Chapter 4

2141 Words
"Andiyan na si Rafael sa labas." Tinatamad na nilingon ni Contessa ang Tiya Fidela. Nasa bungad ito ng pintuan, nakasandal sa hamba at nakatitig sa kanya. Pinag-aaralan nito ang reaksyon niya. Alam niyang may mga gusto itong sabihin pero mas piniling kimkimin na lang. “May lakad pala kayo?” “Opo, Tiyang.” Dapat ay nakabihis na siya pero simula nang dumating siya kanina, nauwi lang siya sa paghiga sa kama. Wala talaga siyang ganang umalis. Isa pa, hindi niya bet ang makipagsosyalan sa mga taong ‘di niya naman kakilala. Para huwag nang magtanong ang tiyahin, inut-inot siyang bumangon at nagsimulang magbihis. "Saan na naman kayo pupunta?" “Hindi ko po alam, Tiyang." Umismid ang tyahin. "Kung sinabi ni Rafael na tumalon ka sa bangin, tatalon ka naman. Sunud-sunuran ka na lang palagi do’n." "Tiyang naman, baka marinig ho kayo." Nag-aalalang napasilip pa siya sa labas ng kwarto. "Natatakot ka? Kaya ka inaabuso at binabalewala no’n dahil laging ikaw ang umiintindi. Takot na takot ka kapag nagagalit siya sa’yo. Under na under ka. Magkasintahan pa lang kayo pero dinodominahan ka na. Paano na lang, ha, ‘pag mag-asawa na kayo?" Kapag ganito na ang tono ng tiyahin ay nanahmik siya. Wala naman siyang maibatong sagot. Lagi kaagad nitong binabara. Nagsimula ang disgusto ng tiyahin noong minsang naabutan silang nagtatalo. Simula noon, maasim na ang pakikitungo ng tiyahin kay Rafael. Nakahinga siya nang maluwag nang iwanan siya ng tiyahin. Binilisan niya ang kilos. Madali lang naman siyang natapos. Imbes na ang damit na binili ni Rafael ang isuot niya ay naghanap siya ng mas komportable at hindi provocative. Itim na damit na hindi maikli at masikip sa pakiramdam. Tamang polbo at manipis na lipstick lang din ang ipinahid niya sa mukha. Isang suri pa sa salamin at lumabas na nga siya ng silid. Nasa ibaba si Rafael, nakaupo sa swing at tila kay lalim ng iniisip. "Rafael." Mula sa pagtutok nito sa phone, nalipat ang pansin nito sa kanya. Bahagya siyang kinabahan. Disgusto ang mababasa sa mukha nito nang makita ang kabuuang ayos niya. Alam niyang pagtatalunan na naman nila ito pero nakahanda siya. Kumikirot pa rin kasi ang puso niya. Dito lang naman niya naidadaan ang pagrirebelde ng kalooban...at ang selos. "Bakit ganyan ang ayos mo?" Straight to the point. Walang paliguy-ligoy sa reaksyon na ayaw nito sa nakikita. "Ano namang masama sa ayos ko?" nayayamot niyang balik-tanong na pinasadahan ng tingin ang suot. . Nasorpresa pa siya sa sarili sa katapangang lumabas sa bibig niya. Pati boses niya ay mataas din ang tono. "Kung nahihiya ka na ganito ang hitsura ko, mabuti pang huwag mo na akong isama." Nanghahamon siya. May pagbabago ba sa hormones niya? Bigla-bigla na lang kasi siyang nagtataray. ‘Di naman siya dating ganito. Saka pumasok sa isip niya ang nakita kanina. Ang babaeng ‘yon ang dahilan ng pagsulak ng inis sa buong sistema niya. "You're unbelievable." Tumayo ito at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ng sasakyan nito. At least, pinagbuksan pa siya nito ng pintuan ng kotse. Nang makaupo ay mas pinili niyang sa labas ng bintana ituon ang pansin. Isinandal niya ang ulo at pumikit kalaunan. Para kasing umiikot ang mundo niya. Nahihilo siya sa nasasamyong car freshener at sa pabangong gamit ni Rafael. Basta nakapikit lang siya. Wala silang imikan ni Rafael. "Nagpunta ka raw sa opisina." Si Rafael na rin ang bumasag ng katahimikan. "Oo,” sagot niyang hindi ito nilingon. Oo, at nakita kong masayang-masaya ka kasama ang baabeng ‘yon. "Sana tinawagan mo ako." Para ano, para ‘di ko makitang may kinakalantari kang iba? Gutso niyang ibulyaw sa mukha nito. "’Pag tinawagan ba kita, sasagot ka?" Hindi na niya talaga napigilan ang sarili. Sumusulak ang galit niya, ang hinampo. Bakit nagagawa nitong ngumiti ng ganoon sa iba, samantalang kapag siya ang kaharap nito, para itong kulang sa saya? "Alam mong busy ako." "Saan?" Sandaling nanahimik si Rafael. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakikita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. Konti na lang at masasaid na niya ang galit nito. "Ano ba ang tinutumbok ng tanong na ‘yan, ha? Saan ‘yan patungo?" ‘Di siya kumibo. Masyado na siyang immature ‘pag nag-akusa pa siya nang wala namang basehan. Mas magiging inferior ang pakiramdam niya. Huminto ang traffic. Nahinto rin ang usapan. "Ano na naman ba ang tumatakbo diyan sa isip mo?" Nanatili siyang walang kibo. Mas pipiliin niyang manahimik tutal naman, sa mga pagkakataong nagtatalo sila siya ang laging dehado. Mas dinudominahan ni Rafael ang relasyon nila o kung relasyon pa nga ba itong matatawag. Kulang na lang yata ay sabihin nitong maghiwalay na sila. Palibhasa, siya ang mas nag-i-effort, siya ang mas malaki ang pang-unawa, siya ang mas ayaw sumuko. Mas mahal niya si Rafael kaysa sa mahal siya nito. Nagkakilala lang naman sila sa panahong baon sa hinanakit ang puso nito, durog na durog ang buong pagkatao nito. Siya ang naging sumbungan nito. Kalaunan ay lumalim ang pagkakakilala nila. One day, naging sila na lang nang basta. Walang I love you. Walang tradisyunal na ligawan. Walang chocolates. No flowers. "Bakit ako?" tanong niya noon. "You're different." Paano ba naman siya hindi different kung malayo siya sa dating kasintahan nito. Introvert siya, plain at phlegmatic. Malayo siya sa pagiging decisive nito. Kung matayog ang pangarap nito, simple lang din ang sa kanya. "Dinadaan mo na naman ako sa pananahimik mo." Isinalya niya ang kamay ng lalaki na kumalabit sa braso niya. Tumama ang kamay nito sa unahang parte ng sasakyan. Napa-aray ang lalaki. Naging masama ang tapon ng tingin sa kanya. "Galit ka, hindi ba? Come on, sabihin mo sa mukha ko," hamon nito pagkatapos. “Tell me.” "Ano ba? Ang kulit mo!" Pabigla niyang inalis ang pagkakakabit ng seatbelt at mabilis na umibis ng kotse at naglakad sa gitna ng kalsada, sa gitna ng mga nakahintong sasakyan sa kalsada. "Magpapasagasa ka ba?" Si Rafael na humabol sa kanya. Nagpatuloy siya. Para silang gago na nagtatalo sa madla. “Tessa!” Humugot siya ng malalim na hininga at hinarap ang kasintahan. "Pagod ako. Pagod na pagod." Nagsisimula nang mamalisbis ang luha niya. Heto na naman siya. Sa pagluha na naman nauwi ang galit niya kay Rafael. ‘Di niya man lang kasi magawang isambulat lahat ng hinanakit at selos na naiipon sa dibdib niya. Ang duwag-duwag niya kasi. Lumambot ang ekspresyon ni Rafael. "Please, bumalik na tayo sa kotse," himig pakiusap nito. Sumunod na rin siya. Nakakabulahaw na siya sa mga motorista. Sa kanila na natutuon ang pansin ng mga naroroon. Pagbalik sa sasakyan ay ‘di na tinangka pang magbukas ng usapan ni Rafael. Hanggang sa marating nila ang destinasyon. Isang resto bar sa Makati. High-end ang naturang bar at lahat ng mga naroroon ay pawang nakakaangat sa buhay. Panay Ingesan at base sa mga naririnig na usapan kundi man architect, engineer, interior decorator, ay home builders ang ilan sa mga naroroon. Pakiramdam niya tuloy outcast siya. Nagbakasakali siyang mamataan si Lawrence pero wala ito. Naupo na lang siya sa isang sulok. Abala din naman si Rafael sa pakikipag-usap sa kung sinu-sino. Rafael is looking like somebody already in his gray buttondown long sleeves and black trousers. "So, you are the architect responsible for that landmark in Pasig?" Ang tinutukoy ng isa sa kausap nito ay ang modernong building na dinisenyo ni Rafael na naglagay ng pangalan nito sa mapa ng pagdidisenyo ng mga gusali. 'Dahan-dahan mo na ngang natutupad ang mga pangarap mo na maungusan at mas makilala ka pa kaysa sa tatay mo.' Lumalim ang usapan. Hindi na niya masakyan. Linggo ng mga arkitekto. May iba pang nakiumpok sa kinaroroonan nila, babae, lalaki na ‘di hamak na kontodo ang ayos. Ngayon siya nagsisisi kung bakit hindi pa niya isinuot ang biniling damit ni Rafael. She became more and more insecure as the night passed by. "Bakit ‘di mo subukang makipag-mingle sa mga tao?" Sa wakas naalala rin siya ng magaling niyang kasintahan. "Ano naman ang pag-uusapan namin? ‘Di ako makasakay sa lengwahe ninyo." "Well, at least, you should try. Hindi ‘yong para kang-" "Ano?" Nanghahamon na niyang sinalubong ang titig nito. “Ituloy mo.” Lumagok lang ito ng alak. Iniiwasan nitong magsagutan silang dalawa sa gitna ng mga associates nito. "Losyang? Manang? Walang alam?" pagpapatuloy pa niya. Umayos ito ng upo at animo niluwangan pa ang kwelyo. Lumagok itong muli ng alak at nagwikang,"I didn't say that.” "Ganoon din naman ang ibig mong sabihin. Kung kinakahiya mo ako, bakit kailangang isama mo pa ako rito? Hindi ako ang trophy girlfriend na kailangan mo. Hindi mo ako kayang ipagmalaki sa mga kakilala mo." Hinablot niya ang purse na nakapatong sa mesa. Tumayo siya at nilisan ang venue. Narinig pa niyang may nagpingkiang mga babasaging bagay. “Contessa.” Ipit na ipit ang boses ni Rafael. Humabol pa ito hanggang sa makarating siya sa labas. "Magwo-walk out ka na naman?" Galit na si Rafael pinipigil nga lang. Kita sa pag-igting ng mga panga at sa litid ng ugat na gumuhit sa noo at mga braso nito. "Uuwi mo na lang ako. Tutal, hindi ko masakyan ang sosyalan sa loob. Ganito lang ako, eh. Nakilala mo naman akong ganito. Ayoko namang baguhin ang sarili ko para lang maging in sa circle mo, Rafael." "A little change won't hurt." That's it. Lumabas din sa bibig nito. Nasaktan siya sa sinabi nito. Para na rin kasi nitong sinabi na kailangan niya ng overhaul. Sasagot pa sana siya nang may lumapit sa kanila. Ang seksi at magandang babaeng nakita niya noong isang araw na nangunyapit sa nobyo niya na parang tuko. "Hey, the party is inside." Kumulo na ang dugo niya. Malayo siya sa pagiging judgmental pero isinisigaw ng lahat ng genes niya sa katawan na bagyo ang presensya ng babaeng ito. Babae siya, nararamdaman niya kung kailan may pahiwatig na kakaiba ang mga titig ng isang babae. "Oh, is this your girlfriend?" Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Bagama't nakangiti, alam niyang plastic iyon at lihim na sinusuri ang pagkatao niya. "I am Samantha, and you must be?" Naglahad ito ng kamay. Dala ng respeto ay nakipagkamay siya. 'I wonder kung ano ang ginagawa niya?' Ang lambot ng kamay nito. Nahihiya tuloy siya sa magaspang na palad. “You must be?” "Contessa," simpleng pagpapakilala niya. Ni hindi man lang pala siya naikwento ng magaling niyang nobyo sa babae. O saydang piniling huwag ikwento. "Come on in?" anito na kay Rafael nakatingin. “May pinag-uusapan lang kami. We’ll get back inside in a bit.” May ngiti pa para sa babae. Mas tumulis tuloy ang kirot na nararamdaman niya sa ngayon. "Uuwi na lang ako. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko." Parehong napatingin ang dalawa sa kanya. "The night is still young. Kahit isang oras lang. May pag-uusapan lang kaming mahalaga ni Rafael." Kulang pa ba ang buong araw na magkasama ang mga ito? Na-threaten siya. Labag man sa kalooban ay sumama siyang pabalik sa loob ng resto bar. Kahit na nga nasasangsangan siya sa amoy ng pinaghalong alak at sigarilyo. Nasusuka siya. Naghanap siya ng restroom at doon ay halos bumaligtad na ang sikmura niya. Idagdag pa ang panghihinang naramdaman. Ilang sandali muna siyang nagpalipas sa loob ng restroom bago lumabas. Hinanap niya si Rafael. Magpapahatid na lang siya ngunit wala ito sa kinaroroonan kanina. Katabi na ito ni Samantha at nag-iinuman habang nagtatawanan. May patampal-tampal pa sa braso ang babae. Flirtatious act ‘yon. Nakaekis pa ang dalawang hita na tila gustong ipakita sa lalaki ang pinakapuno dahil sa ikli ng suot nitong palda. Si Rafael naman parang nakalimutan na siya. Paano ba niya matatagalan ang ganoong senaryo? Umalis siya sa kinatatayuan. Saka siya lumabas at pinara ang papalapit na taxi at lumulan. Bahala na si Rafael. Masama talaga kasi ang pakiramdam niya. Pagdating sa bahay ay ang banyo kaagad ang tinalunton niya. Nasusuka siya. Hanggang sa ngayon ay nanunuot pa rin ang amoy ng alak at sigarilyo. “Hindi ka hinatid?” Sinikap niyang pintahan ng ngiti ang mukha at umaktong normal sa harapan ni Tiya Fidela. Nataon pa kasi na pagbaba niya ng taxi, siya namang paglabas nito ng bahay para itapon ang mga basura. Maghihinala ito. Pagsasalitaan na naman ng hindi maganda si Rafael. “Mas nauna na ako, Tiyang. May importante pa kasing pinag-uusapan si Rafael at ang boss niya.” Boss na maganda at sexy. Umismid si Tiya Fidela. Halatang hindi ito naniniwala. Pero, isinarado na ang bibig. Pumanhik siya ng bahay at agad na pumasok sa silid. Mabilisan siyang naligo at humiga sa kama. Kanina, antok na antok siya, ngayon naman, ayaw siyang patulugin ng mga naiisip at senaryong nabubuo sa utak. Bumabalik kay Rafael ang utak niya. Sana, hindi niya iniwan si Rafael. Baka kung ano na kasi ang ginawa nito at ng babaeng ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD