If opportunity didn\'t knock on your door, open the door and grab the opportunity from the outside. -otor Flo
I am a dreamer. I like exploring what my mind could imagine. I want to make people smile, cry, and learn from my stories because when the heart is involved, the mind learns.
Ang pagkakakulong ay hindi biro dahil magdurusa ang isang tao sa loob ng kulungan dipende kung gaano katagal ang ipinataw sa kanya ng korte.Paano kung naakusahan ang isang inosenteng dalaga ng krimeng hindi naman niya ginawa?Sino ang magtatanggol sa kanya sa korte upang mapatunayan ang pagiging inosente nito.Paano kung ang nagboluntaryong lawyer na ipagtanggol siya ay may hininging kapalit nang minsang malasing ito?Ibibigay kaya ni Atasha ang kanyang puri sa kanyang attorney kapalit ng kanyang kalayaan o tuluyan siyang makukulong sa bilangguan?
Si Desie Amber Corpuz ay isang sikat na modelo na mula sa mayamang pamilya. Dahil sa taglay niyang kagandahan ay palagi siyang nal-línk sa bawat makakapareha niya sa isang proyekto kaya tinagurian siyang play girl sa industriya. Isang araw, nagkayayaan silang magkakaibigang mag-party sa isang private resort at nang malasing siya ay nakipaghalikan siya sa isang lalaki na hindi niya kilala sapagkat nasa isang madilim na lugar sila.Dala ng kalasingan, nahanap niya ang sarili kinaumagahan sa bisig ng isang matipunong lalaki na nagngangalang Walter Xy Suarez na kapareho niyang wala ng saplot. Ang dalaga ay umaktong tila wala lamang sa kanya ang pagsuko ng kanyang puri sa isang hindi niya kakilala kaya ganoon na lamang ang gulat at pagkadismaya ng lalaki. Sa pagsapit ng mga araw ay hinahanap-hanap na ito ng lalaki at nais na nitong mahalikan muli ang dalaga. Naging magkapareha sila sa isang proyekto at doon lumalim lalo ang temptasyong naramdaman ng binata sa isang rebellious na dalaga. Hanggang kailan kaya nila maikukubli ang umuusbong na kagustuhan sa isa't isa kung may kanya-kanya ng ka-love-team ang dalawa?
Ang rejection ay isa sa mga bagay na sumisira sa ego ng isang tao at maaring makasama o makabuti ang epekto nito.
Sa unang pagkakataon ay naranasan ni Noven Angelo Corpuz ang pagtanggi sa buong buhay niya mula kay Lanielle Faith Castañeda.Sa pagtangging ito ay nag-umpisa ang parusang nais ipataw ni Noven kay Lanielle kaya nagpanggap siyang emplyedo upang parusahan ang unang babaeng tumanggi at umapak sa kanyang pride.
Ngunit saan hahantong ang ninanais nitong pagpaparusa? Magtatagumpay kaya siyang paibigin at saktan ang dalaga o mahuhulog siya sa larong inumpisahan?
Pangarap ni Mon-Mon ang maging isang pulis ngunit dahil sa hirap ng buhay ay isinantabi niya muna ang pag-aaral upang makapag-ipon at makatulong muna sa pamilya.
Kaya naman namasukan muna siyang kundoktor ng Amore bus station sa Monteverde.
Sa kanyang magandang pangangatawan at kakisigan ay maraming pasahero ang nahuhumaling sa kanya, lalo pa at hindi siya nagsusungit sa tuwing palihim siyang kukuhanan ng litrato ng mga estudyanteng madalas nilang maging pasahero.
Lahat ay napapakilig niya, maliban lang sa isa - si Sanya, isang mag-aaral ng Monteverde University.
Ito ang kwento ng pag-ibig na kung saan ay parang pagsakay lamang sa bus ang magiging sitwasyon.
Kahit mahal, kailangan mong bayaran. Kung nagbigay ka ng buo, may sukli kang dapat asahan.