Chapter 8 " THE NIGHT "

1121 Words
Natigil ang paguusap nina ace1 at ng babae nang lumapit sa kanilang kinaroroonan ang kasamahan nito. Agad na tumayo sa kanyang kinauupuan si ace1 at inalok ang kanyang silya sa babae na kanya namang tinanggap at pagkatapos ay kumuha naman si ace 1 ng isa pang silya sa katabing table at doon naman siya umupo.Pawisan Ang babae dahil sa walang tigil niyang pagsasayaw kanina at Hindi rin Niya halos pansin ang mga tao sa paligid dahil abala siya sa pagpunas ng tissue sa mga bahagi ng katawan niyang pinagpawisan ng husto. Matamang pinagmamasdan lamang siya ng dalawa at sa maikling pagsusuri ni ace1 sa kartada ng bagong dating na babae ay may initial rate na siya na 9 out of 10.Nasipat narin nito ang ilang parte ng kanyang katawan partikular ng kanyang mukha, leeg, balikat o sa maikling sabi ay from head to toe. Nang matapos ang babae sa kanyang ginagawang pagpunas sa kanyang katawan ay saka pa lamang siya napatingin sa nakangiting si ace1. Parang nabigla pa ang babae na wari ay nagkamali siya ng inupuang table subalit ng mapansin Niya na naroon din Ang kasamahan niyang babae ay saka pa lang siya nakadama ng instant relief. " hey are you okey? " tanong sa kanya ng kasama niyang babae.Tinanguan lamang siya ng bagong upong babae. "anyway I want you to meet Mr..." " Ace De Jairo! " maagap na sabad ng nakangiting si ace 1. " She's Sunshine Verzeles at ako naman si Sandra Ferrer " sa wakas ay nagpakilala narin ang babae. " wow... you mean to say kanina pa kayo naguusap na dalawa pero hindi pa kayo magkakilala? that's so weird " napabuntong hininga si Sandra at saka tumawa ng malakas " yeah you're right but now we know each other " nakangiting pahayag ni ace1. " hmm...you look familiar to me " ani Sunshine.Napakunot ng bahagya ang noo ni ace1 sa tinurang iyon ni Sunshine. " Oh are you an actor ? " tanong ni Ms. Verzeles kay ace1 habang itoy patuloy na nakatitig sa binata. " Oh thanks for the compliment but no I'm not an actor " tapat na pahayag ni ace1. " nah forget it! baka kamukha mo lang siya i mean i think i saw you one of the magazine a long time ago. " dagdag na sabi ni Ms. Verzeles. " I wouldn't be surprised kung malaman ko later na isa ka palang sikat na modelo sa ibang bansa Mr. Ace De Jairo. " nakangiting sabi naman ni Ms. Sandra Ferrer.Pero napailing si ace1 at sinabing wala siya sa estado na kanilang nabanggit. " Sa palagay ko ay kayo yata ang nasa gayung estado it seems to me that you both are famous perhaps a celebrity if I'm not mistaken " tila panghuhula naman ni ace1 at galak na galak sa nakikita niyang interes ng mga ito sa kanya. " well, you're guess is right Mr. De Jairo, Ms. Verzeles is not a model she's an actress, natatawa lang talaga ako kasi mukha ka ngang hindi taga pilipinas at kung tagarito ka man ay malamang na hindi ka nanonood ng tv " Explinasyon ni Ms. Sandra Ferrer. " hindi naman sa ganun, nanonood naman ako ng tv but not so often, I'm sorry for not recognizing you immediately, oh my goodness so it's you and it's real... i remember now, i saw you...hmmm..featured in a star magazine! whew mas maganda ka pala sa personal Ms. Verzeles aka Maui Teller right? " very sharp ang memory ni ace1 nakatulong sa kanya kahit papano ang hilig niya sa pagtingin ng mga magagandang mukha sa showbiz industry palibhasa ay nasa dugo din nila ang pagiging prominente sa entertainment industry. " pareho karin pala ng daddy ko, masyadong bolero " may pagka humble na nasabi ni Ms. Verzeles na may screen name na Maui Teller. " Puwes nakilala mo na rin lang ako, gusto ko namang ipakilala sayo ang aking best friend, si VJ Sandra Ferrer at kung mahilig kang makinig ng music ay siya ang madalas na naririnig sa number 1 radio station ng Metro Manila Philippines ang DWVJ 107.7 at siyempre mapapanood din siya sa television sa channel 16 sa music box Asia. " very proud na pagpapakilala ni Ms. Verzeles sa best friend niyang si Ms. Ferrer na isa palang Video Jockey at sikat din na maituturing sa music industry. " wow you too are famous... napaka suwerte ko naman ngayong gabi, i can't believe this " malakas na nasabi ni ace1 na animoy noon lamang siya nakaharap ng isang sikat at kilalang tao.He smiled so sweetly in front of the two beautiful women not knowing the meaning behind those smiles at kung mababasa lang ng mga ito ang kahulugan niyon ay malamang na kanina pa kumaripas ang mga ito ng takbo. " what about you Mr. De Jairo... can you tell us something about yourself? you look mysterious to us who are you? " Lalong napangiti ng ubod tamis si ace1 at sa katotohanan ay kanina pa niya napaghandaan ang katanungang iyon ngunit bago ito nagsalita ay iminuwestra muna niya ang kanyang kamay na animoy baril at malakas na sinambit nito ang salitang 'bang-bang'. Nagulat pa ang dalawang babae sa ginawa ni ace1 subalit napawi rin ito kaagad ng biglang lumapit sa kanilang table ang waitress na may nameplate na nakasabit sa kanyang suot na uniform at nakasulat doon ang nickname ng waitress na si bang - bang. "tsaraan anything else sir? muling kumindat ang magandang waitress kay ace1 sabay abot ng menu book. " well,tell her your order ladies, the pleasure is mine " masiglang nasabi ni ace1.Napatingin ang waitress sa mga kasama ni ace1 na obvious na kilalang Kilala narin niya dahil madalas ng pumunta ang mag best friend sa lugar na iyon. " oh you look crowded here why don't you transfer to a more convenient and comfortable table for three sir, mam? " nakangiting suggestion ng tisay at englisherang waitress na si bang-bang. Sumang ayon naman ang tatlo sa suggestion ng waitress at ng sila ay makalipat sa mas maluwang na lamesa at saka pa lamang nila ibinigay ang kanilang order sa waitress. Hindi nagtagal ay dumating ang kanilang inorder, dalawang exquisite cocktail with umbrella at isang serve ng japanese style fried prawns with tacos chips na siyang pinaka specialty ng TZDR, nag order lamang si ace1 ng panibagong 2 bottle of San Miguel lite. " now Mr. Ace De Jairo it's your turn, can you tell us something about yourself? " muling tanong ni Ms.Verzeles at tahimik naman si Ms. Ferrer na hinihintay ang mga sasabihin ni ace1 hawak ang long glass cocktail at sinisimsim nito ng bahagya habang nakatitig sa napaka guwapong Mukha ni ace1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD