Chapter 10

820 Words
IT WAS FUN being with Winrose family. Iyon ang nasa isip ngayon ni Franco habang nagmamaneho ng kanyang kotse pauwi galing sa bahay ng dalaga. Hindi din mawala ang ngiti sa labi niya kanina pa. Paulit-ulit na nagfa-flash sa kanyang utak ang mga eksena kasama ang pamilya ni Winrose. Ang kakulitan ng dalaga at ang mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya. He didn’t imagine himself na magiging ganoon kagaan at kasaya ang pakiramdam niya. Sa kagaya nito – isang mahirap, simple pero masayang pamilya. He had always been with the company ng mga kagaya niyang mapepera. At siyento porsiyento sa mga iyon ay pawang mga sosyalan lamang ang alam. Bihira siyang makasama sa mga ordinaryong tao – meaning makipagtawanan at kasamang naghahapunan – sa mga hindi niya kauri. Hindi sa anupaman, pero iyon ang nakasayan niya – nilang magkapatid. Dahil bata pa sila ay iyon na ang ipinasanay sa kanila ng kanilang ina. Pero hindi ibig sabihin niyon ay kagaya na sila ng ibang mayayaman na mapanghamak sa mga mahihirap. Actually, siya ang head ng Heavens Gate Foundation na pag-aari ng UA, Inc. He love ordinary people. Lalo na iyong mga nangangailangan. At gustong-gusto niyang tumulong. Kaya hindi malayo ang puso niya sa mga kauri ni Winrose. And speaking of that ‘witch’. Lalo siyang napangiti ng maalala ang kaharutan nito sa mga kapatid. Hindi ang harot na kamalditahan kundi kalambingan. Iyon ang adjective na naiisip niya para dito. Winrose had always turn him on. Sa halip na madismaya ay gumagaan ang pakiramdam niya kapag naririnig niya ang malakas pero nakakarelax nitong pagtawa. Wala itong inhibisyong ilabas ang totoo nitong ugali kahit nasa paligid siya. Ilang beses na din niyang nakita ang iba’t-ibang facial expression nito. And he always end up finding himself smiling. Na sobrang weird para sa kanya kung tutuusin. Kaninang makita niya itong nagwawarm up bago ang marathon ay tila nawala ang lahat ng antok niya sa katawan. Pakiramdam niya ay ginanahan siyang bigla na tumakbo at nabuhay ang lahat ng ugat at dugo niya sa katawan. Hindi naman talaga siya tatakbo kanina. Naroon lang siya upang suportahan ang ibang EXECOM na nag-oorganize ng marathon event na iyon. Pero ng makita niya si Winrose ay nagbago ang isip niya. Gusto na niya itong samahang tumakbo. Lalo siyang natuwa dito ng dalhin niya ito sa isang ice cream parlor. Tuwang-tuwa ito at walang pakialam kahit ilang gallon ng ice cream ang malantakan nito. Natutuwa siya dahil nag-eenjoy ito. At may pakiramdam siyang gusto pa niya itong pasiyahin habang tumatagal. Gusto pa niyang marinig ang tawa nito – pero sa pagkakataong iyon, gusto na niya itong tumawa at sumaya dahil sa kanya. BILING-BALIKTAD si Winrose kanina pa. Hindi siya makatulog. Paano ay gising na gising pa rin ang diwa niya. Bukas na bukas pa rin ang mga mata niya at parang gusto pang magtatalon ng katawan niya. Hindi din mapuknat ang pagkakangisi sa labi niya. Kumukuti-kutitap pa rin ang mga mata niya habang inaalala ang nangyayari kaninang naroon sa bahay nila si Franco. Hindi niya akalain kanina na pauunlakan siya nito sa kanyang imbitasyon na doon maghapunan sa kanila. Lalo siya natuwa ng purihin nito ang inihanda niyang ulam. Masarap daw siyang magluto at naimpress ito. Siyempre, hindi maitatangging nagpaimpress talaga siya dito. Kaya naman pakiramdam niya ay dumagdag iyon sa ganda points niya. One hundred ganda points ka para kay Franco! Pagtsi-tsir pa niya sa sarili. Sa isip-isip ay mukhang sinusuwerte yata talaga siya dahil sa sunod-sunod na pagkikita nila ng binata. At in fairness, maganda ang kinalalabasan niyon. Lumalalim din ang paghangang nadarama niya para dito. Hanga siya sa pagiging maginoo nito. At all in fairness ulit, pakiramdam niya ay ang ganda-ganda talaga niya. Mukhang siya na ang magiging Cinderella ng taong iyon! Aminado naman siya na hindi siya ubod ng ganda na pang-artista at pang beauty queen. Maganda lang. Pero hindi ubod. Pero angat ang ganda niya sa karaniwang anyo ng isang babae. Hindi makaagaw pansin pero maappeal at malakas ang panghatak ng katawan. Iyong itsura na sa simula ay hindi mapapansin pero kapag tinitigan ay lumilitaw ang totoong ganda. Pasalamat din siya dahil naoperahan siya. Naemphasize ang magaganda at bilugan niyang mga mata. Iyon ang pambato niya. Hindi siya katangkaran pero seksi naman siya. Sapat na iyon sa kanya at hindi na naghahangad pa. Maswerte na talaga siya dahil isang kagaya ni Franco na ubod ng kisig at gwapo – na kay hirap maabot - ay nagiging kaibigan na niya… sa ngayon. Oo. Sa ngayon. Malay niya. One day. Isang araw. Panain ni kupido ang mga puso nilang dalawa. At sila ang magkakatuluyan. Oh diba? Bongga! Kaya thank you-thank you talaga siya sa mga blessings na dumarating sa kanya. Sa tingin niya ay hindi na niya kailangang gayumahin si Franco para magkakilala at magkagustuhan sila. Dahil tadhana na ang gumagawa ng paraan upang sila ay magkalapit. Mahina siyang napahagikhik sa mga kaisipang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD