“Ate!” Muntik nang mabitawan ni Contessa ang hawak na bowl nang bigla na lang siyang kalabitin ni Liza sa tagiliran. “Ano ka bang bata ka, ha?” pinandilatan niya ito ng mga mata pero mukhang walang epekto rito ang paggalit-galitan niya. “Si Ate naman, masyadong magugulatin. Parang matanda, eh, ilang taon ka pa naman.” Walang inhibisyong umupo ito sa working bench at pinulot ang tinapay na gagawin niya sanang French toast. Breakfast 'yon ng isa sa mga kakaunting guests nila. “Ang dumi ng kamay mo.” Tinampal niya ang kamay ni Liza. “Kagagaling mo lang sa housekeeping. Mamaya, malason ang customer natin at kung anu-anong kemikal ang hinahawakan mo.” Tinirikan lang siya ng mata ng nakababatang babae at isinubo sa bibig ang pagkain. “Sayang, 'Te, umuwi ka ng maaga kahapon, 'di mo t