Wedding is in the air.
Yon ang pakiramdam ni Contessa habang kampanteng naglalakad sa alley ng SMX Covention. Kasalukuyang idinadaos ang Annual Bridal Fair, taunang okasyon kung saan ini-exhibit ang mga bagong trends sa wedding industry mula sa flower arrangement, souvenirs, food and table setting, bridal gowns. Kaya naman, di magkamayaw si Contessa sa paghanga sa mga display na matatagpuan sa bawat wedding booths ng bulwagan.
“Ang ganda,” bulalas niya ng paghanga habang nakatitig sa isang manequin na nasusuotan ng isang magandang trahe de boda na gawa ng isang kilalang linya ng couture wedding dresses. Simple lang ang tabas ng naturang chiffon dress pero elegante at maganda at mukhang kaydaling dalhin.
Bilang isang babae ay pinangarap niya na isang araw ay maglalalakad siya sa dambana at sasambitin ang mga salitang magiging hudyat ng pagiging isang maybahay na nga niya. She couldn't wait for that day to come. Para sa kanya, yon na ang kabuuan ng mga pangarap niya, ng pagkatao niya. It would be something that will fill the void in her heart. Wala siyang kinamulatang buong pamilya at ganoon kalalim ang hangarin na magkaroon ng sariling pamilyang aalagan at mamahalin.
That dream is almost coming true.
Almost.
"We could get married."
Matinding kaligayahan ang naramdaman niya nang minsan sa simpleng pag-uusap nila ng kasintahang si Rafael ay isingit nito ang usaping kasal.
Napangiti siya. She will be Mrs. Rafael San Diego.
Sa utak ay binabalangkas na niya ang mga gagawin oras na makasal sila. Sinisigurado niyang magiging isang mabuting maybhay siya kay Rafael at ina sa magiging mga anak nila. Kasal na rin lang naman ang kulang sa kanilang dalawa. Sa loob ng halos dalawang taong naging sila ay isinuko niya ang lahat-lahat sa kasintahan. Wala siyang itinira. Mahal na mahal niya ito, ang pinakauna at pinakahuling lalaki sa buhay niya.
"Magtira ka naman para sa sarili mo.”
Madalas ay paalala ni Tiyang Fidela sa kanya, ang tiyahing nagpalaki at umampon sa kanya nang maulila siya.
"Mahal ka ba talaga niyan?”
Nakakapingas na tanong, nakakawala ng kumpiyansa sa sarili na madalas niyang tinutugon ng positibong sagot.
“Sinabi ba niya sa mukha mo mismo?”
Sa tuwina ay napipilan siya kapag ganoon na ang tinatakbo ng usapan.
I love you. Ilang ulit na niyang gustong marinig iyon sa bibig ni Rafael. Jina-justify niya na lang na si Rafael ang tipo ng taong hindi vocal sa nararamdaman. Kapag hinahagkan siya nito, niyayakap at inaangkin, ramdan naman niyang kailangan siya nito. Pero lately, may napapansin siyang kakaiba. O baka wedding jitters lang din. Karaniwan naman iyon sa mga ikinakasal.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya. Napukaw ang pagninilay-nilay.
“I can’t be with you.”
Na-disappoint siya sa sinabi ni Rafael. Dapat dalawa silang naririto kagaya ng ibang mga couples na nakikita niya. Bukod tangi sa lahat siya lang ang walang partner o kaibigan man lang na kasama. Ang iba, sweet pa na magkaholding hands habang naglilibot sa paligid.
“Busy ka sa opisina?”
'Matagal na nating napag-usapan to di ba?' Kung ibang babae lang siguro ay binulyawan na ito, but the ever considerate girlfriend that she is, hindi niya iyon gagawin.
“Nasa site ako.”
Architect si Rafael at nagtatrabaho sa isang malaking developer sa bansa. Magaling ito kaya madaling napopromote sa trabaho kaya nilulugar niya ang sarili. Ayaw niyang maging demanding. After all, para sa kanilang future din naman ang lahat ng pagpapakahirap at pagpapakapuyat nito.
“I got to go, bye!”
Nawala na ito sa kabilang linya.
“I love you.” Sana man lang narinig nito.
Bumuga siya ng hangin.
“Okay.”
Minsan talaga gustung-gusto na niyang magtampo sa kasintahan. Sa kanilang dalawa, siya ang mas nag-ieffort para sa relasyon nila.
'Mahal mo ba talaga ako?' Kating-kati na niyang itanong rito. Pero nagpipigil siya. Paano kung sasabihin nitong hindi na? Makakaya ba niya yon? Hindi. Baka ikasira pa nga ng bait niya. Baka ikabaliw niya.
‘Makuntento ka na lang, Contessa, total naman ay pakakasalan ka niya.’
Ngunit hanggang wala siyang pinanghahawakang singsing o katibayan ay di niya maiiwasang kabahan. Gwapo si Rafael, matalino, matangkad, matipuno at kahit papano ay nakakaangat na ito sa buhay. Ang worries niya ay ang maraming babaeng nakapaligid rito, mga professionals at may posibilidad na pwede pa itong mawala sa kanya.
Ang nanay niya nga, kasal na at lahat, iniwan pa rin ng tatay niya para sa ibang babae na mas bata at mas maganda rito.
Eh, siya, hindi naman siya confiedent sa physical features niya. Di niya sinadyang mapatingin sa reflection sa salamin ng estanteng kinalalagyan ng mga wedding accessories na kasama sa exhibit. Repleksyon niya ang naroroon. It wasn’t a picture of a glamorous woman. Ang nakikita niya roon ay isang simpleng babae na may makapal na salamin, simple ang pananamit, walang bahid ng make up.
Ano raw ba ang nagustuhan sa ‘yo ni Rafael? Lolokohin ka lang niyan. Parang nakikini-kinita niya ang mukha ni Tiyang Fidela na sinasabi ang mga linyang 'yon.
Hindi siya lolokohin ni Rafael.
Hindi niya na rin tinapos ang exhibit at matamlay na umuwi. Kahit nakakaramdam ng pagod ay minabuti niya pa ring maghanda ng hapunan.
"Rellenong Bangus. Bakit nag-abala ka pang maghain niyan?” ang Tiya Fidela niya na kadarating lang mula sa pwesto nito sa palengke.
Nagmano muna siya bago sumagot. “Baka ho dumaan ho mamaya si Rafael, Tiyang.”
“Asa ka pa,” matabang nitong sabi habang kumukuha ng tubig sa ref.
Sinikap niyang palampasin sa tenga ang sinabi nito. Ayaw niyang masindihan ang pagdududa.
She trusts Rafael completely.
“Kain na ho kayo, Tiyang,” inilihis niya ang pag-uusap. “Don na muna ako sa labas.” Iniiwasan lang niya ang sandamakmak na sermon ng tiyahin. Hinubad niya ang apron at naupo sa swing sa may garden. Dito na lang niya hihintayin ang kasintahan.
Binuksan niya ang phone. Ini-scroll ang inbox pero wala ni isa mang menshae roon si Rafael. Baka may nakaligtaan siyang message pero wala talaga. Madalang na ngang tumawag si Rafael. Madalang na ring dumalawa sa kanya. Kung kailan ikakasal na sila. Pinagtatalunan ng isip na tawagan ito. Sa wakas ay napagdesisyunan niyang idial ang numero nito. Nakailang dial na siya pero walang sumasagot. Ibinaba niya ang phone at itinuon sa madilim na langit ang pansin. Kung anu-anong eksena na ang naglalaro sa utak niya.
'Buti pa noong hindi pa tayo, Rafael, lagi mo akong tinatawagan. Pakiramdam ko importante ako sayo.'
Noon 'yon. Noong magulo ang buhay nito. Noong kailangan siya nito. Ngayon, tila nagbago na ito at kahit ungkatin ang planong pagpapakasal ay hindi na ginagawa.