Kabanata 1

1328 Words
Kabanata 1 "Atasha Torres, right?" nakayukong saad ng manager habang nakatingin sa papel. "Opo, opo," mabilis na sagot ko habang kinakabahan. Nakayuko kasing lumabas iyong sinusundan kong aplikante kanina kaya baka gisahin din ako sa interview. Nang lingunin niya ako ay nakita ko ang ngiti sa kanyang labi. Naglakbay ang kanyang paningin mula sa aking mukha, pababa sa aking dibdib hanggang sa paa. Kinabahan ako lalo kaya sinabayan nito ang panlalamig ng mga kamay ko. Naalala ko na naman ang pangyayaring tinakasan ko sa probinsiya. Tumayo ang manager saka dahan-dahang lumapit sa akin kaya napahawak ako sa aking shoulder bag nang mahigpit. "Matangkad, check! Makinis, check! Maganda, check! At sexy, check! Perfect, pwede ka ng magsimula bukas dito sa Drink and Dance Bar," saad nito kaya nagulat ako sa biglaang pagpalit ng tono ng kanyang boses kaya sandali akong kumalma nang maisip na marahil, isa siyang binabae kaya wala akong dapat ikatakot. "T-Talaga po? Wala na pong interview?" "Wala na. Pasok ka na bilang waitress," nakangiting sabi nito saka binigay sa akin ang dalawang pares ng uniporme. Pagkatingin ko sa damit ay talagang napakaikli ng skirt habang ang pang-itaas na polo ay nawawala ang dalawang butones nito. "Ahh, boss, sira po itong uniporme, wala ang dalawang butones sa itaas," wika ko saka pinakita ang tinutukoy ko. "Ganyan talaga 'yan, dear. You wear it and flaunt what you've got. In short, dapat daring kayong mga waitress habang nags-serve ng alak para mas maka-attract tayo ng customers!" Alangan kong tinupi ang damit saka nagpaalam na rin. Ito ang unang trabahong mabilis na tumanggap sa akin dito sa Maynila kaya hindi ako pwede umatras dahil paubos na rin ang perang naipon sa probinsiya. Habang naglalakad ako sa dagat ng mga tao sa kalsada ay muntik akong sumubsob sa poste nang mabangga ako ng kung sino man ang nasa aking likuran. Galit kong pinulot ang paper bag na hawak kanina at narinig kong nagsalita ang lalaki sa aking likuran na siyang nakabangga sa akin. "Tatanga-tanga. Palibhasa, mukhang probinsyana," rinig kong saad niya kaya namula ang mukha ko. "S-Sorry po," saad ko saka yumuko na lamang. "Dito sa Maynila, bawal ang tatanga-tanga dahil bukod sa kakainin ka ng mga tao rito, nagkalat din ang mga luko-luko," pangaral pa niya. Napansin kong nakahawak siya ng briefcase habang nakasuot ng pang-opisinang damit. Napaisip ako sa huli niyang sinabi. "Kung gano'on ay isa ka na sa mga masasamang loob. Siguro ay props lang iyang suot mo dahil gusto mo akong nakawan, 'no? O 'di kaya ay modus mong tumulak para dumikit ang katawan ko sa'yo," dire-diretsong paratang ko kaya ang lalaki ay biglang kumunot ang noo. Mukhang masungit ito at base sa katawan ay kaya nitong ibalibag ang kahit na sino. "Stop that nonsense, probinsyana. Ayusin mo muna ang skirt mong mahaba at pang-matanda bago kita pagnasaan," masungit na wika nito saka ako iniwang nahihiya sa sariling sinabi noong una. Ang sama ng ugali niya. Napansin ko ang mga tao sa paligid. Ang mga babae'y nakasuot ng maiikling damit at marahil ay mukha akong matanda sa suot kong t-shirt at saya. Kinabukasan, naghanda ako para sa trabaho at nag-ipon pa ng lakas ng loob dahil sa uniporme ko pa lamang ay kita na halos ang kaluluwa ko at ang skirt naman ay hapit na hapit sa aking baywang at maiksi lang din. Isa naman akong Hotel and Restaurant Management graduate at kaya ko ring ayusan ang sarili gamit ang make-up ngunit kung damit ang pag-uusapan ay hindi ako sanay sa halos kakapiranggot lang na tela. Alas 7 and time-in ko at mamayang alas 3 ng umaga naman ang out ko. Pagkarating ko sa DDB ay bumungad sa akin ang nagsasayawang ilaw habang natanaw ko naman ang mga kasama kong papasok na rin. Marami na kaagad tao kaya marahil ay mapapagod ako sa unang araw ko. "Miss Cruz, Villa, Miranda and Tores, bantayan ang VIP rooms. If they need anything, be one call away," saad ng sekretaryang babae at kinabahan ako dahil nasali ako sa VIP gayong unang araw ko pa lang ito. Nagtaas ng kamay ang isang waitress na makapal ang make-up habang ngumunguya pa ng bubble gum. "Bakit siya kasali? Baguhan 'yan," masungit na sabi niya. "Miss Miranda will train her on-the-spot. Utos ni Manager," sagot ng sekretarya saka umalis na. Binalingan ako ni Miss Miranda at pagtingin ko sa name tag niya ay 'Yna' ang nakalagay. "Hi, ready ka na?" saad niya saka ako nginitian. "O-Oo." "Huwag kang kabahan. Imagine mo na lang na nasa on-the-job-training ka lang," natatawang sabi niya saka ako hinila. "By the way, ako si Yna," saka siya nakipagkamay. "Atasha 'di ba?" "Oo, Atasha," sagot ko. Nagtungo kami sa isang VIP room habang dala ang mga alak na in-order ng grupo ng mga kalalakihan kasama ang ilang babae. Nang makalapit kami ay mabilis kong napansin ang lalaking nakasandal sa couch habang naka-de-kwatro ang paa. Kumunot ang noo niya kaya bigla akong kinabahan. Iyon ang lalaking nakabangga sa likod ko kahapon. Nasa tapat ko siya at habang nilalagyan ko ng alak ang baso ng katapat niya ay ramdam ko ang malagkit na paninitig nito sa akin. Lumapit naman ako sa kanya para lagyan ang baso niya ngunit kitang kita ko ang paninitig niya sa akin mula sa gilid ng mata ko kaya dahil sa kaba at pagka-ilang ay biglang natumba ang baso at nabuhos iyon sa pantalon niya. Dahil na rin sa adrenaline ko ay mabilis kong kinuha ang table napkin saka iyon dinampi sa hita niya. "Stop," iritableng aniya pero hindi ko siya pinakinggan. "S-Sorry po!" wika ko habang pinagpatuloy ang ginagawa. "Fúck! I said stop!" Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na ibang bagay na pala ang dinadampihan ng tela. Naramdaman ko ang matigas na bagay sa pagitan ng kanyang hita kaya napaatras ako sa hiya. "Chill ka lang, Steve Hans Rojas. Don't be cruel. Be gentle with the woman," wika ng isang lalaking tila seryoso habang katabi ang babaeng maganda, matangkad, at mala-anghel ang mukha. Nilingon ako ng babae saka nginitian. "It's fine. Our friend is just frustrated right now. Broken-hearted kasi," aniya saka tumawa. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ng babae. Mabuti na lang at hindi siya katulad ng ibang mga babaeng tataasan ako ng kilay kapag nagkamali. "I am just frustrated Lanielle Faith. I am not broken-hearted," pabalang na sabi niya at natawa na lamang ang mga kasama niya. "Atasha, ako na," saad ni Yna at siya na ang nagpunas sa basang mesa. Nakatayo lang ako sa gilid habang nakayuko at hindi malaman ang susunod na gagawin. Nagpasya akong umalis na lamang ngunit nagulat ako nang marinig ang sinabi ng lalaki na nagngangalang Steve. "Don't just escape woman," saad niya kaya napatigil ako sa paghakbang. "After you fúcking touched the thing between my thighs, you'll run away just like that?" wika niya na siyang ikinapula ng pisngi ko sa hiya. Lumapit siya sa akin habang ang mga kasama niya ay hindi na kami pinansin. Hindi ko alam kung anong iniisip nila sa sinabi ng lalaking ito. Binalingan ko si Yna para sana magpatulong ngunit maging siya ay hindi alam ang gagawin. Napaatras ako. "H-Hindi ko po sinasadya sir," saad ko. Biglang nagpatay-sindi muli ang ilaw at lumakas ang tugtugan kaya hindi ko rin alam kung narinig niya ang sinabi ko. Habang paatras ako nang paatras ay naramdaman ko ang pinto at sa isang iglap ay nakapasok na kami sa rest room ng VIP room. "You're sorry for making my dàmn thing hard?" sarcastic na sabi niya at dalawang dangkal na lamang ang layo namin sa isa't-isa. "Then I am advancing my 'sorry' too," baritonong saad niya at nagulat ako nang marahas niyang nilakumos ng halik ang aking labi at saka lamang niya ako pinakawalan nang malapit na akong maubusan ng hangin. "Justice served," seryosong sabi niya saka iniwan akong hinihingal, tulala, at hindi malaman kung lalabas pa ba o magkukulong na lang sa loob hanggang sa matapos ang duty ko. Pagtatapos ng kabanata 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD