ng kilay. Nakakaamoy na siya ng war sa pagitan nila dahil kay Franco simula sa oras na iyon. Kahit maganda ito ay hindi siya magpapatalo. “Kung ano sa tingin mo ang kahulugan ng espesyal.” Nangahas siyang sumagot. Gusto niyang iparating na hindi siya matitinag sa ipinapakita nito. Oo, napaganda nito. Maganda din naman siya. Itinaas niya ang noo. Dumilim ang mukha nito pero sandali lang iyon. Agad itong nakabawi. Bumulong ito kay Franco. “I hope Tita Yvonne would know about her.” Ngumisi ito sa kanya. “She will. Kaya ko nga siya isinama dito para ipakilala kina mama.” Ngumiti ang binata dito pagkuway sumulyap sa kanya. “Let’s find my mom.” Anito at iginiya na siya patungo sa likod bahay. Sumunod si Marga na madilim ang mukha. Pagdating nila sa likod-bahay kung saan naroon ang halos lahat ng bisita ay sinalubong sila ng isang babaeng glamorosang-glamorosa ang anyo. “Franco, Hijo!” natutuwang sinalubong ni Yvonne si Franco nang makita nito ang anak. Ito ang ina ng binata. Sa nakikita niyang itsura nito ay tila mas bata ito ng sampung taon keysa sa tunay nitong edad. Para itong nakikipagsabayan sa mga nanay nang artista pero ang gaganda pa rin at ang seseksi. Bumitaw si Franco sa kamay niya upang yakapin at halikan ang ina. “Happy birthday mom.” Bati ni Franco dito saka bumaling sa kanya. “Mom, there’s a person I want you to meet.” “Sino?” sumunod ang tingin ni Yvonne sa kanya. Nagsalubong ang kilay nito ng magtama ang kanilang paningin. Tila hindi nito inaasahan na makikita siya doon. Partikular na kasama niya ang binata. Awtomatiko naman ang pagngiti niya kahit kinakabahan. “Magandang araw ho, Ma’am.” Magalang niyang bati. Napatingin si Yvonne sa anak. “Who is she Franco?” pumormal ang mukha nito. “She is Winrose mom. Meet my mother, Yvonne Almendral.” Pagpapakilala sa kanila ng binata. Gusto sana niyang makipagkamay dito pero sa nakikita niyang kapormalan sa anyo nito ay parang nanigas ang kamay niya. Para din kasing ayaw nitong kamayan siya. “H-happy birthday po.” Binati nalang niya ito. Bahagya lang itong tumango pero hindi pa rin nawawala ang kapormalan sa mukha. Si Franco ang muling nagsalita. Sandaling pag-uusap pa at iginiya na siya ng binata sa isang mesa. Nang magkasarilinan sila ay medyo nakahinga siya ng maluwag pero parang hindi niya magawang ngumiti ng maluwang. Tumatabingi pa rin ang labi niya. Pakiramdam niya ay parang out of place siya sa lugar na iyon. Para bang halos lahat ng tao doon ay pinong kumilos maging ang pagtawa ay may class. Hindi siya pwedeng tumawa ng malakas dahil sigurado na siyang pagtitinginan siya ng mga tao. Baka mapaalis pa siya ng di-oras. “F-franco, ayos lang bang nandito ako?” alanganing tanong niya sa binata ng pareho na silang makaupo. Tumingin ito sa kanya. “Why?” amused nitong tanong. “Pakiramdam ko kasi parang out of place ako dito. Lahat ng bisita kagaya mong mayayaman. Ako lang ang mahirap. Uuwi nalang kaya ako.” aniya habang iginagala ang paningin sa paligid. Ilang bisita doon ang nakatingin sa kanila. Umiral ang pagse-self pity niya. Kinuha nito ang isang kamay niya at ginagap iyon. “What are you talking about? Hindi ka out of place okay? Naiisip mo lang iyon.” “E para kasing bawal ako dito sa nakikita kong tingin nila sa akin. Tsaka ang mama mo. Parang sumama ang timplada ng mukha ng makita ako.” hindi niya napiglang sabihin dito. Tumawa ito. “Akala mo lang iyon. Ganyan talaga si mama. May pagkaseryoso minsan at parang palaging ayaw sa mga tao. Pero hindi ka pa kasi niya masyadong kilala kaya ganyan ang reaksiyon niya. Masyado siyang protective sa aming magkapatid kaya ganon. Pero pag nakilala ka na niya ay makilala mong mabait siya.” Paliwanag nito. Tumango-tango nalang siya kahit hindi siya kumbinsido. Para kasing nararamdaman niya ang pagkadisgusto ng ina nito sa kanya. “Relax, okay. I’m here. Hindi kita pababayaan.” Masuyong wika nito dahilan para maibsan ang pagkabahala niya kahit papaano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD