Habang sinusuyod ni Ace1 at Ace 3 ang buong Metro Manila upang humanap ng mabibiktima ay naisipan ni Ace 3 na magtanong.
" Bossing puwede ba akong mag tanong ? " nag aalangang sabi ni ace 3.
" ano ang gusto mong itanong saken ace 3 go ahead I'm listening..." banayad na sagot sa kanya ni ace 1.
" itatanong ko lang sana boss kung kilala mo yung super detective na nababalita na sinasangguni raw nung kinaiinisan mong detective na si Ms. Allen Mendoza ba pangalan nun? " napakunot ang noo ni ace 1 pagkarinig sa tanong na iyon ni ace 3.
" Oo ace 3,kilala ko siya " maikling sagot ni ace 1.
" Diba bossing dati ka ring detective Tama ba ako? " muling tanong ni ace 3.
" Matagal ng panahon yun ace 3 pero Hindi Yun alam ng nakararami " seryosong sagot nito.
" Ano ba atraso sayo ng Allen Mendoza na yun bossing? ang naalala ko dati na sinabi mo ay kabilang si Allen sa mission 10 natin at siya yata ang nasa sweetheart #10.Kung sabagay maganda rin talaga yung detective Allen na yun, Nakita ko siya minsan sa TV hanep sa appeal talagang artistahin, sa tindigan palang at kurbada ng katawan ay mapapa wow ka talaga. " puring puri ni ace 3 si Allen na siyang nakatalagang magiging sweetheart #10 sa listahan ng CASANOVA.Hindi na nagawang magkomento ni ace 1 sa mga huling pahayag ni ace 3 ng i-park nito ang kanyang minamanehong sasakyan sa isang Disco House na kadalasang mayayaman lamang ang pumapasok doon.
" Maiwan ka dito ace 3 at titingnan ko kung may makukuha akong papasa doon " kalmanteng sabi ni ace 3.
" okay boss sinabi mo e " nakangiting sabi naman ni ace 3 na batid niyang wala talaga siyang gaanong gagawin dahil alam niya kung gaano kautak si ace 1 pagdating sa diskarte dahil naikuwento na ito dati sa kanya ni ace 4 ng unang beses silang magkasama ni ace 1.
" ang jacket ko " si ace 1.
" eto boss "
" ang pabango "
" eto rin po boss "
" ang pera at ang cheque book "
" nasa bulsa na ng jacket mo bossing "
" ang cellphone "
" eto bossing kaka-charge ko lang yan kanina pero tatagal pa ang baterya niyan
"
" okay ace 3, wish me luck. Mag stand by ka lamang diyan at huwag na huwag kang lalabas okey? "
" okey boss Basta sinabi mo nanginginig pa, naku sa guwapo mong yan boss itataga ko sa bato kung Wala kang madagit na isang qualified diyan boss " parang nambobola pang nasabi ni ace 3.
Tuluyan ng lumabas si ace 1 sa kanyang kotse at nagtungo sa loob ng Twighlite Zone Disco Rama kung saan ay paborito itong puntahan ng mga kabataang anak ng mga mayayaman at may mga impluwensya sa lipunan. Bago siya pumasok ay isinubmit muna Niya ang kanyang sarili para siyasatin ng mga naka assign na security guards na halos matitipuno ang katawan.
" Wala ka pa bang pangalan dito sir ? "
medyo may pagkabrusko na tanong ng isang security guard.
" Wala pa " kalmanteng nasabi ni ace 1.
" may dala kabang ID? " may mga nakapasok na ibang customer na halatang kilala na ng mga guwardiya.
" may I see your ID sir " muling inulit ng guwardiya ang kanyang tanong Kay ace1 ng Hindi ito kaagad makapag present ng kanyang valid ID. Pero sa halip na ID ang ipakita nito ay limang malutong na tig iisang libo ang kanyang iniabot sa isang guard.Wala namang pagaalinlangan na kinuha iyon ng sekyu at kaagad na ibinulsa ang pera. Hindi naman nakaligtas sa paningin ng isa pang guwardiya ang iniabot na yun ni Ace1.
" I really hate some explanation sir but I'm just here to look for my girl, have you noticed a white long legged blond girl that's my sweetheart " matatas sa pagsasalita ng wikang English si ace 1 palibhasa ay lumaki ito sa Amerika. Nagkatinginan ang dalawang security guard sa pahayag na iyon ni ace1.
" well, look for yourself sir you are very much welcome to TWIGHLITE ZONE sir " nakangiting sabi ng security guard na pinag abutan ni ace1 ng 5k.
" split at the middle sir " pahayag muli ni ace1 bago tuluyang pumasok sa loob ng Twighlite Zone Disco Rama. Masaya ring ngumiti sa kanya ang pangalawang guard at naintindihan nito ang huli niyang sinabi.
pagpasok ni ace1 sa pinaka bulwagan ng TZDR ay medyo kaunti pa ang mga taong naroon sa loob at kapansin pansin na halos nakapustura ang mga taong naroon na halatang mga anak ng mga mayayamang angkan na mahilig sa tinatawag na nightlife. Pumuwesto si ace1 sa isang bakanteng table na pandalawahan.Mga ilang sandali pa ay may lumapit sa kanya na obvious na isang waitress o receptionist.
" hello sir can I get your order please? " nakangiti sa kanyang harapan ang isang magandang babae na sa unang tingin niya kanina ay si detective Allen Mendoza dahil sa awra nito, medyo chinita ang babae at maputi at sa tindig nito ay akalain mong isa itong anak ng mayaman kung hindi lamang ito nakasuot ng pang waitress attire.Kinuha ni ace1 ang iniabot niyang menu book at nag order siya ng dalawang bote ng San Mig lite at half roasted chicken with honey.
" okay sir coming up " energetic ang waitress at sa maikling pagsusuri ni ace1 ay masasabi niyang sa hitsura ng babae ay pasado na ito subalit bagsak ito pagdating sa kanyang title bilang waitress lang.Nang ilinga ni ace1 ang kanyang paningin sa medyo dim light na bulwagan ay napansin niyang medyo dumami na ang nasa loob.Na obserbahan niyang maraming mga naggagandahang babae at ang iba ay mga bata pa, mayroon din mga lalaki doon na halos kasing edad niya at may mga mangilan ngilan ding bakla at tomboy na halatang mga sosyal at mga englishera.
" here's your order sir " inilapag ng waitress ang kanyang order sa lamesa at pagkatapos ay kumindat pa ito na animoy nang aakit ang mestisahing waitress.
" anything sir ?, well basta may gusto ka pang i-order just call me bang-bang and in just a second I'll be right there in front of you " nakangiting sabi ng waitress na tila nagpapa impress Kay ace 1.Nginitian din siya ni ace1 at bago umalis sa kanyang harapan ang magandang waitress ay hinalikan pa siya nito sa kanyang pisngi sabay sabing Yun ang freebies niya sa pagpunta niya doon bilang newbies.
"thanks bang-bang i won't miss to call you whenever I need something " masigla namang sabi ace1.Iminuwestra pa ni ace1 ang kanyang kamay na animoy baril sa nakangiting waitress.
Pag alis naman ng waitress sa kanyang harapan ay siya namang lapit ng isa pang babae na sa unang tingin palang ni ace1 ay papasa na ito sa kanyang pamantayan.
" hi lover boy can I join you? " medyo husky ang boses ng babae na akala mo ay kagagaling lang sa pagtulog at medyo inaantok pa.
" sure " sagot naman ni ace1.
" Bago ka lang dito noh, ngayon lang kasi kita nakita dito " seryosong tanong ng kaharap niyang babae.
" yeah you're right, gusto ko lang mag relax " nakangiting sabi ni ace1.
" mag-relax ? wow narinig ko na naman Ang word na yan, you know madalas din yang sabihin ng aking kakilala sa tuwing gusto niyang magpunta dito. "
" oh really ?, bakit hindi mo siya kasama ngayon ? "
" well actually she's here, hayun siya oh " inginuso ng hindi parin nagpapakilalang babae ang kanyang kasama na nasa sentro ng bulwagan ng Twighlite at nagsasayaw na mag isa na animoy nawawala sa sarili.
"she's so pretty! " papuri ni ace1.
"prettier than me? " nakangiting tanong ng babae, napangisi rin sa kanya si ace1 saka muling nag isip ng kanyang sasabihin.
" you both have wonderful looks and figure " nakangiting pahayag ni ace1 sabay hagod ng tingin sa babae na kanyang kaharap.
" you're a bad guy, but I like your style " nagkatawanan ang dalawa.
" hindi mo ba ako namumukhaan ? " natigilan si ace1 pagkarinig nito sa tanong na iyon ng babae at pagkatapos ay napailing ito sa kanyang kausap.
"are you out of space? or an alien ? " pakiwari ni ace1 ay gustong makipaglaro sa kanya ng babae.
" yes why? " maikling sagot ni ace1. Lalo namang napatawa ng malakas Ang babae sa sagot na iyon ni ace1.Inilapit ng babae ang kanyang mukha sa Mukha ni ace1 upang makita niya ng husto Ang hitsura ng binata. Panay parin ang pag ikot at pagkislap ng iba't ibang ilaw sa loob ng disco area. Nagtagal din ng ilang segundo ang pagtitig na iyon ng babae bago ito muling bumalik sa dati niyang pagkakaupo na hindi parin inaalis Ang tingin Kay ace1.
" oh gosh you're really from outer space !" sambit nito.
" do I look fugitive to you? "
" absolutely not, you're awfully beautiful man and I like you! " prangkang sabi ng babae.
" I like you too..." saglit na katahimikan sa kanilang pagitan.Kapwa sila nakangiti subalit sa likod ng mga ngiting iyon ni ace1 ay hindi batid ng babae na ang kasingkahulugan niyon ay isang malagim na bangungot na hinding hindi niya makakalimutan.