Chapter 9

1231 Words
“NARANASAN mo na bang mablangko ang utak. "'Yung as in wala ka talagang maisip na bagong pakulo?” interesadong tanong ni Winrose kay Franco. Napag-usapan nila ang uri ng trabaho ng binata pagkatapos niyang ilahad ang sariling trabaho. Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse nito habang binabagtas ang daan pauwi sa kanila. Pagkatapos siya nitong ilibre ng isang nakakapangilo pero napakasarap na ice cream ay inimbitahan niya ito sa kanilang bahay na maghapunan. Tuwang-tuwa siya ng hindi siya nito tanggihan. Dumaan muna sila sa isang supermarket at bumili ng mga sangkap para sa lulutuin niya. Nahiya pa siya ng si Franco ang magbayad ng mga pinamili nila. Pero wala siyang nagawa ng magpumilit ito. Tumango-tango si Franco. “Minsan nararanasan ko ding mablangko. But I ended up thinking and thinking and thinking…again…” Sagot nito habang nagmamaneho. Kung ano-ano lang ang napagkwentuhan nila mula kanina hanggang sa dumako ang usapan nila sa kung ano ang trabaho nito. Nakadama siya ng panliliit ng malaman ang katungkulan nito sa pinagtatrabahuhang kumpanya. Hindi niya akaling isa pala ito sa big boss ng UA, Inc. Kunsabagay, hindi na iyon nakakapagtaka. Matagal na niyang alam na ito ang head ng Heavens Gate Foundation na tumulong sa kanya upang maipaayos ang kanyang mukha. Naisip din niyang siguro nga ay pinag-aadya ng tadhana na pagtagpuin sila dahil may relasyon ang foundation at ang pinagtatrabahuhan nitong kumpanya. Isa pang indikasyon na maliit ang mundo ay sa UA, Inc din dating nagtatrabaho si Destine na nagpakilala naman sa kanya sa HG. Nang maalala niya ang nakaraan at kung anong itsura niya noon ay bigla siyang natahimik. Hindi niya namalayang napalakas ang pagbuntong-hininga niya. Napansin iyon ni Franco. “Ang lalim niyon ah.” Puna nito sa kanya. Napatingin siya dito. Naalala niya ang una at ikalawang beses na engkwentro nila. Hindi na talaga siya nito matandaan. Kunsabagay ay malayo na ang itsura niya noon sa ngayon. Noo, kinukutya at pinagtatawanan siya ng tao. Ngayon? Iginagalang na siya at pinupuri ng isang kagaya ni Franco. Ano kaya kung magpakilala siya dito? “Franco…” untag niya dito. Lumingon ito. Pero sa halip na magsalita ay natameme siya. Inatake siya ng nakakahingal na kaba. Nalunok yata niya ang sariling dila. Ayaw nitong makisama sa mga sasabihin niya. Papaano ay kumokontra ang isang panig ng utak niya. Papaano kung pagkasabi niya dito na mukha siyang monster dati at bigla nitong ihinto ang sasakyan at pababain siya saka ito biglang umalis? Papaano kung bawiin nito ang lahat ng pamumuri nito sa kanya at lahat ng nasimulan nila? Huwag nalang. Naisip niya. Nagsisimula palang siyang magkakilala – at magkaigihan – kung countable ‘yun. Baka maudlot pa. Makakapaghintay naman ang pagkukuwento niya. Isa pa, hindi naman siguro big deal dito kung ano ang dati niyang itsura. Mabait kasi ito. Kung malalaman nito iyon ay malalaman nito. Pero hindi niya kailangang magmadali. Kung oras na, oras na. “May sasabihin ka?” anito ng hindi siya magsalita. “Ang gwapo mo talaga.” Wala sa loob na sabi niya. Napangisi si Franco. “Alam ko na ‘yan.” Napanganga siya ng mapagtanto ang nasabi. Pero sa halip na irapan ito ay matamis siyang ngumiti dito. “Bakit alam mo?” keysa ideny ang sinabi ay umamin nalang siya. Lalo itong napangisi. “Ipinanganak na akong ganyan kaya alam na alam ko na.” Bumungisngis siya. “Oo nga ano! Ang galing mo ah! At dahil diyan, one hundred pogi points ka sa akin.” Para siyang luka-luka sa sariling joke niya. Ang lakas ng fighting spirit mo, Winrose! Ang lakas din ng tawa ni Franco. “SO, anong ginagawa mo kapag nauubusan ka ng ideya?” pagpapatuloy ni Winrose sa pag-uusisa kay Franco. Kasalukuyan na silang nasa kusina ng bahay nila at naghahanda siya ng hapunan. Wala pa ang mga kasama niya sa bahay dahil may kanya-kanya pang aktibidades ang mga ito. Ang ina niya ay nasa trabaho pa. Ang itay niya ay gayundin. Ang kapatid niyang babae na si Jana ay siguradong nasa kapitbahay pa nila at nakikipaglaro. At ang kapatid niyang lalaki ay siguradong nasa basketball court pa. “I usually rest my mind. Minsan soundtrip naman. Nagtatanong din ako sa team ko kung ano ang mga ideas o opinion nila. Hindi naman ako nag-iisa lang. I have my efficient team. Nagtutulungan kami.” Tumayo ito at akmang maghihiwa ng mga gulay pero pinigilan niya ito. “Franco! Naku! Huwag mo ng pakialaman ang mga ‘yan. Ako na ang bahala diyan. Leave it to me.” pakuwela niyang sabi. “Umupo ka lang diyan. Relax. Bisita kita. Hindi ka dapat napapagod.” “Are you sure?” Maluwang ang ngiting tumango-tango siya. “Sure na sure.” Nagkibit balikat ito at muling bumalik sa kinauupuan. “Ate. Nandito ----.” Naudlot ang sasabihin ng papasok na lalaki ng makita si Franco. “May artista!” biglang sabi nito. Nagsalubong ang kilay ni Franco. Siya naman ay malakas na natawa. “Jana! May Artista dito sa bahay! Kasama ni Ate Win!” malakas nitong sabi sabay tingin sa may sala. Humahangos na dumating si Jana. “Sino?” agad nitong iginala ang paningin sa paligid. “Siya.” Itinuri ng lalaki si Franco. Tuluyan siyang humagalpak ng tawa. Napatingin sa kanya ang dalawang bagong dating. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Hindi ko siya kilalang artista pero ang gwapo niya.” nawawala sa sariling sabi ni Jana. Muling tumitig kay Franco. “Hindi siya artista. Hoy!” natatawang sabi niya. “Siya si Franco. Kaibigan ko. Franco, sila ang dalawang makukulit kong kapatid. Si Jana at si Reymar. Ten si Jana, twenty naman si Reymar.” Pagpapakilala niya sa mga ito. “Dito siya kakain sa atin.” Namilog ang mata ng dalawa niyang kapatid. Nagkatinginan pa ang mga ito bago mabilis na nagsilapit kay Franco. “Ikaw si Franco?” sabay pang tanong ng mga ito. Kahit nagtataka ay napapangising tumango-tango ang binata. “Oh my God! Totoo ka nga at hindi isang ilusyon! Ate, ang gwapo niya nga!” malakas at hindi makapaniwalang bulalas ni Jana. Nakipagkamay si Reymar sa binata. Nagpacute naman si Jana dito. Sumunod ay isang nakakatuwang interogasyon kay Franco ng dalawa niyang kapatid. “Totoo bang dito ka kakain sa amin?” di pa rin makapaniwalang tanong ni Jana dito. “Oo. Inimbitahan ako ng ate niyo dito.” Sagot nito. Pumalatak si Reymar. “Naku! Kuya Franco, hindi masarap magluto si Ate. Baka isuka mo lang ang kinain mo. Namamayat ako kapag siya ang nagluluto dito sa bahay.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kapatid. “Hoy Remiong! Huwag mong sabihin iyan kay Franco at baka maniwala sa iyo. Kaya pala ang laki-laki ng tiyan mo.” umismid siya. Humagikhik si Jana at natawa naman si Franco. “We’ll see that pag natikman ko mamaya ang luto ng Ate niyo.” napapangising tumingin ito sa kanya. Nagpump ng husto ang puso niya at nagtwinkle-twinkle ang mga mata niya. Pagdating ng hapunan ay nakasalo na din nila sa hapag sina Mang Rodel at Aling Wilma na mga magulang ni Winrose. Nagmukhang fiesta sa harap ng hapag dahil sa kadaldalan ng dalawa niyang kapatid. Tawa naman sila ng tawa ni Franco. Sa ilang beses na pagsulyap niya dito ay napapangiti siya. Nakikita kasi niyang nag-eenjoy ang binata sa presensiya nilang magpapamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD