Chapter 12

1090 Words
PUMARADA ang kotse ni Franco sa harap ng bahay nila Winrose. Inabot sila ng isang oras sa biyahe dahil sa sobrang traffic na kinasagupa nila sa daan. Akmang gigisingin na niya ang dalaga dahil nakatulog na ito ng hindi nito namamalayan pero nag-atubili siyang gawin iyon. Tila may humila sa kanyang puwersa upang titigan ang natutulog na dalaga. Napapangiting dininig niya ang bulong na iyon at inilapit ang mukha dito. Payapa itong natutulog. Maamo ang mukha nito at napakainosenteng tingnan. Ngayon lang niya ito napagmasdang mabuti. Hindi ito kasing ganda ng mga babaeng umaaligid sa kanya pero palagi niyang nararamdaman na mas gusto niyang makasama ito keysa sa mga babaeng iyon simula ng makilala niya ang dalaga. Palagi niyang nararamdaman na tila tinatawag ng katauhan niya ang presensiya nito. Kaya nga tuwang-tuwa siya kapag nakakasama niya ito. Pakiramdam niya ay may laya siyang gumalaw ng kahit na anong gustuhin niya. Wala pang nagparanas sa kanya ng ganoong damdamin sa kahit na sinong babae. Tanging si Winrose lamang ang nagpakilala sa kanya ng damdaming iyon. Isang damdaming na nagiging masaya siya kapag naririnig niya itong tumawa. Gumagaan ang pakiramdam niya kapag nakikita ang pagiging luka-luka nito na ayon sa iba ay iyon ang pakahulugan sa pagiging energetic nito. Sa bawat araw na lumilipas ay hinahanap-hanap niya ang masayang anyo nito kapag hindi niya ito nakikita. Pumasok sa isip niya ang isa pang damdaming bago ulit sa kanya. Ang protektahan ito. Hindi din niya namalayan na bigla niya itong kinabig kanina palapit sa kanyang katawan dahil ayaw niyang masaktan ito ng holdaper na dumaan sa kanilang harapan. Naramdaman niyang gusto niya itong protektahan. Sa kahit na anong bagay at sa kahit na kanino. Hindi niya alam kung bakit. Isa pang hindi niya maipaliwanag ay ang damdaming nanahan sa kanya kanina habang nakakulong ito sa kanyang bisig. He felt safe, peace and care. At isa pang damdamin na hindi niya kayang ipaliwanag. Isang damdamin na noon lang niya naramdamdan. Pakiramdam niya ay kaysarap nitong yakapin. Ang init sa katawan nito ay gustong-gusto niyang damhin. Kayang-kaya niya itong ikulong sa kanyang bisig dahil hindi naman ito katangkaran. Pero parang gustong-gusto pa niya iyon. Na nakakulong ito sa bisig niya. Na para bang ayaw na niya itong pakawalan at buong araw nalang niya itong yayakapin. Naramdaman niya ang takot nito ng magsumiksik ito sa katawan niya. Awtomatiko din ang reflex niya upang lalo itong hapitin. Hindi niya iyon naramdaman sa kahit na kaninong babae. Napansin niya ang munting pilat sa ibaba ng ilong ng dalaga. Naglandas ito hanggang sa itaas na bahagi ng labi nito. Tila iyon isang tahi na matagal ng naghilom. Ngayon lang niya iyon napansin dahil sa pagkakatitig niya. Pero hindi iyon naging hadlang upang mapingasan ang ganda nito sa kanyang harapan. Dumako ang mata niya sa nakaawang nitong labi. Kumibot ang labi niya. Isang bagay ang nagtumining sa kanyang isip. Gusto niyang halikan si Winrose. Gusto niyang malasahan ang labi nito. Gusto niyang damhin ang kalambutan ng labi ng dalaga. Pero pinigil niya ang sarili. Sinalat nalang niya iyon ng kanyang daliri. Ayaw niyang manamantala. Ayaw niyang pagsamantalahn ang natutulog at inosenteng si Winrose. Sa halip ay umangat ang kamay niya at naglandas iyon sa buhok ng dalaga. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha nito. Kumislot ito. Pero hindi siya nagtangkang ilayo ang mukha. Kung magigising man ito ay gusto niyang makita ang magiging reaksiyon nito kapag nakita nito ang mukha niya. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Nahawa na yata siya sa pagiging ‘kakaiba’ ng dalaga. Dahil gusto niyang makita ang pababago-bago nitong facial expression. Mula sa pagkislot ay gumalaw ito. Hanggang sa unti-unting magising. Nang magmulat ito ng mata ay nagsalubong ang kanilang paningin. At gaya ng isahan niya ay namilog ang epressive eyes nito. Gusto niyang tumawa dahil gulat na gulat ito base sa anyo ng mukha nito. Para bang nakakita ito ng isang di inaasahang makikita. At siya ang di inaasahang makita nito. Lalo siyang napangiti. “Hi Winrose. Gigisingin na sana kita kaya lang ang sarap na yata ng tulog mo.” aniya dito. Tila tulirong bumukas-sara ang bibig ni Winrose. Hindi din nito alam kung ngingiti o ano. Basta tabingi ang itsura ng mukha nito. Maya-maya ay iginala nito ang paningin sa labas ng sasakyan. “N-nasaan na tayo?” Saka lang umayos ng upo si Franco. “Nandito na tayo sa harap ng bahay niyo.” “Naku! Nakatulog pala ako. Pasensiya na…” paghingi nito ng paumahin. Ngumiti lang siya. “Grabe naman kasi ang traffic.” Palatak nito. “Halika na. Baka naghihintay na sila sa loob.” Kumilos na siya upang ipagbukas ito ng pinto. FRANCO and Winrose seems to be a perfect pair. Iyon ang tingin ng mga taong nakakakita sa kanila kapag magkasama sila. Ilang beses silang napagkakamalang magkasintahan. Sa mga nakalipas na araw ay dumalas ang pagkikita nila at pamamasyal. They really seems to be a couple. Pero alam ni Winrose na hindi pa sila dumadating ng binata sa puntong iyon. Para sa mga kabataan – matatawag palang siguro silang MU o Mutual Understanding. Wala naman kasi silang formal na usapan. Pero kung makahawak si Franco sa kamay niya kapag magkasama silang namamasyal ay parang wala ng bukas. Kung makaakbay ito ay parang ayaw na siya nitong pakawalan. Siyempre, bilang isang babae na nagmamahal sa lalaking ito – yes, naamin na niya sa sariling tuluyan na siyang napamahal kay Franco – ay nagpapasaya sa kanya dahil sa ipinapakita nitong ikinakikilig ng isang babae. Pakiramdam niya ay gusto na din siya ng binata. Ang matinding paghanga niya dito ay lumalim ng lumalim habang tumatagal na magkasama sila. Kailan lang niya narealize na in love na siya dito at hindi lang matinding paghanga ang nararamdaman niya. Siguro nga ay minahal na niya ito sa simula palang. Masyado kasi itong sweet kahit hindi naman siya nito girlfriend. Kung makaprotekta ito sa kanya ay wagas na kahit isang langaw ay ayaw siya nitong padapuan. Feeling important naman siya siyempre. Kaya nga masayang-masaya siya kahit na wala silang formal ‘yes, I love you’ and ‘I love you, too’. Masaya na siya dahil nakakasama niya ito at nakakaholding hands with matching hug and kiss sa cheek kapag maghihiwalay na sila. Pakiramdam ni Winrose ay kumpleto na siya. Hindi naman naalis sa kanya ang pangangarap na sasabihin din sa kanya ni Franco na mahal siya nito. Pero masaya na siya na naging bahagi ito ng buhay niya. Na minsang ang isang pangarap ay nabigyan ng katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD