Chapter 7

1306 Words
Magkasama sila ni Lawrence sa isa sa mga construction sites ng kumpanya nila. Mas pinili niyang samahan ito para na rin makaiwas kay Samantha. Kapag libre din naman siya ay willing siyang magjump in sa role ng iba kung kinakailangan. Yon ang nagustuhan ng bog boss sa kanya. T-in-est ni Lawrence ang strength ng mga materials, siya naman ay pinagkasyang inspeksyunin kung naaayon sa design ang construction ng building. “Seems like no problem.” Mabuti na lang at nasa field sila ngayon kung hindi ay pihadong magku-krus ang mga landas nila ni Samantha. Isang araw pa lang na nakabalik ito mula sa ibang bansa, nagugulo na ang buong sistema niya. “Problema?” “H-ha? Wala. Wala.” Nanahimik ang kaibigan, hinayaang kusa siyang magkwento. Bagay na hindi niya gagawin. Mas mabuting sarilinin ang lahat at ilibing sa limot ang nangyari. Mahirap na. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla ay tumunog ang cellphone. Parang hinila ang lahat ng buhok niya nang mabasa ang pangalan ng caller. Sasagutin niya, once and for all para tuldukan ang anumang ugnayan nila. Bahagya siyang lumayo mula kay Lawrence at sinagot ang tawag. “Missed me?” ang nang-aakit na boses ni Samantha sa kabilang linya. Lumikot ang mga mata niya. “Sam.” Ipit na ipit ang boses niya. Nakakabanas ang babaeng ito. Nakakasakit ng ulo. “Si Contessa ba ‘yan?” Nanlamig ang pakiramdam niya nang marinig ang boses ni Lawrence mula sa likuran. Nilingon niya ito at pinintahan ng ngiti ang mukha bago tumango. “Yeah, I’ll be there.” Matunog na tawa ang naging sagot ni Samantha. “See you later, love. I missed you touching me. I missed you in bed.” Samantha is a dynamite in bed. Ipokrito siya kung sasabihing hindi niya naiisip ang hubad na katawan nito. Samantha had given him an experience of a lifetime. Nagtatalo ang utak at puso niya. Ayaw niyang magkasala kay Contessa pero ibang physical satisfaction ang kayang ipagkaloob ni Sam sa kanya. He is a cheating man. Ang bagay na pinakaayaw niya sa ama. Nagiging katulad na ba siya nito? But he can still carve a different path for himself. Sa buong araw ay iniwasan niya si Samantha. Sa abot ng kanyang makakaya. “Architect, tawag ka sa taas ng big boss.” Halos hindi pa umiinit ang puwet niya sa upuan nang sabihin iyon ng isang clerk. Ang big boss na sinasabi nito ay ang mismong may-ari ng kumpanya, si Engineer Clifford Cervantes, ang may-ari at founder ng CC Construction and Development Firm at ang ama ni Samantha na nag-oopisina sa pinakaitaas ng building nila. Sa malawak at modernong opisina. Naroroon din si Sam. Nakaekis ang magagandang pares ng mga legs na ilang beses niyang dinama at pinaraanan ng daliri at labi kagabi. “Good morning, Sir!” magalang niyang bati sa big boss. Bahagya niya lang tinapunan ng sulyap si Samantha. He was too careful not to act strangely in front of him. “Have a seat, Rafael.” Pormal na utos ng lalaki at itinuro ang silya na katapat ng mesa nito. Magkaharap sila ngayong nakaupo ni Sam. Her presence made him feel uncomfortable; excited at the same time. Nakita niyang itinaas ni Sam ang laylayan ng damit nito hanggang sa punong hita. Napalunok siya. “Dad, start rght away.” Kung umasta, para bang walang anumang kababalaghang ginagawa si Samantha habang kaharap nila ang ama nito. Samantha is seducing him. Malakas ang buga ng aircon sa loob ng opisina pero naiinitan ang pakiramdam niya. His manhood easily reacted. A devilish grin marked Samantha’s pretty face when he tried to hide his bulge with a folder. Alam na alam nitong naaapektuha siya. “It has come to my attention kung gaano ka kapursigido sa trabaho mo.” Para siyang nagitla nang magsalitang bigla ang boss. He tried to focus on him rather than on the temptation in fornt of hi, “Honestly, I admire your work ethics, your talent, your guts and your confidence, not to mention your exceptional abilities. No wonder, isa kang San Diego.” Naiinis siya kapag inihahalintulad siya sa ama. Of course, nasa iisang industriya lang sila. “With all due respect, Sir, my father has nothing to do with what I am now.” Natawa si Mr. Clifford Cervantes. “That is what I like in you even more. Gumagawa ka ng pangalan nang hindi nakasandal sa iba. You’ve earned your own merits. Aside from being fiery, direct to the point. Kaya nga dahan-dahan ka na ring gumagawa ng pangalan mo. Hence, I am appointing you to be the company’s chief architect. ” Napatingin siya kay Samantha. May kinalaman ka ba? Ang mensahe sa mga mata niya. Piping wala ang sagot nito. Ayaw niyang nakukuha ang mga mithiin sa buhay just because ikinama niya ang anak ng big boss. Lahat ng achievements niya sa buhay, gusto niyang pinaghihirapan. Ma-pride siyang tao at kabawasan sa p*********i niya kapag humingi siya ng tulong para makuha ang isang bagay. “Aren’t you happy?” “Of course, I am, Sir.” Kinamayan siya ni Engr. Cervantes. It was such a handshake. “If only I had been granted with a wish to have a son, I would pray to God, na kauri mo ang magiging anak ko.” “Dad, I am here,” kunwa ay angil ni Sam. Natawa ang ama. Nang bitiwan nito ang kamay niya ay umayos ito ng upo at ibinigay sa kanya ang isang sa tingin niya ay invitation card. “This was sent today. So, I decided na straight kong sasabihin sa’yo. Dadalo kayong dalawa ni Samantha sa isang convention sa Cebu next week.” Convention. Silang dalawa lang ni Samantha sa Cebu. Hindi pa man, dinadaga na ng kaba ang dibdib niya. The one thing he strived hard was to avoid her. Ngayon… Jesus! Umayos siya sa pagkakaupo at pasimpleng nagtanong sa boss. “Kaming dalawa lang, Sir?” “Why, I won’t bite you, Rafael.” Naunahan ni Sam sa pagsagot ang ama nito. May kakaibang ngiting naglalaro sa mga labi ni Samantha. She is up to something. Pwede siyang umayaw. No! Kaka-promote niya lang at nakakahiyang aayawan niya ang opportunity na ito. All he needs to do is have a tight grip on reality and on his balls. “Rafael, makakabuti sa’yo ang makipag-associate sa ibang ka-industruya natin. Sooner or later, aakayat ang posisiyon mo and you’ll need to talk to people in the industry. Consider this as a preparation for your future.” Wala siyang ibang nagawa kundi ang umayon. “Did you have something to do with this?” Nang magkasabay na silang naglalakad ni Samantha sa labas ng opisina ni Engr. Cervantes ay diretsahan niyang tinanong ang babae. “Oh, come on. I may have liked you a lot, but I couldn’t dare manipulate my dad. You were promoted because you deserved it. Don’t you believe in your own ability, Rafael?” Hindi siya kumibo. “Come on, Raf, loosen up.” Bigla na lang iniangkla ni Samantha ang mga braso sa leeg niya at kinintalan siya ng halik sa labi. “Samantha, baka may makakakita sa atin.” Inalis niya ang pagkakalingkis ng mga braso nito sa leeg niya. Thankfully, walang ibang tao sa lobby. Walang nakakakita. “Okay, okay. Afterall, ‘pag nasa Cebu na tayo, you are all mine.” Idinikit nito ang mukha sa kanya. Dama niya ang mainit at mabango nitong hininga. “This should stop.” Malutong na halakhak ang pinakawalan nito. “Really? Bakit, kaya ba ng girlfriend mo ang bumaligtad sa kama? Ang sumigaw at umungol ng malakas? Does you girlfriend know how to unleash that wild beast inside of you?” Mga tanong ay ‘di niya nasagot nang bumukas ang elevator at nagsilabasan ang ibang empleyado ng kumpanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD