Chapter 5 " THE CALL "

1057 Words
Pag alis ni Ace 1 sa kanilang hide out ay kaagad na sinimulan ng tatlo ang kani-kanilang bahagi, nagkaroon pa ng kaunting paguusap sina ace 3 at ace 4 na hindi gaanong nilalakasan ang kanilang tinig para hindi marinig ni ace 2 na abalang naglalagay ng tattoo sa may batok ng biktima na itinuturing nilang sweetheart #4. " sayang naman talaga 'tol , hindi ko man lang nahipo kahit man lang sana ang matambok na puwet ni Ms. Universe bago siya tinodas ni ace 2, s**t sayang talaga!. " paghihimutok ni ace 4. " eh di kung gusto mo, ngayon mo na gawin, kahit pa halik halikan mo pa yun ngayon, wala nang pipigil sayo! " nakatawang sabi ni ace 3. " yaak kadiri ka naman, anong tingin mo saken necrophillac? never akong gagalaw ng patay noh, kung gusto mo ikaw nalang alam ko naman na nanggigigil ka na mahawakan din ang kanyang malusog na boobs oh aminin mo, sige puntahan mo na siya doon bago pa siya mailagay ni ace 2 sa plastic bag. " tila nang aasar naman na sabi ni ace 4. " No way! ano ako sira! papatol nalang ako sa matandang mayaman keysa sa maganda at sexy na isang malamig ng bangkay." seryosong sabi ni ace 3. " talaga papatol ka sa matanda? yung kapit bahay namin na senior citizen na mayaman at most of all never been kissed never been touch 100% guaranteed single kung gusto mo ilakad kita hehe " nakangiting sabi ni ace 4. " sira ulo mo talaga tol example lang yun noh at saka may girlfriend na ako maski hindi siya kagandahan pero mahal na mahal niya ako at siya ang gusto kong pakasalan. " tila nangangarap na sabi ni ace 3. " Ang tanong pano kung malaman niya ang pinag gagawa natin mamahalin ka parin ba niya sa kabila ng lahat? " Hindi na nagawang sagutin iyon ni ace 3 ng lumapit sa kanila si ace 2,at sabihing okay na ang lahat at nailagay na niya ito sa may plastic bag. " well it's your turn buhatin niyo na siya at ilagay niyo na siya sa may kotse,we need to disposed the body as soon as possible, itapon niyo siya sa sinabing location ni boss but don't make any mistakes guys do it as smooth as always, no witnesses and no evidences na maaaring maka trace sa atin " malinaw na pahayag ni ace 2 na siyang tumatayong kanang kamay ni ace 1. " areglado sir guwapo kami na bahala ni ace 3, at tatawagan ka namin agad after naming magawa ang lahat para ikaw na magsabi kay boss. " kumpiyansang nasabi naman ni ace 4 na sinang ayunan naman ni ace 3. Makalipas pa ang ilang oras ay tumawag na sina ace 3 at ace 4 kay ace 2 at ipinapaalam ng mga ito na naidispatsa na nila ang bangkay na agad namang itinawag ni ace 2 Kay ace 1. " kring... kring... kring..." nagdadalawang isip si detective Allen Mendoza kung sasagutin nito ang tawag ng isa na namang unregistered caller sa kanyang cellphone.Hindi niya ito sinagot ng una itong mag ring ngunit ng muli itong tumawag ay napilitan siyang sagutin iyon. " hello ? " dinig ni Allen ang pamilyar na tinig na iyon na ginagamitan ng makabagong AI voice over isang paraan para hindi ma trace ng sinuman ang tunay na voice identity ng caller. " hello? s**t ! sino ka bang talaga? magpakilala ka at huwag kang duwag, ako ang harapin mo hindi ako natatakot sayo, hinding hindi mo ako kayang takutin... " medyo napabangon pa sa pagkakahiga si Allen habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya. " Makikilala mo rin ako detective Allen Mendoza, darating din tayo diyan kaya huwag kang mainip..." wari ay nakangiti ito habang kausap si Allen. " huwag mo na akong paghintayin ng matagal ako na ang harapin mo, o baka natatakot ka?... mga mahihinang babae lang ba ang kaya mo? " tila nang hahamon si Allen sa kanyang mga pahayag na tinawanan lamang ng caller. " Gaya ng sinabi ko sayo darating din tayo diyan dahil ikaw ang gagawin kong pinaka huli sa aking listahan ha ha ha " very vocal na Ang leader ng CASANOVA at ito ang kauna unahang pagkakataon na sinabi niya na kasali siya sa target ng grupo at ang isa sa malaking rebelasyon nito ay si Allen ang pinaka huli sa kanyang listahan. Hindi naman kataka-taka na maibilang siya sa target dahil may taglay na katangian si Allen na bukod sa napaka ganda niyang mukha ay taglay din niya ang napaka sopistikadang awra. Hindi na niya kailangan pa ng mga mamahaling make up o mga beauty products dahil ang kanyang looks ay very natural at walang panama ang mga artista na halos ay sumailalim sa mga complicated surgery para lang ma achieved ang kanilang minimithing kagandahang panlabas. Kung uugatin ang lahing pinagmulan ni Allen ay may dugo itong aleman, korean, belgian, American at Filipino descent kung kayat ang resulta ng kanyang personality ay maituturing na stunningly mixed breed. " Ako na ang isunod mo Mr. CASANOVA! " muling hamon ni Allen. " maghintay ka lang Detective Mendoza at hindi na iyon magtatagal huwag kang masyadong magmadali ha ha ha " malutong na tawa ni ace 1.Napilitang i-off ni Allen ang kanyang cellphone at gustong inisin ang kanyang kausap.Gaya ng kanyang inaasahan ay muli itong tumawag sa kanya subalit hindi ito sinagot ni Allen nais niyang subukan kung gaano ang patience ng kanyang kausap. Naisip din niyang huwag pakinggan ang iba pa nitong gustong sabihin para masira ang anumang plano ng mga salarin.May pakiramdam kasi Allen na tila tuwang tuwa sila sa ginagawa nilang pagbabalita sa lugar kung saan nila itinatapon ang biktima. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya bibigyan ng satisfaction ang CASANOVA, hinayaan lamang nito na mag ring nang mag ring ang kanyang cellphone hanggang sa ito ay magsawa sa katatawag sa kanya. Sa kabilang dako ay medyo napikon din si ace 1 sa inasal na iyon ni Allen at ang inis at poot sa kanyang dibdib para Kay Allen ay lalong nag alab pero hindi niya kailangang magpatangay sa bugso ng kanyang galit.Wala siyang magawa kundi ipaabot nalang ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng text messages na alam niyang tiyak na babasahin din ni Detective Allen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD