Kinabukasan , nagdesisyon si Contessa na lumiban sa trabaho. Ipagluluto niya si Rafael. Kung wala man itong time para sa kanya, then she would gladly find time for him. Hindi na nga lang niya pinansin ang patutsada ng tiyahin.
"Uy, si Contessa, o."
Masayang salubong ng mga kasamahan ni Rafael sa trabaho nang dumating siya. Kinuha ng mga ito ang dala niya at ito na ang nagbitbit patungo sa lounge area para sa mga empleyado.
"Para sa amin ba mga iyan?" kaagad na tanong ng isang kasamahan ng nobyo.
"Syempre naman may para sa inyo rin." Itinuro niya ang isa sa mga eco bags. Simpkeng pagkain lang pero tuwang-tuwa na ang mga ito.
“’Yan talaga ang gusto namin sa’yo, Tessa, pati kami naaambunan ng grasya”
Nakakahiya naman kasing magdala ng para lang sa boyfriend niya. Isa pa, nakakatuwang makitang nasasarapan ang mga ito sa lahat ng luto niya.
Sa entrada ng main building, nakita niya si Lawrence, ang pinakamalapit na kaibigan ni Rafael na kalaunan ay nakapalagayang loob niya na rin. Engineer ito at naging malapit na rin sa kanya. Sa lahat ng mga kasama ni Rafael sa firm, dito siya pinakakomportable. Nakangiti itong kumaway sa kanya at sinenyasan siyang hintayin ito. Nagpaalam ito sa kausap at patakbo nan gang lumapit sa kanya.
“Contessa, what a surprise!”
Nakakasorpresa nga siguro. Bibihira kasi siyang dumaan dito kapag weekdays. Kadalasan, weekends kung napapadpad siya sa opisina ng mga ito.
“Nagkaoras lang kaya napasyal.”
“Halika sa loob.” Iginiya siya nito sa loob ng opisina at pinaupo. “It seems na may mga pasalubong ka na naman.”
Naghihintay na ang mga kasama nina Rafael kung ano ang mga dala niya.
“Para kayong mga patay-gutom!” biro pa ni Lawrence na ngayon ay isinabit ang hardhat na hawak nito.
“Syempre, nakakasawa na rin ang lasa ng mga pagkain sa cafeteria.”
Natatawa na lang sya sa asal ng mga ito.
“Need help?”
Ganito lagi si Lawrence, kusang nagboboluntaryong tulungan siya every time na naririto siya.
"Si Rafael?" tanong niya nang simulan nang i-unpack at ang mga sisidlan at ipamigay. Kanya-kanyang kuha kaagad ng plato at kutsara ang mga ito at nagsimula nan gang kumain.
“Busy sa pag-akyat sa tugatog ng tagumpay,” pabirong sagot ni Lawrence. Kumuha ito ng isang hiwa ng chicken cordon bleu at kumagat doon. “Honestly, nasa cite sa Tagaytay at baka matagalan pa ‘yon. Bakit, ‘di b nasabi?"
Umiling siya. Siya lang naman kasi itong kwento nang kwento sa kasintahan. Lately, bibihira na ngasilang magkita ni Rafael, madalang na rin itong magkwento. Lagi kasi itong nagmamadali. Bawat minuto, mahalaga rito. Tama nga si Lawrence, masyado itong naging focus sa pagkamit ng mga pangarap.
“Pwede bang hintayin ko na lang siya rito?”
Napatingin nang mataman si Lawrence sa kanya. “Sure ka?”
“Wala naman din kasi akong gagawin.”
“Baka mainip ka.”
Napangiti siya. “Wala sa bokabularyo ko ang mainip.” Kahit maghapon pa siyang nakaupo sa isang sulok, okay lang sa kanya. Mga libro nga, nakakaya niyang makasama hanggang gabi. Hindi naman kasi siya ang tipong madaldal na kailangan ng audience lagi.
Ibinaba ni Lawrence ang hawak na pagkain at pinagpag ang mga kamay. Naghanp ito ng magazines sa locker nito at inilapag sa bakanteng upuan sa tabi niya.
“To keep you company.”
“Thank you, Lawrence.”
Ang bait talaga ni Lawrence. Kinuha niya ang isa at binuklat. Architectural magazine iyon kaya, naaliw na rin siyang tumingin-tingin ng mga designs ng bahay.
“Paano, tapos na ang coffee break, balik na ako sa post ko.”
“Sige.”
“Okay ka lang ba talaga rito?”
“Huwag kang mag-alala. May kasama naman ako.” Itinaas niya ang magazine.
Wala naman siyang choice kundi ang maghintay. Pero halos naubos na niya sa kabubuklat ang mga babasahin, wala pa ring Rafael na dumating. Nag-text na siya pero walang reply. Kaya pa naman niyang maghintay. Few more minutes, nanatili siya sa kinauupuan. Baka darating pa kaya maghihintay siya.
"Hihintayin mo pa?"
Nginitian niya si Lawrence. Naisipan na niyang umalis sa totoo lang. Mag-a-alas singko na rin kasi. May mga empleyado na nga naghahanda na sa pag-uwi. Kahit papano gusto niyang itago ang disappointment nang makalipas ang isang oras ay hindi pa rin ito dumating.
"Tawagan mo na lang kaya."
Naupo si Lawrence sa tabi niya at sinimulang samdamin ang mga babasahin.
"Baka busy, eh." Hindi niya ugaling tinatawagan si Rafael kapag nasa trabaho, lalo na at nasa site ito. “Hintayin ko na lang.”
Tinitigan siya ng mataman ni Lawrence at sinabing, "ang swerte ng mokong na ‘yon sa ‘yo. Sobrang bait mo."
Mabuti pa ang iba, napanpansin ang mga ginagawa niya. Ang halaga niya.
"Ihahatid na kita?" alok nito nang pulutin niya ang bag ngunit maagap niya itong hinindian. Ayaw niyang makaabala kaya tinanggihan niya ito.
“Sure ka?”
“Oo. Salamat ha.”
Naglalakad na siya palabas nang mamataan ang sasakyan ni Rafael. Lalapit na sana siya nang makitang bumaba ito at binuksan ang passenger's side. May bumangong kaba sa dibdib nang makita ang maganda at seksing babae na bumaba mula roon. The woman looks so exquisite. Parang ginupit sa isang pahina ng magazine sa suot nitong floral wrap-around dress.
Intuition dictates na magkubli siya at lihim na manmanan ang kilos ng mga ito.
Nakaramdam siya ng inggit nang makita kung paano alalayang mabuti ni Rafael ang magandang babae. Something tells her na may kakaiba sa body language ng mga ito. Pero syempre, ayaw niyang i-entertain. Ayaw niyang tanggapin na ang kanyang Rafael ay magagawa siyang pagtaksilan.
"That was a day well spent, Raf."
So, sa buong araw ay magkasama ang dalawa? Natamnan ng selos ang puso niya lalo pa nang nagngitian ng ubod-tamis ang dalawa. Kailan ba ang huling beses na sweet si Rafael sa kanya? Parang ang tagal na. Basta na lang naman kasing naging sila.
Parang pinipiga ang puso niya at naiinis siya sa sarili dahil hindi niya ito magawang komprontahin. Masyado siyang mahina. Kapag nagtatalo naman sila, laging siya ang unang umuurong. Sa talino nito, nahihirapan siyang makipag-argumento. Kadalasan, nauuwi siya sa pag-iyak. Kapag nagsumbong naman siya kay Tiya Fidela, sermon at paninisi lang ang aabutin nito.
Pag-uwi sa bahay, una niyang hinanap ang identity ng babaeng nakita niya kanina. Hinanap niya sa friends’ list ni Rafael ngunit nahirapan siyang makta. Pinuntahan niya ang wall nito. Isang bagong larawan nan aka-tag kay Rafael ang nakita niya.
Nasa site nga ang dalawa. Parehong nakasuot ng hardhat at nakahawak si Rafael sa handle ng isang shovel. Ang babae naman ay halos ingudngod na ang mukha sa leeg ni Rafael.
Kumirot kaagad ang dibdib niya sa nakita. Kailan ba ang huli na kumuha ng picture na magkasama? Ancient. Binasa niya ang mga comments.
Who’s that?
He’s yummy. Samantha’s type. Bagay kayo.
Samantha ang pangalan ng babae. Kasing-sosyal ng pangalan nito ang ganda at tindig. Pinuntahan niya ang account ng babae. Display profile nito, nakaupo sa isang mamahaling upuan at nakahawak ng pencil at iPad. Kalaunan sa pag-scroll niya, nalaman niya ang identity nito.
"Samantha Louise Cervantes."
Gusto pa sana niyang kilalakin ang babae pero parang pumait na ang hanging nalalanghap niya.
Inilapag niya ang phone sa mesa at napatngin sa kawalan habang binabayo ng hindi maunawaang kaba ang dibdib niya.
Samantha Cervantes was a threat.