Ngayong araw ang opisyal na temporaryong pagsasarado ng resort para sa gagawin ditong major renovation. Ngayon din sila aalis patungong Maynila para sa kanya-kanyang training. Habang wala sila ay may tauhan si Rafael na magma-manage sa anumang development na ginagawa ang maiiwan sa resort. Sa meeting na ipinatawag ni Rafael kung saan inanunsyo nito ang plano para sa lahat ng empleyado ay hindi niya maiwasang matanong kung bakit kailangang sa Maynila pa kung mas malapt naman ang Cebu o Dumaguete. Sa puso niya, alam na niyang ‘di na niya masisilayan muli ang isla. Buo na ang pasya niya. Matapos mag-aral kay PJ ay aalis siya. Wala naman siyang pinirmahang kontrata na habangbuhay siyang mananatili at matatali sa resort. Babaliin niya ang pangako kay Sir Lennard pero susunggaban na muna niya