Sa pag-alis ni Sir Leo, pakiramdam niya ay may malaking bahagi ng resort na nawala. Normal na na sa bawat umaga ay nakikita niya itong namamasyal sa tabing dagat. Minsan, sinasamahan pa nga niya ito. Na-miss nilang lahat ang kalmante nitong personality. Nami-miss niya rin ang makipag-usap dito ng kahit anu-anong bagay. Sa pag-upo ni Rafael bilang bagong amo nila ay maraming ipinatutupad ba pagbabago sa pamamalakad ng resort. Nasa Maynila pa ito pero may mga tauhan nang pinapunta sa resort. Sa darating pang mga araw, sigurado siyang mas marami pang pagbabagong mangyayari sa resort at sa kanila na rin mismo. Unti-unti na ngang sinisimulan. Kung dati ay sulat sa logbook lang ang attendance nila, ngayon ay pinag-enrol na sila sa biometric scanning system. Kahapon lang, ay isang taga-HR daw