Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang bumisita si Rafael sa resort. Wala na siyang narinig na binanggit pa si Sir Leo tungkol sa lalaki. Ayaw naman niyang magtanong at makarinig ng anuman tungkol sa lalaking ‘yon. Sana nga, iba na lang ang maging buyer ng property ni Sir Leo. Sigurado din naman siyang hindi ito interesado si Rafael sa property ni Sir Lennard. Masyadong ambisyoso si Rafael. Kesehodang gumamit lang ng ibang tao para lang umangat. Kagaya ng paggamit asana Samantha noon. Ano nga naman ba ang mahihita nito sa isang islang kagaya ng Siquijor? Malayo ito sa mundong gustong galawan nito. Hindi glamoroso. Walang class. Malayo sa pangarap nitong buhay noon. Napaismid siya. Nakakasuka si Rafael. Bumuga siya ng hangin at tumayo na nga mula sa ilang minutong pamamahinga. Be