Galit na galit si Chief inspector Geoffrey Dela Cruz sa muling ginawang pag atake ng grupong CASANOVA. Hindi rin niya sukat akalain na sa mismong bakuran niya itatapon ang kanilang pang apat na
biktima.Pinagkakaguluhan ng mga taong naroon ang nakahambalang na bangkay ng isang babae na isinilid sa isang itim na plastic bag na karaniwang ginagamit na lalagyan ng basura. Nakalislis ang kalahating hubad na katawan ng babae, may tattoo sa kanyang noo na pagkakakilanlan sa grupong CASANOVA. Kulay violet ang ink na ginamit sa kanyang tattoo sa kanyang noo.Ang isang píraso ng playing card naman na natagpuan sa bibig ng biktima ay King of Flower at ang piyesa ng chess na inilagay ng mga salarin sa kanyang kaliwang palad ay Black Pawn.Gaya ng dati ay iniwan din ng mga salarin ang Chord ng gitara na nakapulupot parin sa leeg ng kaawa awang biktima.
Pilit namang gustong kunin nang mga spectators at mga baguhang reporter na naroon ang anumang pahayag na magmumula sa mismong bibig ng dalawang opisyal.
" sir,may lead na ba kayo kung sino sino ang nasa likod ng mga sunod sunod na pagdukot at pagpaslang ng isang grupong nagpapakilala lamang sa pangalang CASANOVA." halos hindi makasagot si Dela Cruz sa mga tanong sa kanya ng ilang sikat na reporter ng iba't ibang estasyon ng radyo at telebisyon.
" sir totoo ho ba na mga dating tumiwalag na sparrow unit ang nasa likod ng CASANOVA Group? "
" sir ano ho ba ang masasabi niyo tungkol po sa... kung bakit naglalagay ng piyesa ng chess at baraha sa katawan ng biktima?,mayroon po bang ibig iparating na mensahe ang mga inilalagay nilang ito? " hindi na halos alam ni Dela Cruz kung papaano niya iyon sasagutin. Dahil naman sa hindi maawat na pagdagsa ng mga tao at maging ng mga media men ay minabuti na lang nito na manahimik at huwag munang mag sabi ng anumang kumento tungkol dito.Maging si detective Allen Mendoza ay hindi rin nakaligtas sa isinagawang ambush interview at katulad ni Dela Cruz ay minabuti nalang niya na huwag munang magsalita ng anumang pahayag subalit nag iwan naman siya ng maikling pananalita bago niya sila iniwan at nagtungo sa kanyang opisina.
Dahil sa muling nangyaring pag atake ng CASANOVA ay mas lalong naalarma ang mga kapulisan at tumaas ang alert level sa buong Metro Manila kung saan ang Makati City ang nangunguna sa pinupuntirya ng naturang grupo. Maging Ang mga kababaihan na may mga angking katangian na posibleng pumasa sa pamantayan ng grupong CASANOVA ay nangangamba rin at pati mga sikat na celebrity ay hindi rin ligtas sa nasabing grupo.Dahil dito ay pumangalawa na sa mga nangungunang most wanted Criminals ang kanilang grupo.
" He he he, O ano 'tol tama ako diba? number 2 na tayo sa pinaka sikat he he he " nakangiting pahayag ni ace 2.
" Hindi parin ako satisfied sa title 'tol, gusto ko tayo ang number 1 " sabi naman ni ace 3.
" Darating din tayo diyan mga pare koy, maghintay pa tayo ng ilang araw at makikita niyo na tayo na ang magiging kontrobersiyal, dapat ninyong itanim sa kokote ninyo ace3 at ace4 na iyon ang ating goal dahil pag hindi nangyari yun mawawalan tayo ng delihensiya. " paliwanag ni ace 2.Sinuri naman ni ace 4 ang pahayagan at ng ito ay kanyang makita ay napahagalpak siya ng tawa. Nakuhanan ng larawan (ng isang media) si Dela Cruz na nagkakamot sa kanyang batok na animoy hindi malaman kung ano ang kanyang isasagot sa mga reporter na nagtatanong sa kanya.Sumabay din sa pagtawa sina ace2 at ace3 sa naging reaksiyon ni ace4.
" he he he kawawang Dela Cruz ang galing talaga ni guwapings! saludo kami sayo pare ko! " nag appear pa sina ace 3 at ace 4 habang humahagalpak parin ng tawa.Ang iba pang laman ng pahayagan ay ipinagpatuloy namang basahin ni ace 4.
' Pambato ng Pilipinas bilang kandidato sa nalalapit na Ms. Universe Beauty Pageant, itinumba ng CASANOVA. '
" He he he, akalain mo 'tol pambato pala sa Miss Universe ang nadale natin. Tama nga pala ang sabi ni ace 2 na pang miss universe nga ang datingan ng nakuha mo ace 3 sa may simbahan ng Quiapo. Iba ka rin talaga kumilatis brod."
Sa iba pang laman ng diyaryo ay nakasulat pa ang mga ilang mahahalagang balita at malakas na binasa iyon ni ace 4.
" Operation Elite Force na pangugunahan ni Dela Cruz para labanan ang CASANOVA GROUP ay agad na binuo ng pamahalaang lokal ng Makati City. "
" he he he pwee... galingan niyo naman " sabad naman ni ace 3.
" Detective Allen Mendoza humihingi na ng payo sa isang kilalang super detective "
" sino kaya itong super detective na ito ace 2,Kilala kaya ito ni ace 1? " tanong ni ace 4.
" Malamang na kilala yan ni ace 1 " maikling tugon naman ni ace 2.
" oh eto pa ang ilang sa mga nakakapanindig balahibong balita mga pare koy pakinggan niyo " muling sabi ni ace 4 na lalo pang nilakasan ang kanyang tinig.
" Pinagsanib na puwersa ng NBI at pulisya ay pinagtibay upang wasakin Ang grupo ng mga salarin na gumagala sa buong kamaynilaan. "
" eto pa ang matindi mga pare ko, 5 most wanted group in Metro Manila #1 Manang Biday Gang #2 Casanova Group #3 Pitas Kuwintas Gang #4 Solitaire Group at #5 Aswang " pagtatapos na pagbasa ni ace 4.
" ano ba mga 'tol ang ginagawa ng mga MANANG BIDAY GANG para ibilang sila sa #1 hitlist ng bansa " tila nagtatakang tanong naman ni ace 3.
" eto ang sagot sa tanong mo ace 3, dalawang Chinese Businessmen nirapido ng Manang Biday Gang matapos ay tinangay ng mga ito ang ilang mahahalagang bagay at maging ng malaking halaga na tinatayang aabot sa isang bilyong Piso na idedeposito sana ng dalawang negosyante sa bangko. " pagtatapos ni ace 4.
" eh lintek din naman pala ang raket ng mga hinayupak na yan eh BIGTIME kumbaga, wala pa tayo sa kanilang kalingkingan " nakasimangot na sabi ni ace 3.
" Pero 'tol mahihigitan din natin ang mga yan. Sila kasi " TYPICAL " na mandarambong o magnanakaw. samantalang tayo ay very " MYSTICAL ".Sa totoo lang ay unti unti nang lalong nagiging controversial ang ating grupo at sa maniwala kayo o hindi, sa aming opisina ay laman na ng usapan ang binuong grupo ni ace 1 at ang CASANOVA ang bukambibig ng halos lahat ng mga reporter sa kahit saang malalaking network sa bansa. " mahabang sabi ni ace 2 na pilit na pinatatatag ang dalawa niyang kasamahan.Nasa gayon silang paguusap ng biglang dumating si Ace 1 ang kinikilala ng mga ito na pinaka pinuno at bagamat si ace 2 ang nag recruit kina ace 3 at ace 4 ay si ace 1 parin ang kanilang itinuturing na boss.
" okey guys salamat naman at kumpleto tayo ngayon.Makinig kayong mabuti sa mga sasabihin ko. Ang pinaka PLANO ko ngayon ay ganito: Sa susunod na Linggo ay marami akong aasikasuhin kayat ngayong gabi ay dalawa ang kailangan nating makuha, ang sweetheart #5 at sweetheart #6.Siguraduhin din ninyo na ang ating madadala dito sa ating hide out ay De Caledad with a beautiful face and wonderful body and as much as possible ay may mataas na profile sa lipunan dahil iyan ang gusto ng mas nakakataas sa akin " tinanguan lamang ng tatlo ang mga nasabing iyon ni ace 1.
" Siyanga pala guys, dala ko na ang ipinangako ko sa inyong pera, 1/4 palang yan ng kabuoang halaga at makukuha natin ang nalalabing 3/4 pagnatapos na natin ang ating target, ang 'mission 10',pagkatapos nito ay magkakanya kanya na tayo. Kung gusto niyong magbago well it's up to you, pero kung gusto niyong ituloy ang raket nasa inyo parin pero kung ako ang inyong tatanungin well sa palagay ko ay pipilitin kong magbago para sa mga mahal ko sa buhay. " seryosong nasabi ni ace1. Tahimik lamang na nakikinig ang tatlo at sa aminin man nila sa hindi ay nahihiwagaan din sila sa pagkatao ni ace 1 dahil hindi ito nagkukuwento ng kahit ano tungkol sa kanyang buhay at wala rin isa man sa kanila ang nangahas na magtanong ng tungkol dito.
Muling magsalita si ace 1 at taimtim na nakinig ang tatlo hindi kasi ugali ni ace 1 ang ulit ulitin pa ang mga nauna nitong pahayag.
" okay ganito, ikaw ace 4 ay makakasama mo si ace 2 upang kumuha ng magiging sweetheart #5 at si ace 3 naman ang aking makakasama para kunin ang magiging sweetheart #6.Bahala na kayo ace2 kung saan kayo pupunta ni ace 4 basta ang mahalaga ay madala natin dito sa ating hide out by hook or by crook ang mga babaeng karapat dapat para sa ating misyon, maliwanag ba mga kasama?
" loud and clear boss " sabay sabay na sagot ng tatlo.Nang maibigay na ni ace 1 ang pera na kanyang ipinangako sa bawat isa sa kanila ay kaagad na silang naghanda para sa isa namang kapanapanabik at very challenging na misyon.