Hindi naging problema kay ace1 ang magpanggap at gaya ng dati at nagpakilala ito bilang si Ace De Jairo.
" well, I'm not as famous as you think, I'm just an ordinary guy living in a square room in a full house next door. I'm also a tourist here and my personal driver is waiting there in the parking lot.I am here to relax as what I've said a while ago to Ms. Sandra Ferrer and I'm so glad that I've met a two young and very beautiful ladies like you. " nakangiting sabi ni ace1.
" Ah so you're a tourist here, that means you're a foreign citizen? " tanong naman ni Sandra.
" Yap I'm an American citizen simply because I was born there " paliwanag ni ace1.
" But you are well verse also in Tagalog " sabi naman ni Sunshine Verzeles.
" Yeah my mom is a filipina, a native somewhere in the province of Tarlac, i also love speaking the Filipino languages like tagalog, ilokano or even a little bit of pangalatok and kapampangan. During my childhood my mother teach me how to speak in our native tongue, she's belong to an ilokandian race. Though I was born in the united states but I love visiting here in the Philippines and that is the reason why i can speak multiple languages, I'll give you an example; " nagpintas kayo nga balasang! " mahabang pahayag ni ace1 habang itoy ubod tamis na nakangiti.
" what does it mean? " si Sandra.
" that means you're both beautiful in ilokano " naaliw ang dalawa sa ipinapakitang asal ni ace1 na bukod sa very entertaining ito ay mukhang hindi pa mayabang ang kanyang dating.Kung susuriing mabuti ang reaksiyon ng dalawang babae ay tila kumbinsido ang mga ito sa mga sinasabi ni ace1. Hindi maipagkakaila na nagi-enjoy ang dalawa sa kanyang company. Matapos pa ang ilang paguusap ay halos close na ang dalawang babae kay ace1.Paminsan minsan ay sinisimsim din ng mga ito ang kanilang cocktail drinks at si ace1 naman ay gayun din.Lalo silang nagkapalagayan ng loob sa isat isa at hindi na sila nagkakailangan na animoy malaon na silang magkakilala. Mga ilang sandali ay nagpaumanhin si Sandra at nagsabing pupunta lang siya sandali sa may comfort room, naiwan naman ang dalawa sa table na ipinagpatuloy ang nasimulan nilang kuwentuhan.
" you are an actress right? so marami ka sigurong body guard na nasa labas ngayon na naghihintay sayo? " double purpose na tanong ni ace1. Una para ma aware siya kung bukod Kay Sandra ay may iba pa itong kasama, at pangalawa upang libangin niya ito sa pagtatanong.
" well sa ngayon ay wala, tumakas lang ako sa set... pero pag may mga shows na dadaluhan siyempre hindi maiiwasan yon. Nandiyan Yung mga PA kung turingan namin as in Personal Alalay. nandiyan din parati Yung manager ko, yung mommy at daddy ko pati mga brother ko, sad to say wala akong kapatid na babae.Tapos santambak na bodyguards not to mention yung mga diehard fans na laging nakabuntot sa Amin bilang artista lahat yun kailangan mong pakisamahan...minsan nakakainis na din kasi halos wala na akong privacy, even when you like to go somewhere o sa mga public places na gusto mo like sa malls sa mga parks or kahit saang public places ay hindi ka puwedeng pumunta ng mag isa. " malungkot na sabi ni Ms. Verselez.Ace1 preferred to listen sa mga gustong iShare na thoughts sa kanya ng kausap niyang babae. Yun kasi ang isa sa mga sekreto niya para paamuin ang mga babae "just listen to make her comfortable".
" malungkot din diba? sikat ka nga pero Hindi mo naman magawa ang mga simpleng bagay na gustong gusto mo sanang gawin o puntahan.Buti pa nga noong hindi pa ako artista, nakakapunta ako sa kahit saang public places na gusto kong puntahan, nakakapaglakad ako roon na mag isa na walang nakabuntot na alalay o bodyguards. But now, OMG kahit na pumunta ka lang sa comfort room ay naku nakabuntot sayo ang isa or two of them. Ewan ko sa ibang artista kung na experience pa nila ang ganun pero saken madalas. Sobrang kasing protective ang parents ko. Pag may mga shooting at tapings kailangan mong gumising ng maaga kahit na puyat ka the previous night, akala ng marami masarap maging sikat na artista but on the other side of it ay napaka hirap din, siyempre masaya rin kasi sikat ka,maraming nakakakilala sayo,medyo mataas ang tingin nila sayo at pinapalakpakan ka sa entablado and most especially malaki din kitaan dito.But on the other hand kailangan mo ring i-maintain ang good reputation mo as an actress para hindi magsawa sayo ang mga fans na umiidolo sayo kailangan lagi kang nice well kung sabagay sa pahanon ngayon naging kalakaran na sa social media at maging sa movie industry ang mga gossips and rumors. Kasi kasabihan ng mga reporters at mga netizens ' the more issues the more famous ' bash man yan o compliments issue parin kaya dagdag sa kasikatan parin Yun ng individual na celebrity. Hoy mister Ace De Jairo nakikinig ka pa ba sa sinasabi ko? " mahabang kuwento ni Sunshine.
" huh! ah yeah I've heard all of it, hindi mo naitatanong ay muntikan narin akong pumasok sa showbiz industry pero hindi ako natuloy " pagsisinungaling ni ace1 just to continue the momentum.
" ganoon ba why? " tila excited na tanong ni Sunshine.
" ayaw kasi ng mama ko kasi raw ay masyadong magulo ang mundo ng showbiz, gaya ng sinabi mo wala kang freewill or privacy. Pag artista ka sabi ng mother ko ay pagaari ka narin halos ng publiko meaning yourself is not your own already unless na mag quit ka sa showbusiness that is the only time na magkakaroon ka ng gradual freedom para sa iyong sarili as my mom's put it... kapag ang artista ay laos na doon pa lamang niya mararanasan ang totoong pelikula ng buhay niya. " seryosong sabi ni ace1.
" you know puwede ka ngang maging artista, in my personal assessment sayo, you have the potential to be a dramatic action star yeah puwera biro " nakangiting sabi ni Sunshine.
" well, hindi siguro ako para diyan at isa pa I'm older enough for that it's too late "
" bakit ilang taon kana ba ace "
" I'm already 31 years old gurang na hehe "
" oh really? but you look younger than your age, kidding aside para lang kayong magkasing edad ni Sandra, she's 24 and I'm turning 20 this coming month. " nakangiting pahayag ni Sunshine.Saglit na katahimikan hanggang sa Naisip niyang yayain si Sunshine na magsayaw sila ng magsimula ang isang sweet music na pinasikat ni lady Gaga na may pamagat na 'remember us this way '.
Sa gitna ng bulwagan ay magkahawak ang mga kamay nila at halos magkadikit ang kanilang balikat habang banayad na sinasabayan nila ng mahinay na sayaw ang tugtugin.
" can i ask you something personal ? " tanong ni ace1.Hindi paman nakapagsasalita ang babae ay idinugtong na niya kaagad ang tanong.
" any boyfriend so far? "
" huh! oops wait... baka naman reporter ka ha, magsabi ka nga saken ng totoo, reporter ka ano? " pinanlakihan siya ng mga mata ni Sunshine.
" I swear to God I'm not a reporter or any tv personality, kayo talagang mga artista may phobia sa mga blind items " nakangiting sabi ni ace1 at sinubukan niyang lalo pang idikit ang kanyang katawan sa malambot na katawan ng dalaga at hindi naman ito tumutol. Damang dama naman ni Sunshine na napaka secure ng pakiramdam niya sa lalaking halos nakayakap na sa kanya. Nakadagdag pa sa attraction nito ang male scent na isang limited edition Ralph Lauren Perfume.
" hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo? " Saad ni ace1.
" ikaw baka may asawa kana siguro noh? " paiwas na tanong ng dalaga.
" I don't have any girl friend right now,dati pero matagal na kaming wala " pormal na sabi ni ace1.
" Wala parin akong official boyfriend sa ngayon puro lang sa pelikula nagkakaroon " kuwelang sabi naman ni Sunshine.
Sa isang corner ng bulwagan ay matamang pinagmamasdan sila ni Sandra at naisaloob nito na mukhang nagkakamabutihan ang dalawa at sweet na sweet silang tignan sa kanilang ayos ng pagkakahawak nila sa isat isa.Nang matapos ang tugtugin ay saka naman nagpasya ang dalawa na muling bumalik sa kanilang table. Patuloy parin ang tugtugin and this time isa namang disco song ang pumailanlang sa ere na sinabayan naman ng ibang naroon na iyon ang hilig na sayawin. Nadatnan nila sa table si Sandra na tahimik na nakaupo at panay ang hitit nito ng sigarilyo.
" wow you look fresh and gorgeous , excuse me ha I need to go to comfort room medyo nanlalagkit kasi ang pakiramdam ko " pagpapaumanhin ni Sunshine at naiwan naman ang dalawa na tila nagpapakiramdaman.Hindi naman experto si ace1 sa psychology lalo na pagdating sa mga babae pero mayroon naman siya ng tinatawag na instinct at kung hindi siya nagkakamali ay tila may gusto sa kanya si Sandra at kung tama ang kanyang sapantaha ay mas magiging advantage iyon sa kanyang mga plano.