Chapter6

1996 Words
It was a good thing na umalis ng bansa si Samantha. Rafael felt safer. He just hoped, Sam would remain in the US for good. Mas makapagpo-pokus siya kay Contessa. Weekend came, sinundo niya si Contessa sa bahay nito nang walang anunsyo. Naratnan niya itong nagsasampay ng mga labahin sa labas. Mabuti na lang at wala si Tiya Fidela kundi, makakatikim na naman siya ng malamig na trato nito. Mabigat ang loob ng matanda sa kanya simula’t-sapol pa. ‘Di bale na, si Contessa naman ang ipinunta niya rito. Ngayong araw, babawi siya kay Contessa. “Saan tayo pupunta?” Magkatabi na sila sa sasakyan at kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok. Kamamadali nito, ni hindi na nito nagawang suklayin ang basang buhok. “Mamamasyal.” Pasimple niyang tiningnan ang kabuuan ng katabi. Pasado naman sa kanya ang suot nito. At least, she wore something na siya ang pumili. “Marami kang oras?” “You know me, marunong akong mag-micro manage.” Wala nang kasunod na tanong pa si Contessa. Inaliw nito ang sarili sa pakikinig ng music mula sa car stereo habang nasa biyahe sila. Nakasandal lang ito sa upuan. Halatang pagod. “Tired?” Kaagad na bumukas ang mga mata nito at tumuwid ng upo. “Hindi, hindi.” Minsan naman, sinusundot siya ng kunsensya kapag nakikitang ganito si Contessa. Sisikaping ipakita na okay ito kahit hindi na nito gusto ang nangyayari. Ginagap niya ang kamay nito na nakapatong sa kandungan. Surprise painted her face. Napatingin ito sa magkahawak nilang kamay na parang namamangha. Nangingislap ang mga mata nito nang tumitig sa kanya. Conrtessa doesn’t need diamonds. Simpleng hawak lang na ganito at natutuwa na ito. Ito naman ang bagay na nakakalimutan niya. “May gusto ka bang bilhin?” Nag-isip ito. “Tama! Regalo para kay tiyang.” Sa mall sila nagtungo. Isang dosenang duster ang binili ng nobya at pinabalot pa ng paboritong kulay pula ni Tiya Fidela. After lunch, naglibot-libot sila. Nagsine pagktapos. On the outside, he looked like a doting boyfriend, and that he has undivided attention towards Contessa. Pero sa totoo lang, ilang beses na sumaglit sa utak niya ang namagitan sa kanila ni Samantha. Sa kalagitnaan ng palabas, bigla na lang niyang kinabig ang mukha ni Contessa at siniil ito ng halik. Kissing in public was never in Contessa’s book. Madilim sa loob, abala ang mga tao sa panonood sa pelikula pero alam na alam niyang inaalala ng girlfriend na baka may makakita sa kanila. “Let’s get out of here.” Walang kibong sumunod lang si Contessa sa kanya. They ended up in a hotel. Dalawang beses na niyang nadala sa ganitong lugar ang babae pero kinakabahan pa rin ito. Pagpasok sa loob, kaagad niyang sinunggaban si Contessa. Mabilis niya itong nahubaran at nadala sa kama. Moments later, nasa ibabaw na siya nito, paulit-ulit na naglalabas-masok sa kasikipan nito. But damnit! Sa kasintahan siya nakikipagtalik, ibang babae naman ang naiisip. Parang tumutunog sa tainga niya ang bulgar na mga halinghing at dirty talks ni Samantha. As much as he would like for Contessa to scream in pleasure, ipit na ipit ang mga daing nito. Restrained ang mga kilos. Ni hindi nito masabayan ang init niya. Hinugot niya ang p*********i mula sa nobya at idinapa ito sa kama. “R-raf?” Nanginginig ang boses nito. Pati mga mata ay nababahiran ng pagkabahala habang nakalingon ito sa kanya. “A-anong ginagawa mo?” Burning with desire and lust not to this woman but with Samantha, mabilis siyang naglabas-masok sa p********e ni Contessa mula sa likuran. “Raf, tama na!” Damn! Si Contessa ang kaniig pero si Samantha ang naiisip niya. He was thinking of every moment they had together. Iniisip niya ang lahat ng magagawa kay Samantha na kailanman ay hindi papayagang gawin niya kay Contessa. Temptation tore at his sanity apart. Conscience hammered at his entire being. Para siyang mababaliw. Niyakap niya si Contessa at masuyong hinalikan sa pisngi at hinaplos sa buhok nito. Wala siyang sinabi pagkatapos. Hinayaan lang din siya ng kasintahan sa ganoong ayos. Ilang sandal rin sila sa ganoong ayos hanggang sa nakatulog ito na yakap-yakap niya. Dahan-dahan siyang umalis sa tabi nito at naupo sa gilid ng kama. Nagsindi siya ng sigarilyo. Kasalukuyan siyang humitit-buga nang tumunog ang phone. Sam sent him a rather provocative message.Nasa loob ito ng banyo at nag-selfie habang nakalublob sa tub. Nanginginig ang kamay na nag-exit siya sa account na kumakabog ang dibdib. Hindi na niya tinangkang buksan pa ang phone. Sa paglipas ng isang oras, ilang stick din ng sigarilyo ang nasindihan niya. Lagi siyang may baong kaha pero hindi siya ganito ka-chain smoker. Paisa-isa lang. Ngayon, halos maubos niya ang natitirang laman ng kaha. “May problema ka ba?” si Contessa na nagising na pala. “Bakit mo naitanong?” sagot niya na hindi ito nilingon. Pinatay niya ang natitirang sigarilyo sa ash tray. “Tense ka kasi. Naninigarilyo ka. I think…I think may…problema ka.” “Wala akong problema,” he said with finality. Madadagdagan lang ang kasalanan niya kapag sumagot siya ng isa pang kasinungalingan. Pinili na lang din na tumayo ni Contessa. Kipkip ang kumot sa katawan na isa-isa nitong pinulot ang mga kasuotan nito na basta na lang niya itinapon sa kung saan. Nang mapulot ay tumalikod pa ang babae sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito kampanteng nagbibihis sa harapan niya. Pinulot nito ang bag at tumayo. “Umuwi na tayo.” “Magbibihis lang ako.” Walang sinabi si Contessa. Tahimik lang na naghintay kung kailan siya matatapos sa pagbibihis. ‘Let’s eat.” Good thing na hindi ito nagreklamo pa nang dalhin niya ito sa isang mamahaling restaurant niya ito dinala. “Pumili ka nang kahit anong gusto mo.” Sinuri ni Contessa ang menu at ngumiwi ito. “Hindi pamliyar sa akin ang mga pagkain. Ikaw na lang ang mag-order para sa akin.” Inilapag nito ang menu sa mesa at pinagkasyang ilibot ang tingin sa paligid. Nababasa niya sa mga mata nito na hindi ito komportable. Halata sa paran ng pagtingin nito sa table setting. Kapag ang nagdi-decide mas gugustuhin nitong umuwi at magluto at doon sa bahay kakain. Steak ang inorder niya para sa kanilang dalawa. “Medium rare-“ “Well done sa akin.” Hinayaan niya munang makalayo ang waiter bago nagkomento sa choice ni Contessa. “You should try something new, Contessa.” Napatingin ito sa kanya. “Ayoko ng hilaw na karne.” “It’s not raw-“ Huminto siya sa pagsasalita at mas piniling uminom na lang ng wine. It’s useless kung ipipilit niya ang gusto niya sa babae. Lumipas ang mga sandali ng paghihintay ng order na kapwa sila tahimik. He has come to a point when simple conversation with her was too much. It had become a burden. Pagdating ng pagkain, tahimik lang silang kumain. Mabuti na rin dahil gutom na gutom siya. Papalabas na sila ng restaurant nang matanaw ang isang babae at lalaking magkasamang papasok naman. Kaagad na napahinto ang paghakbang niya. Mariin niyang naikuyom ang kamao. “Raf?” Nasundan ni Contessa ang direksyong tinititigan niya. “Sino siya?” Lumagpas lang ang tanong ni Contessa sa pandinig niya. Of all places, dito pa talaga niya makakatagpo ang lalaking ito. Katulad niya, napahinto rin ito sa paghakbang at napapatitig lang sa kanya. Nasa mukha nito ang pag-aalangan na magpatuloy sa paghakbang o hindi. The woman beside him knew too well what was going on around. Nakita niya kung paanong napakapit ito ng mahigpit sa braso ng lalaki. The sight of the two of them together made his blood boil in anger. Galit nag alit siya. Pero ang anumang galit ay dapat lang na ilagay sa tama. Hindi na siya ang gusgusing si Rafael noon na hindi nakakayang panghawakan ang mga emosyon. Kinuha niya ang kamay ng nagtatakang si Contessa at hinila ito upang patuloy na maglakad. Eksaktong nagkatapat sila ni Contessa at ng dalawa nang marinig niya ang mahinang pagsambit ng lalaki sa pangalan niya. “Rafael.” Mas nagatungan ang galit niya. What now? Humugot siya nang malalim na buntung-hininga at nagpatuloy sa paghakbang na hawak-hawak si Contessa sa braso. tuloy-tuloy silang pumanhik sa kotse at mabilis iyong pinaharurot. Walang anumang salitang namutawi sa bibig niya. “Raf.” Namalayan niya ang paggagap ni Contessa sa kamay niyang nakahawak sa manibela at masuyong hinaplos ang likod ng kamay niya. Contessa’s touch was soothing. Bahagyang humalma ang pakiramdam niya. Minenoran niya ang mabilis na pagtakbo hanggang sa narating nila ang gusali sa may Pasig na siya mismo ang nagdisenyo. Humimpil ang sasakyan niya sa harapan niyon. Hindi sila bumaba. Tahimik lang na tinitigan niya ang naturang gusali. “This building carved my name in the industry.” Tahimik lang na nakinig si Contessa. Hinahayaan siya nitong iproseso ang anumang nararamdaman niya. “Noong bata ako, pinangarap ko ang makilala, magkapangalan. I want my father to see my worth. I want him to realize what he abandoned.” Nangangatal ang mga labi niya. Bibihira niyang binabalikan at inuungkat ang masakit na nakaraan nila ng ina niya. Ang lahat ng hirao na pinagdaanan nilang magkasama dahil sa pag-aabandona ng tatay niya sa kanila. Parang sinasakal ang dibdib niya kapag naaalala ang hitsura ng nanay niya noon sa ospital. “I hate him. I hate him so much.” Not knowing how to console him, Contessa hugged him so tight. Wala itong ibang sinabi pero ramdam niya sa mainit na yakap nito at sa haplos sa kanyang likod ang pang-unawa at pagdamay. This is the reason he couldn't let Tessa go. Sa pag-uwi nila sa gabing iyon, may kung anong bagay na naghilom sa relasyon nila ni Contessa. “Hindi ka na papasok?” Umiling siya sa alok nito. Malalim na ang gabi, mabubulahaw ang pamamahinga ni Tiya Fidela. Isa pa, pagod si Contessa. Ilang beses itong humikab habang nasa sasakyan sila. “Sige.” Hahakbang na sana ito papasok ng bakuran pero maagap niyang napigil sa braso. Nagitla ito nang hilahin niya at yakapin. This was his way of saying thank you to her. Ilang saglit din niyang niyakap si Contessa bago niya pinakawalan. Driving home that night, he said to himself: Contessa is the one. But just when he thought that everything was fine, someone came back. “Yes, Engineer Galera, the file has been sent to your e-mail. If you want, I can drop by your office para makita mo ang model.” Nakaipit sa tainga niya ang phone at nasa kabilang balikat naman ang laptop bag habang papanhik sa elevator nang napahinto siya sa paghakbang. Samantha stood right in front of him, inside the elevator. Napalunok siya. Ilang araw lang itong nawala at ngayon ay mas lalo yatang gumanda at sumeksi sa paningin niya. “Scared?” Hindi siya kumibo. Inisip niyang maghagdan na lang paakyat sa opisina nang biglang sumulpot si Lawrence sa kanyang tagiliran. “Raf, tara na, naghihintay na si boss sa presentation natin.” Walang pagpipilian, lumulan siya sa elevator. Narinig pa niya na binate ni Lawrence ang anak ng boss. Siya naman, natuod lang sa kinatatayuan. Napapagitnaan siya ni nina Larence at Samantha. Ilang sandal pa lang na nasa loob nang maramdaman ang tila kamay na humawak sa kanyang pwetan. Paglingon niya kay Samantha, nakita niyang nakatutok lang ito sa unahan. But Samantha was biting her lower lip. Natuon sa pulang-pula nitong mga labi ang paningin niya. Thankfully, bumukas ang pintuan. Para siyang gago na unang-unang lumabas. Habang naglalakad kasunod si Lawrence sa gitna ng pasilyo, halos magwala sa kaba ang dibdib niya. “Bakit ka pa bumalik?” "What?" “H-ha? Ang sakit sa sikmura ko.” Masusunog siyang lalo sa impyerno sa pagsisinungaling sa kaibigan. “Ewan ko sa’yo!” natatawang saad ni Lawrence na tinapik pa siya sa balikat bago nito ipinihit ang pinto ng conference. Bago pumanhik, nalingunan pa niya si Samantha na titig na titig sa kanya habang nakikipag-usap naman sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD