“Prove it wrong pala ha!” Napalakas ang pagtadtad ni Contessa sa mga laman loob na nasa ibabaw ng chopping board. Ang inis ay sa mga hinihiwang ingredients niya ibinunton. Literal na nagpupuyos ang kalooban niya. Naiinis siya hindi lang kay Rafael kundi mas sa sarili niya. Patuloy sa pag-iingay ang bawat pagtama ng cleaver sa wooden board habang nakatitig lang ang ibang empleyado sa kanya. “Wala ba kayong ibang ginagawa?” Kanya-kanyang talikod at balik sa trabaho ang mga kasamahan niya nang sitahin niya. Pati si Dino na kapapasok lang ng kusina at kasalukuyang kumukuha ng baso mula sa lalagyan ay nasita niya. “Kumukuha lang po ng tubig, Te.” Matunog niyang ibinagsak ang kutsilyo sa board. Sa tindi nang pagkakabagsak, may nahulog pa ngang dalawang hiwa ng karne sa semento. Bahala na a