Ilang ulit nang nag-ring phone ni Rafael pero hindi niya iyon sinagot. Mukha ni Contessa ang lumitaw sa screen. May lakad sila pero nakaligtaan niya. Kapag sinagot niya ang tawag na iyon ay mauuwi lang sa bangayan ang lahat.
"Why won't you pick it up?"
Napatingin siya sa magandang si Samantha. Nanunukat ang mga titig nito.
"We are in the middle of something."
Isang mahalagang proyekto ang pinag-uusapan nila. Siya bilang architect at ito bilang interior decorator. Tumayo si Samantha. Sa ginawa nito ay nahantad sa kanya ang magagandang pares ng legs nito na exposed sa maikling pencil cut skirt.
"More important than your girlfriend?" bulong nito sa kanyang tenga.
Napasinghap siya nang masamyo ng ilong ang mabangong perfume nito. It was intoxicating. Lalo na nang maramdaman ang dibdib nito na tumama sa kanyang likuran. Samantha si a sight to behold. Maganda, sexy, sopistikda, confident. Isang babaeng kahit na sinuman ay pagnanasahan and he is not immune to her commanding presence.
Nababasa niya rin ang attraction ni Samantha sa kanya. Kung hindi lang matindi ang control niya sa sarili, he swears sa kama na ang ending nila. Liberated si Samantha at di iilang beses na nagpahayag ito ng interes sa kanya. Di nakakapagtaka, matagal na itong namamalagi sa ibang bansa.
Kaya lang, anak ito ng boss. Ayaw niyang mahaluan ng malisya ang trabaho niya. Higit sa lahat, may kasintahan na siya. Kahit nauumay na siya sa relasyon nila ni Contessa ay sinisikap niya pa ring pairalin ang tama at maging faithful.
Pero, lately, nagdududa siya sa sarili kung masaya pa ba siya sa relasyon nila. May mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila. More than once ay natatanong niya ang sarili kung kaya pa ba niyang makisama rito? Gano'n pa man ay iniiwasan niyang huwag gumawa ng kahit anumang kasalanan kahit na nga malakas ang hatak ng kamunduhan sa kanya.
"Come on, let's do this tomorrow."
Si Samantha na ang kusang nagsarado sa laptop niya at hinatak siya patayo. Masyadong malakas ang magnetism ni Samantha. Napasunod siya rito. Ito pa ang kusang pumulot sa car keys niya na nakapatong sa mesa. Nakakaramdam na rin siya ng gutom kaya pinagbigyan niya ito nang mag-aya sa isang Japanese restaurant.
"My treat," anito nang magkaharap na sila at kasalukuyan itong umiinom ng tea.
"No, ako ang lalaki."
Ngumiti si Samantha at hinawakan siya sa baba. "Kaya naa-attract ako sa 'yo, eh. You're very considerate and quite a gentleman."
Isang masaganang hapunan ang pinagsaluhan nila. Kung anu-ano ang napagkwentuhan nila habang kumakain. Naaaliw siya sa company ni Samantha. Stimulating itong kausap. Matalino.
Kabaligtaran ng kasintahan niya. Masama mang ikumpara si Contessa sa babaeng kaharap ngayon, 'di niya maiwasang gawin. While Samantha is independent, si Contessa ay lagi namang nakadepende sa kanya. Masyado itong tahimik at sa mga pagkakataong nag-aaway sila ay manunuyo na ang lalamunan niya ngunit hindi ito kumikibo.
"Oh, my! It's already late." Sinipat ni Samantha ang relos sa bisig nito. "Have you ever been into bar hopping?"
"Gabing-gabi na. May meeting pa tayo bukas."
Lumapit ito sa kanya.
"Come on, loosen up sometimes. Masyado kang stiff at seryoso sa trabaho. I am the boss' daughter and I can reschedule our meeting anytime I like," anito na kagat ang ibabang labi. It was an act of seduction.
"Samantha, anak ka ng boss ko at may respeto ako sayo at sa daddy mo."
Mapang-akit itong ngumiti.
"That is what I like in you even more."
Saka ito nagpatiunang maglakad habang kasunod siya patungo sa parking area.
He almost lost control looking at her plump lips. Mala-Angelina Jolie ang mga labi nito. Sino ba ang hindi maaakit kung lalaki lang naman siya? Thankfully, napanghahawakan pa niya ang katinuan.
"Bye, Rafael!"
Pinauna niya muna itong umalis bago siya lumulan sa kotse. Nasa kahabaan na siya ng highway nang iniisip kung pupuntahan pa ba si Contessa sa Sampaloc. Pero siguro ay tulog na ito. Wala naman kasi itong night life. Kapagka nanggaling sa library kung saan ito nagtatrabaho bilang librarian, ay tanging pagluluto ang inaatupag nito o di kaya ay pagtatanim at pagkatapos ay matutulog na.
His friends patted him for having such a domesticated and obedient girlfriend. Lalong-lalo na ang matalik na kaibigang si Lawrence.
"Swerte mo diyan sa kasintahan mo. Wala ka nang mahahanap na ganyan sa panahon ngayon."
Oo, maswerte siya. Pero maipagkakaila ba niya na may hinahanap siya na wala kay Contessa? Habang lumalaon ay nakakaramdam siya ng emptiness at dissatisfaction sa relasyon nila. Competitive siyang tao at gusto niyang magiging ganon din ito. Gusto niyang kasama niya itong umaangat ngunit madalas na katwiran nito, "magpipirmi rin naman ako sa bahay oras na ikasal tayo."
Wala itong ibang pangarap kundi ang pagsilbihan siya. He must feel flattered pero kabaligtaran ang nararamdaman niya.
Natanong niya sa sarili kung handa na ba talaga siyang pakasalan ito? If she is the woman he wanted to spend the rest of his life with?
*
Mas lumalim ang pagtatampo niya kay Rafael. Lumipas ang buong weekend na ni hindi man lang siya nito kinumusta. Nakakahiyaan rin naman niyang magtext o tumawag. Ilang tawag na ba ang hindi nito pinansin. Isa pa, ayaw nitong naiistorbo sa trabaho. Isa iyon sa mga pinag-aawayan nila.
Tini-take for granted siya ni Rafael.
"Nasusunog na iyang bangus na niluluto mo."
Puna ng tiya niya na kapapasok sa kusina. Hindi man lang niya namalayang umuusok na pala ang carajay at nagingitim na ang bangus na prinito niya.
"Maligo ka na lang, ako na dito."
Mabilis ang mga hakbang na iniwan niya ang tiyahin, kailangan na nga talaga niyang mapag-isa. Nang mkapasok sa silid ay muli niyang tsinek ang cellphone.
'Huwag kang mali-late may inventory tayo mamaya.' Ang kaisa-isang mensahe sa phone niya.
Kay Rafael ang message na gusto niyang mabasa. 'Di naiwasang mapaluha siya. Alam niyang maririnig siya ng tiyahin kaya minabuti niyang sa bangyo lunurin ang luha habang nakabukas ng malakas ang gripo.
Sana lang pati hinanakit sa dibdib ay kayang dalhin ng agos sa kung saan.
Nang makarating sa library ay ibinuhos niya ang buong atensyon sa tarabaho. Ayaw niyang bigyan ng puwang ang mga tampo kay Rafael.
"Contessa, magpahinga ka na muna," saway nang Head Librarian niya na si Mrs. Diana Castillejo.
"Okay lang ho ako, Ma'am."
Pinagpatuloy niya ang paglalagay ng mga bar code sa mga bagong aklat na dumating.
"Kumusta nga pala yong wedding expo? Hindi ba nabagot ang boyfriend mo?"
Si Ma'am Diana ang nag-recommend sa kanya ng wedding expo para daw makakuha siya ng mga wedding ideas.
"H-hindi naman ho, Ma'am." Nakakahiya namang aminin na pati sa araw na yon ay inindyan pa siya ni Rafael.
"Pag natapos na yan, umuwi ka ng maaga. Mukha ka kasing namumutla."
Napapagod nga talaga siya. Kaya sinunod niya ang boss. Sininop niya ang mga gamit at umuwi. Para kasing umiikot ang paningin niya. Mabuti na lang at umabot pa siya sa taxi na pinara niya. Hindi niya ugaling mag-taxi pero gusto na talaga niyang maisandal ang likod at maipikit ang mga mata.
Pagdating sa bahay ay diretso higa siya sa sofa. Ilang oras din siyang nakatulog. Nagising na lang siya sa sunod-sunod na ring ng telepono. Si Rafael ang caller. Nagtatampo man ngunit tuluyang napalis ang sama ng loob.
"Rafael?"
"Nasa labas ako."
Biglang nawala ang pagod niya. Nagmamadali ang mga kilos na lumabas siya at pinagbuksan ito sa tarangkahan.
"Pasok ka muna."
"Nagmamadali ako."
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. May iniabot ito sa kanya. Isang makintab na shopping bag na may tatak na hindi siya gaanong pamilyar.
"Isuot mo 'yan sa susunod na araw. Susunuduin kita at six." Sumakay itong muli sa kotse nang wala man lang kahit halik sa pisngi. Disappointed siya pero okay lang magkikita naman sila sa susunod na araw.