Lalong pumalahaw sa pag- iyak ang babae nang sabihin ng kanilang leader na simulan na nila ang ritual katulad sa mga nauna na nilang ginawa sa naunang tatlong biktima.
" Huwag niyo po akong papatayin maawa po kayo sa akin... daddy ... mommy... hu hu hu "
" ssshhh... huwag ka nang maingay, diba sabi ko naman sayo ay hindi ka namin sasaktan basta sumunod ka lang sa ipagagawa namin sayo okey? pero kung hindi ka susunod baka matutulad ka sa ibang nauna sayo at mapipilitan na naman kaming paslangin ka! " dahil sa kanyang narinig ay biglang natahimik ang babae pero banaag parin ang matinding hilakbot sa kanyang mukha.
Sinenyasan ni ace 1 si ace 2 na ipainom na nito ang S/HE in the form of soft capsule liquid gel sa babae.Ipinakita ito sa kanya ni ace 2 ang S/HE at sinabi nitong lunukin niya ito sabay abot ng isang bottled water. Subalit ng umayaw ang babae ay muli na naman siyang tinutukan ng baril sa kanyang sintido.Hindi malaman ng babae ang kanyang gagawin nakatitig lamang ito sa isang tila gamot sa kanyang palad. Ikinasa ni ace 2 ang hawak nitong baril at nagbanta siya na sasapitin nito ang nangyari sa mga unang biktima kung hindi siya susunod sa bawat i-utos niya.
" inumin mo na kasi yan miss beautiful
bago pa siya magalit ng husto sige ka baka bigla niyang makalabit ang baril na hawak niya bahala ka diyan " pananakot naman ni ace 3 na halatang naiinip na sa mga seremonyas ni ace 2.
" bibilang ako ng tatlo miss... isa...dalawa... tatlo... BANG BANG... " nangilabot ang babae na hindi na halos makapagsalita sa sobrang takot akala kasi nito ay babarilin na siya ng tuluyan ng nakamaskarang si ace 2 pero ginulat lang pala siya nito. Nagkatawanan ang grupo sa nakitang reaksiyon ng babae.
" eto miss totoo na ito at hindi na ako nagbibiro kaya kung ako sayo ay iinumin ko na yan, hindi ka naman mamamatay pag ininum mo yan,besides kabaligtaran pa ang mangyayari sayo pag ininum mo ito...click...one ...two..." napangisi pa ang apat na alas ng isubo ng babae ang ibinigay sa kanyang SHE o tinatawag na Super Hyper Ecstacy.
" ayun oh iinumin din pala pinatagal tagal pa he-he-he " Pagkatapos na isubo ng babae ang SHE ay ipinag utos ni ace 2 na inumin din nito ang tubig na hinaluan din nila ng isa pang liquid gel na SHE. Wala ng nagawa ang babae kundi ang sumunod ito sa kanila. Mga ilang saglit lang ay umepekto na ang gamot na kanilang ipinainom. Para na itong lasing at tila nawala ang lahat ng takot sa kanyang dibdib subalit naging sunod sunuran parin ito sa bawat ipinag uutos
sa kanya ng grupo.
" okay i-focus niyong mabuti sa kanya ang video cam. dalian niyo!? " Sumunod naman ang dalawa at kaagad na isinet up ni ace 3 ang kanyang high definition camera sa tila lasing at nawawala sa sariling si Hanna Alcoveza.
" okey let's go 1-2-3 camera action... okey miss beautiful take off all your clothes " sumunod naman ang babae na animoy nakalutang sa alapaap at naging sunod sunuran na ito sa ipinapagawa sa kanya ng CASANOVA group.
" Ganyan nga miss dahan dahan okay good that's it nice " kusa ng tinatanggal isa isa ng babae ang lahat ng saplot niya sa kanyang napaka seksing katawan, at bawat anggulo ay kinukuhanan nila ng larawan at naka focus ng husto ang camera sa maseselang bahagi ng kanyang katawan. Nang tuluyan ng mahubaran ng babae ang kanyang sarili ay kung ano anong positions na ang ipinagawa sa kanya ng tatlong Alas na sina ace 2, ace 3 at ace 4.Samantalang si ace 1 ay nakamasid lamang sa tatlo niyang kasamahan na ini enjoy ang bawat sandali sa ginagawang last pictorial ng kanilang sweetheart#4.
Kung susuriing mabuti ang babae ay kapansin pansin sa kanya ang unawareness sa kanyang ginagawa at siyay labis na nasa impluwensiya ng unidentified drugs na pinangalanan lamang nilang SHE at bukod tanging si ace 1 ang nakakaalam kung saan ito nanggaling.Gaya ng dati ay hindi na naman nakapagpigil si ace 4 sa kaniyang sarili at maging si ace 3 ay ganun din. Nilapitan nila ang babae at gustong hawakan ng mga ito ang kaakit akit na parte ng kanyang katawan at nagsisimula na silang tubuan ng sungay at nilulukuban na rin sila ng malabis na kamunduhan.
" Enough !!! " malakas na sigaw ni ace1 at itinitig nito ang kanyang matalim na paningin sa dalawa niyang kasamahan na sina ace 3 at ace 4.
"don't touch her, not a finger! " Mando ni ace 1 bilang pag saway nito sa gustong gawin ng dalawa. Tila naalimpungatan naman buhat sa pagkakatulog ang dalawa at dala ng takot sa kanilang head ay agad silang yumuko sa kanya at sinabing hindi na iyon mauulit.
Samantala, ang babae ay patuloy parin sa kanyang ayos ng pagkakahiga sa kama at naka de quatro pa ito kasang ayon sa gusto nilang maging pose niya.Kung pagmamasdang mabuti ay larawan ang babae ng kawalan ng tamang pagiisip dahil sa labis na epekto ng illegal drugs na ipinainom sa kanya. Dumating na ang takdang Oras na hinihintay naman ni ace 2 bilang kabayaran ng kanyang pagkatalo sa larong Chess nila ni ace 1.Inihanda na nito ang chord ng gitara sa kanyang magkabilang kamay. Nang senyasan siya ni ace 1 na gawin na niya ang kanyang bahagi ay agad naman itong tumalima sa utos ni ace 1.
Nilapitan niya ang babae na wala paring kamalay malay sa nakatakda niyang sasapitin sa mga kamay ni ace 2.Nakangiti pa ito habang tila hinihintay niya na kuhanan siya ng larawan habang siyay naka dequatro sa kama.Paglapit ni ace 2 sa babae ay parang walang anuman sa kanya na ipinulupot ang chord ng gitara sa kanyang leeg.Nang maramdaman ng babae ang papahigpit na pagkakapulupot ng kuwerdas ng gitara sa kanyang leeg ay doon pa lamang tila nagbalik ang dati nitong katinuan pero huli na ang lahat.
"huwag!... huwa.... aargh " tuluyan ng nalagot ang kanyang hininga na halos lumuwa pa ang kanyang mga mata.
" sige , ayusin niyo na ang kanyang bangkay at itapon siya sa may basurahan na malapit sa may munisipyo kung saan naroon ang opisina ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz. Huwag niyong kalilimutan na maglagay ng tattoo sa kanyang batok, at lalong huwag niyong kaliligtaan na ilagay ang mga ito sa katawan niya. Ang napili kong ilalagay niyo sa kanyang bibig ay ang Jack of Heart at ilalagay niyo naman sa kanyang kaliwang kamay ang White Knight ito ay bilang palatandaan na tayo ang may gawa nito. At dahil ako ang nanalo sa laban namin ni ace 2 ay ako naman ang bahalang tatawag kay detective Allen Mendoza para ipaalam sa kanya ang location kung saan niya matatagpuan ang bago nating biktima... maliwanag ba mga kasama? "
" maliwanag po boss " halos sabay pang nasabi ng tatlo.
" kami na po ang bahala dito boss " pahayag naman ni ace 2.
" okay kung ganun, sige kailangan ko ng umalis itawag niyo nalang sa akin kung na idispose niyo na ng maayos ang ating sweetheart #4, magi ingat kayo, good luck guys and oops before I forget ano na nga ba ang favorite expression ng CASANOVA? " tanong sa kanila ni ace 1.
" I'M HERE BABY I'M HERE " sabay- sabay na sabi ng tatlo nitong kasamahan na tila mga robot na de susi.
Tuluyan nang iniwan ng leader nang kilabot na CASANOVA ang Lugar na pinagdarausan ng grupo ng kanilang isinasagawang karumal dumal na krimen.